After kong maghugas ng kinainan namin, naligo na ko at nagprepare na kasi may pasok na ko ngayon. Isang araw lang yung lumipas pero ang dami na agad nangyari. Kung iisipin parang hindi lang isang araw yung nangyari pero ganun talaga eh hindi mo mararamdaman yung takbo ng oras kung ang nasa paligid mo ay yung mga taong mahal mo, mga taong nambubwiset sayo at yung mga unexpected na nangyayari sayo. Sana naman ngayon walang mangyaring nakakabadtrip kasi kanina muntik na ko mabadtrip sa kasama ko. Ang kapal ng mukha kasi hay nako.
Kinuha ko na yung gamit ko at dumiretso na sa parking lot kung nasan yung kotse ko. Nagdrive na ko papunta sa school ko. Habang nasa daan ako may mga batang kalye na kumakatok sa pinto ng bawat sasakyan. Traffic kasi. Buti na lang may baon akong sandwich dito. Inabot ko sakanila yung sandwich na baon ko. Nakakaawa naman sila. Gusto ko pa sana silang ilibre sa malapit na fast food chain kaso hindi ako pwedeng malate kasi may photoshoot kami ngayon.
Pagdating ko school nandon na lahat ako na lang wala.
“sorry ha? Natraffic kasi ako.” Sabi ko sa kanilang lahat.
“Ay nako! Ano namang bago?” sabi ni Joyce. Siya yung laging kontrabida sa buhay ko simula pa lang nung high school lagi ko kasi siyang nalalamangan sa top kaya medyo mainit dugo niya sakin pero mabait naman siya kung makikita mo yung other side niya.
FLASHBACK
YEAR 2010 4th year high school kami. Nasa camping kami non and obviously kapag nasa camping may mga groupings and task na dapat matapos. Apat sa bawat grupo at kung sinuswerte nga naman ako si Joyce yung nakagrupo ko at sila Pau and Vanessa. Naiinis ako kasi siya yung nakagrupo ko.
Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana na maging magkagrupo kami or what. Basta ayoko siya makagrupo. Nung nagbigay na ng instruction yung adviser namin para sa task pinaupo kami na kasama yung mga kagrupo namin.
Binigay na samin yung task namin at pinagusapan naming apat kahit na ayaw ko at ilang ako sa presence ni Joyce. Napagdesisyunan namin na mahati kami into two. May binigay saming listahan kung ano yung mga kailangan namin hanapin sa gubat. Yes sa gubat kaya medyo nakakatakot na nakakaexcite kasi adventure. Then ayun na nga. May dice kami at kung sino yung magiging magkaparehas ng number na lalabas sa dice sila yung magkapartner at ayun nga kami ni Joyce yung naging magpartner. Kailangan kong magtiis.
Pumito na yung adviser namin para simulan yung paghahanap at nauna ng lumakad si Joyce at ako sinusundan lang siya.
“Ano ba! Susunod ka na lang ba ng susunod sakin?!” iritang sabi niya.
“Hello! Wala akong magagawa dahil tayo yung magkapartner. Alangan naman humiwalay ako sayo at maglakbay ng magisa dito edi nadefault tayo! May tracker tayo kaya susunod na lang ako sayo at pag may nakita ka sabihin mo na lang sakin ako na lang kukuha nahiya naman ako sa paghahanap mo.”
“bahala ka sa buhay mo! Bakit pa kasi ikaw yung naging kagrupo ko! Nako! Kapag nga naman minamalas ka!” Aba! At siya pa nagganyan. Eh ayaw ko din naman sa kanya. Tumahimik na lang ako para matapos na. Ayoko na sayangin yung energy ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Unexpected You
RomanceA story about a girl who unexpectedly got engaged without her approval. Minsan kasi may mga tao tayong makikilala ng biglaan, hindi inaasahan. Minsan yung mga taong yun hindi natin alam may mga gagampanan palang mahalagang papel sa buhay natin. Wala...