Chapter 20 -- Imperfections.

85 3 6
  • Dedicated kay Grace Morelos
                                    

~ LUKE'S POINT OF VIEW

Hinatid ko si Angel hanggang sa harap ng kanilang bahay. Tahimik pa rin sya at maluha-luha.

Sana tumigil na sya sa kaiiyak, andito naman na ako eh.. Pero sabagay, sino ba naman ako sa kanya..

Bago sya pumasok, hinarap nya muna ako. "Salamat, Luke.." malungkot pa rin sya. Nakayuko at nakatingin sa lapag.

Biglang may pumarada na taxi sa harap ng bahay ni Angel. Nilingon namin kung sino..

"Angel!" sigaw ni Ivan pagbaba nya ng taxi. Nagkatitigan lang silang dalawa.. "Pinuntahan kita sa Park kaso di na kita naabutan dun.. Angel, I'm sorry. Sinira ko ang date natin." kitang kita ko sa mga mata ni Ivan na sincere talaga sya sa sorry nya.. Pero di ko rin naman masisi si Angel kung ayaw nya pakinggan ang paliwanag nya.

Nagtago sa likod ko si Angel.. "Umalis ka na.." nanginginig ang boses ni Angel, naiiyak na naman sya.

Tinitigan lang sya ni Ivan.. Nagulat sya sa reaksyon ni Angel.. Para syang nadurog nang makita nyang umiiyak ito.

"Mabuti pa siguro, pumasok ka na sa inyo, Angel.." saad ko. Agad namang tumalikod si Angel at pumasok sa bahay.

Hinarap ko si Ivan.. Tulala pa rin, di makapaniwala sa reaksyon na nakita nya mula sa babaeng mahal nya.

"Ano, Ivan? Nagulat ka ba?" naiiritang tanong ko sa kanya. "Di mo inisip na iiyak si Angel noh? Akala mo okay lang, since wala ka namang nararamdaman para kay Maya.. Akala mo okay lang na puntahan sya at iwan si Angel na magisa. Nagawa mo yun kasi wala ka naman dapat ika-guilty di ba? Pero di ganun ang tingin ni Angel..

"Ivan, paano mo mae-explain kay Angel ang mga pangyayari lalo na't alam mo na naiinsecure pa rin sya kay Maya? Ang pananaw mo at ang pananaw ni Angel sa mga bagay-bagay ay hindi magkaparehas, Ivan.."

Tahimik lang si Ivan.. "Di kita pagsasabihan sa ginawa mong pagtulong kay Maya.. Pero ang importante dito ay hindi kung anong tama at mali.. Ang importante dito ay ang hindi masaktan si Angel.. Sinaktan mo si Angel, Ivan!"

.

.

.

~ IVAN'S POINT OF VIEW

Naglakad ako pauwi..

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang binitawan ni Luke..

"Di mo naisip na iiyak si Angel noh?"

"Hindi yun big deal sa'yo.."

"Pero di ganun ang tingin ni Angel.."

Naalala ko si Angel kanina.. Kung paano sya nagtago sa likod ni Luke.. Kung paano tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata..

"Sinaktan mo sya, Ivan!"

BWISIT!!

Kinabukasan, ang sama ng pakiramdam ko.. Pero kelangan ko pumasok. Kelangan ko makausap si Angel.

Pagdating ko ng School, sinalubong ako ni Carl.

"Uy, pre! Anong nangyari sa'yo? Namumutla ka ah." alalang tanong nya.

"Naglakad ako sa ulan kahapon.. Wala na kong pamasahe pauwi eh."

"Tsk tsk! Sana nanghiram ka nalang ng pera sa'kin. Ang putla mo talaga eh! Umuwi ka na kaya?"

"Deh, okay lang ako.."

.

.

.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon