Chapter 21 -- Too Simple.

81 2 10
                                    

~ LUKE'S POINT OF VIEW

"Divorce?!" reaksyon ko sa sinabi ni Ivan sa akin.. Andito sya ngayon sa bahay ko.

"Aalis na sya sa December.." pagpapatuloy nya.

"Lilipat ka ng School?!!" pagkakaintindi ko.

Tinitigan nya ko at tinaasan ako ng kilay. "Ha? Hindi ako kasama! Dito lang ako.

"Isang taon nalang naman ang iintayin ko para maka-graduate. Siguro naman pwede ko na pagsabayin ang pag-aaral ko at trabaho pag nasa College na ko. Pag nagkatrabaho ako nang maayos at marami na akong pera, baka pwedeng bumalik na si Mama dito."

Napaisip ako. "Hmm.. Maganda yang naisip mo. But I don't think gugustuhin ng Mama mo na ikaw lang ang magtrabaho. Sa pagkakakilala ko kay Tita, ma-pride yung tao."

"Alam ko naman yun.. Ang sa'kin lang, pwede pa rin naman sya magtrabaho pero dito nalang sana sa Manila. Ang point ko kasi, kaya ko na buhayin ang sarili ko. Di nya na kelangan magpakapagod sa Cebu.." seryosong pageexplain nya.

Nagulat ako sa sinabi ni Ivan.. Wala akong maisagot. Ngayon ko lang sya nakitang magdesisyon nang ganito.. Napakaresponsable nyang anak para sa Mama nya.

Napangiti ako. "Buti naman kung ganun.. Akala ko lilipat ka na sa Cebu eh! Hahaha."

Napangiti rin sya. "Bilisan mo na nga jan sa pagkain mo! Akala ko ba magbasketball tayo?" naiiritang pagrereklamo nya.

Ay, oo nga pala! "Eto na.. Patapos na!"

Biglang pumasok si Ate Katrina sa sala. "Oh, Ivan! Andito ka pala. San punta nyo?" sabay-tingin sa'kin.

"Hm? Basketball." sagot ni Ivan.

"Huh! Mga kabataan talaga ngayon.. Napaka-energetic!" kumento ni Ate.

"Hahaha! Palibhasa ang tanda mo na kasi, wala ka ng energy para maglaro!" pang-aasar ni Ivan.

"Hmp! Whatever."

Pagkatapos ko sa pagkain ko, agad akong tumayo at pumunta sa kusina.

.

.

.

~ IVAN'S POINT OF VIEW

Nagtungo si Luke sa kusina para hugasan ang pinagkainan nya. Naiwan kaming dalawa ni Katrina sa living room.

"Oo nga pala, Ivan.." biglang nagsalita si Kat. "Nasabi mo na ba sa kanya na magpapaiwan ka dito sa Manila?"

Naguluhan ako sa tanong nya. "Ha?"

"Nasabi mo na ba sa Mama mo? Na magpapaiwan ka.."

"Uhh.. Sabi nya naman kasi sa'kin, bahala raw ako kung gusto ko sumama sa kanya o hindi. So I assume na ok lang sa kanya na magpaiwan ako." explain ko.

"Hmm.. Napagisipan mo na ba yan nang mabuti?" tinitigan nya ko nang diretso.

Napatitig rin ako. "Ano bang dapat kong pagisipan? Andito ang girlfriend ko. Wala akong rason para umalis." wala akong dapat pag-isipan..

.

.

.

~ LUKE'S POINT OF VIEW

Andito na kami ni Ivan sa court.. Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko.

"Ivan.." nilingon nya ko. "Narinig ko ang usapan nyo kanina ni Ate." pag-amin ko.

Kumunot ang noo nya. "Pambihira! Pati ba naman ikaw? Sinabi ko naman na sa inyo, di ako aalis!"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin.. Tungkol kay Angel.. Nakapagusap na ba kayo?"

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon