Chapter 9 -- The Secret.

161 6 0
  • Dedicated kay Sheena Mari Ayala Blanco
                                    

~ IVAN'S POINT OF VIEW

May narinig akong bumangga sa direksyon na pinanggalingan ko.. Kinakabahan ako, masama kutob ko.

Nilingon ko yung direksyon na pinagmulan ko. Lahat ng tao tumatakbo papunta dun. May sumisingaw na usok..

Di ko magalaw yung paa ko. Dapat ba kong pumunta dun?

Stella? Okay ka lang ba?

*blink* Okay lang siguro sya.. Maaalagaan naman sya nung lalakeng yun eh. Bahala na sya sa buhay nya. Di ko na sya responsibilidad.

Naglakad na ko ulet.. Pabalik na ko ng bahay.

Pagdating ko dun, sinalubong ako ni Mama. "Ivan, anak!" baket parang may nangyare? Parang na-shock si Mama.

"Ma, ano yun?"

Bago pa ko sagutin ni Mama, may sumagot na sa katanungan ko. Narinig ko yung TV, may balita..

May nabangga raw na kotse sa isang truck, kung saan kame galing nila Luke kanina..

*gasp* Si Stella nga.. At yung lalakeng kasama nya yung nabangga sa truck. Base sa balita, lahat sila binawian na ng buhay..

Stella.. Di ko alam gagawin ko. Kasalanan ko ba? Dahil hiniling kong mamatay ka na?

Stella.. Stella.. Masaya ka na ba ngayon? Kasama mo na ang pinakamamahal mo.. Sana masaya ka na. Di ka na iiyak ulet.. Maging maligaya ka na ngayon.. Stella..

Isang linggo na rin nakalipas simula nung ibinurol ang katawan ni Stella.. Di ko alam kung dapat ba kong pumunta dun. Di ko alam kung anong mararamdaman ko, kung anong iisipen ko kay Stella.. Oo, mahal ko sya. Pero di ko alam kung minahal nya rin ba ako..

Hahayaan ko nalang siguro sya. Masaya na sya ngayon, kasama ang tunay nyang mahal..

Oras na ng uwian at andito pa rin ako sa Classroom..

Parang ayoko pa umuwe. Mga ganitong oras, kung saan-saan kame pumupunta ni Stella..

Stella.. Di ko na makikita ang mga ngiti nya..

Biglang bumukas ang pinto. Si Maya.. Ang nakababatang kapatid ni Stella. Di sila magkasundo ni Stella.. Ano kayang nararamdaman nyang wala na sya?

"Wala na si Ate.." paalala sa'ken ni Maya.

Di ako sumagot.

"Parehas lang tayo. Kalimutan na natin sya."

Tinitigan ko lang sya.

Nginitian nya ko. "Karapatan nating maging masaya."

--end of flashback--

Nung araw na yun, nabulag ako. Nagpakatanga ako, nadala ako sa mga salita nyang yun.

May nagawa akong isang bagay na buong buhay kong pagsisisihan..

"Ivan?" sino yun? Parang boses ni.. Angel? "Ivan, tama na.. Tama na, Ivan.. Andito pa ko.. Di kita iiwan. Di ka nag-iisa.. Mahal kita, Ivan.."

Angel.. Angel! O_O

*gasp* Bigla akong napabangon.. Asan ako? Andito pala ako sa kama ko.   Panaginip lang ba yun? Hinawakan ko gilid ng mata ko, basang basa ng luha.. Angel..   

Tagal na rin akong di nananaginip ng ganun.. Anong meron at napanaginipan ko na naman yun?

At yung kay Angel.. Narinig ko boses nya kanina. Bakit ko narinig boses nya?

Dapat ko na bang sabihin sa kanya?

.

.

.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon