Chapter 16 -- Can I Go Back To Those Days?

123 3 0
  • Dedicated kay Elang Jereza
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Inaayos na ng mga staffs ang Fireworks. Maya-maya, magsisimula na to..

Sabi nila Jam, every year daw, may nagaganap na kakaiba during Fireworks Display. May mga estudyanteng nagtatapat ng feelings nila sa taong mahal nila. Sabi kasi nila, magkakatuluyan daw kayo pag ginawa mo yun..

Tinatawag nila itong Confession Time.

Well, since naman di ako dito nag-first year, di ko pa naman naranasan yun..

Or.. Naranasan ko na nga ba?

"Angel.. Makinig kang mabuti dahil isang beses ko lang sasabihin to.."

"I love you."

Come to think of it, gantong panahon din ata yun nung umamin sa'kin si Ivan..

"Kung talagang mahal mo ang isang tao, makakalimutan mo ang nakaraan."

Katrina.. Alam kong hindi ako ang tinutukoy mo. Kundi, si Ivan..

Pero pano ko malalaman kung ako talaga ang babaeng para sa kanya?

.

.

.

~ LUKE'S POINT OF VIEW

Malapit na ang Confession Time..

Hmm.. Teka, asan na si Carl? Biglang nawala?

May biglang kumalabit sa'kin sa likod..

Pagkalingon ko, nakita ko si Ivan.. Nakangiti.

"Yung sinabi ko kahapon.. Binabawi ko na."

"Ha?"

"Yung sinabi ko kahapon, nung nakatambay ako sa inyo.."

"Ah.."

"Di ko kayang sabihin na 'magiging magkaibigan pa rin tayo kahit anong mangyari'."

Anong ibig nyang sabihin?

Tumalikod si Ivan.. Nagpatuloy sya. "Walang.. makapapalit sa'yo, Luke. Kaya sisiguraduhin ko.. Kahit anong mangyari, di masisira ang pagkakaibigan natin." nilingon nya ko. "Gusto kita, Luke!"

Di ako nakasagot..

"Eto na siguro yung Confession Time! Hahaha. ^__^" dagdag nya.

"Hahaha!" natahimik ako saglit.. Bigla akong napangiti. "Ivan.. Napakaswerte ko at naging kaibigan kita."

"Wag natin kalimutan ang mga salitang yan ha? Hehehe." tiningnan ko sya, nakangiti pa rin sya..

Pero bakit ganun? Parang may kakaiba akong nararamdaman..

Nang walang anu-ano'y may biglang humatak sa'kin sa likod.

Pinadapa nila ako.. Pilit kong nililingon kung sino..

Nang maaninag ko.. Si Carl pala at si JJ.

"Teka, ano bang ginagawa nyo?!" reklamo ko sa kanila. "Ivan, tulungan mo ko!" nilingon ko si Ivan.. Pero pinagmamasdan nya lang ako habang tinatalian ako ng dalawang kumag na to.

Biglang nagsalita si Ivan, nakangiti pa rin. "Di ba sabi ko sa'yo, 'di ko hahayaang masira ang pagkakaibigan natin'? ^__^"

"Ha?"

"Pag naging maayos kami ni Angel ngayong gabi, eh di maayos na rin tayo! ^__^" bigla syang nagseryoso. "Kaya hindi kita hahayaang mag-confess sa kanya ngayong gabi!"

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon