Pagdating namin sa venue nagsisimula na.
“Oh tapos san na tayo pupunta?” tanong ko kay kris. Para naman kasing walang patutunguhan tong ginagawa namin. Hinila niya ko papunta dun sa table ng mga business partners daw niya na I think mga nasa mid40’s na yung age.
“Oh! There you are Mr. Padilla.” Sabi nung isang babae na parang may pagkamataray kung titignan mo pero yung boses niya parang pang anghel.
“Good evening Mrs. Dela Cruz I hope you’re enjoying the party.” Sabi ni Kris.
“Oh yes Hijo, I’m having fun with my amigas. By the way who is this beautiful lady beside you.” Oh my gosh! Bakit niya pa ko tinanong. Okay na ko eh. Kainis!
“Oh! Let me introduce to you the daughter of Mr. and Mrs. Villegas, Kate Villegas.” Sabi naman ni Kris. Ay nako ayoko ng mga ganitong introduction eh. Hindi kasi ako sanay na ginagamit ko yung pangalan ng parents ko.
Nakipagshake hands na lang ako for proper gestures. “Good evening Mrs. Dela cruz. Nice meeting you.” Yun lang ang sinabi ko at nginitian ko siya. Medyo ang awkward hindi ko naman din sila kilala.
“Wow! Such a gorgeous lady. Bagay kayo.” Sabi niya.
“Thank you.” sabi ni kris. Wow! Feel na feel?
“Ah. Kris baka naman gusto mong umalis na dito. Ang awkward eh.” bulong ko sa kanya at ngumiti ng may pagkaplastic.
“So we’ll go ahead. Enjoy the party.” Sabi ni Kris. Aba! Buti naman. Jusme wala na kong masabi sa kanila eh.
Pinuntahan na namin sila mommy na kasalukuyang naguusap.
“Ah hi mom and dad!” bati ko sa parents ko at nagbeso.
“Hi tita, tito.” At nagbeso din sa parents ni kris. Binati din ni kris sila mommy at nakipagshake hands kay dad.
“Mom bakit po ba kailangan kong pumunta dito?”
“I am just waiting for the right time baby and I think this is it.” Pumunta na si mommy at daddy sa stage, at nagsimulang magsalita.
“Ladies and gentlemen, may I have your attention please.” At nagsitahimik ang mga tao.
“A pleasant evening to each and everyone. I am here, standing in front of you to announce a special matter for us, Villegas’ and the Padilla’s. For 30 years, We have experience the worst problem, scenario and difficult task. We learned different things how to handle bad cases to make it a good one. Of course, when there is bad, there also should be a good one. We have also experience good things in the company. Yesterday me and my husband have come to a decision. My daughter, Kate Villegas.” Sabi ni mommy at sinenyasan ako na pumunta sa stage. Wait! Ano bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...