Chapter 17 -- Dad.

110 2 2
  • Dedicated kay Jan Josep Garrido Go
                                    

~ LUKE'S POINT OF VIEW

"Oy, Luke! Ano na nangyari kagabi?" tanong ng isa kong kaklase.

Andito ako ngayon sa Classroom ko..

"Kagabi?" tanong ko sa kanya.

"Psh! Kagabi! Di ka ba nag-Confess?!" naiirita na sya.

"Hindi ako nag-Confess.. Di ko kaya.. Kaibigan ko si Ivan. At alam kong mahal pa nila ang isa't isa.." napatingin ako sa bintana. "Pero di pa naman ako sumusuko."

--flashback--

"Luke, pwede mo ba ko samahan pag nagkwento na si Ivan tungkol kay Stella?" pakiusap ni Angel.

"Ha? Bakit?"

"Kasi ang totoo, naiinsecure ako.." nakatitig sya sa kawalan na parang gloomy..

--end of flashback--

"Yup! Napakabait ko talaga!" wala sa sariling nasabi ko sa sarili ko.

"Anong pinagsasabe mo jan?!"

.

.

.

~ IVAN'S POINT OF VIEW

2:45 na.. Inaayos ko na ang gamit ko.

Ang tagal naman ng oras! >___<

*3:00pm*

Hehe.. ^___^

Lumapit ako kay Angel.. "Tara na?"

Tinitigan nya ko na parang kinekwestyon.. Pati mga kaklase ko, nagulat.

"Uhm.. May meeting ang mga officers ngayon.." sagot nya.

"Aw! Busted na naman!" sigaw ng isang kaklase ko.

Nairita si Angel.. Bigla akong hinatak. "Dun nga tayo sa labas!" bulong nya.

Pagkalabas namin..

"Look! Di pa tayo, okay?" galit na sya, pero medyo namumula.

"Alam ko.."

"Hays! Wag mo na uulitin yun. Ako nalang magsasabe sa'yo." tumigil sya saglit. "Anyway, kelan ka ba pwede? Sabado o Linggo?"

"Parehas!" napasigaw ako.

"Oh, sige. Magkita nalang tayo sa SM.." tinitigan nya ko nang masama. "This is not a date!"paglilinaw nya.

Pero di ko mapigilang ngumiti.. "Okay!"

.

.

.

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Teka, tama ba tong ginagawa ko?

Nakakainis.. Masayang masaya sya. You could see it all over his face. ~___~

Well.. Paninindigan ko na to.

SATURDAY.

Andito kami sa SM.. Di maipinta ang mukha ni Ivan.

Disappointed na disappointed sya.

"Bakit andito si Luke?" nakangiti pa rin sya pero alam kong naiirita na sya.

"Oh, Ivan! Alam mo naman siguro na hindi ito 'date' di ba? ^__^" nginitian nya si Ivan sarcastically.

Haaay.. Sana di magsimula ng gulo tong dalawang to.. -.-

Pumasok kaming tatlo sa isang Fastfood Restaurant.

"Order muna tayo." alok ko sa kanila.

Magkatabi silang dalawa ni Luke.. Ayoko magkaroon ng di pagkakaintindihan kaya silang dalawa nalang pinagtabi ko.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon