Chapter 2 -- Intense.

210 5 0
  • Dedicated kay Ivan Tacderas
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Baket ganun yung tawa nya? Parang meron akong hindi maintindehan sa nangyayare? Grabe lang. :|

Anyway, matatapos na kame mag-design ng classroom. Dinidikit ko na sa pader yung last piece ng design ko nang biglang..

*snoring* *snoring*

O____O !!

Tiningnan ko si Ivan.. Grabe, tulog na tulog sya. Mukha ngang totoo yung sinabe nya kanina. Parang pagod na pagod na ewan tong si Ivan..

"Hihi." napatakip ako sa bibig ko. Baka magiseng sya..

Habang minamasdan ko ang pagtulog nya, ewan ko ba, napapangiti ako. Ang cute nya matulog, parang bata! :33

I looked at his face closely.. Bawat detalye ng mukha nya, tiningnan ko.. Nang biglang..

*SLAM!*

Napalunok ako.. WAAAAAHHHH!! Nakita ako ni Jam! O_O Nanlalaki mata nya at gulat na gulat ang itsura nya.

"J-Jam! Mali iniisep mo!" page-explain ko.

Di pa rin sya sumasagot. Nakatayo pa rin sya sa may pinto. The same reaction.

When finally, nagsalita na sya.. "Di ko inaasahang makikita ko to.. I can't believe it!" ganun pa rin, nanlalake mga mata nya.

"Jam, please pakinggan mo muna ko.. Di ko sya gusto or anything. At napakaimposibleng magkagusto ako dito! Tinitingnan ko lang sya kase nakatulog sya dito kaya please --" ang bilis ko magsalita pero bigla nalang syang nagsalita.

"ANG GWAPO NYAAAAA!! LALO NA PAG TULOOOOOGGG!!!! WAAAAAAHHHHHH!!!!!!" ♥ ♥ ♥ ♥

"Eh?" (O.O) ???

Grabe, makasigaw.. ~_~ Uhm. Hello? Natutulog po sya, baka masira rin ang moment na to para sa'yo kase baka magiseng sya sa ingay ng boses mo.

Dali-dali syang lumapit sa mukha ni Ivan.. Akmang hahalikan ba?! O_O

Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya at ipinikit ang kanyang mata nang biglang..

*spit!*

ASDFGHJKL! Dinuraan nya yung mukha ni Jaaaamm!! :OOO

"Ang ingay mo tapos balak mo pa ko halikan?" reklamo ni Ivan.. Mukhang masama ang giseng nya. "Ang baho pa ng hininga mo! Lumayo ka nga sa'ken!" sabay-tulak nya kay Jam.

Di naman nakapagsalita si Jam. Naawa ako, that was too harsh! "Ivan, hinay-hinay ka naman sa pananalita mo!" sermon ko sa kanya.

"Baket? Gusto mo ba, ikaw ang unang makahalik?!" aba-aba! Loko to ah. "Ano?! Di ka makasagot? Ganyan ba talaga kayong mga babae ha?!! At ikaw Jam, di ba may boyfriend ka? Anong kalokohan ba yang ginagawa mo haaa?!! Tingen mo papatol ako sa tulad mo?! DI MO MAN LANG NAISIP ANG MARARAMDAMAN NG BOYFRIEND MO!!" grabe, nakakabinge yung hule nyang sinabe.. Ang saket nya magsalita!!

Napaupo nalang si Jam sa sahig.. Naiiyak.. "S-Sorry.. Sorry, Ivan.." hala, umiyak na talaga! :( Pero teka, baket sya pa ang nagso-sorry?!

"Sorry? Sira ulo ka ba?! Tingen mo tatanggapen ko yang sorry mo?! Tinatarantado mo yung boyfriend mo! Akala mo di ko alam? Sinagot mo lang yun para may maipagmalake ka sa mga kaibigan mo! What are you, a SLUT?!"

*SLAAAAP!*

Sa sobrang galit ko, nasampal ko sya. "Ang kapal ng mukha mo!" naiiyak ako, siguro ramdam ko yung saket nung mga sinabe nya kay Jam.. "Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa isang babae! Ano ka, bakla?! Baket, perpekto ka ba? Alam na alam mo ba pinagdaraanan ng bawat tao ha?! Sino ka para magsalita nang ganyan?" ramdam kong habang binibigkas ko tong mga salitang to, nanginginig boses ko.. Wala akong balak makipag-debate sa kanya or anything, pero sobrang saket nya magsalita!

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon