Chapter 19 -- The Choice.

86 4 5
  • Dedicated kay Glyza Neri
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

"Good morning, Angel!" bati sa'kin ni Sarah pagpasok nya ng room.

"Ah.. Morning! :)"

Lumingon-lingon sya sa paligid na para bang may hinahanap. "Wala pa si Ivan?"

"Wala pa eh. Hehe." sagot ko sa kanya.

"Hmm.. That's strange. Usually, lagi syang mas maaga sa'yo." kumento nya.

"Haha! Baka napuyat lang.. or baka na-traffic." sabay-ngiti.

"Morning!" bati ni Tea pagbukas nya ng pinto.

Hmm.. Asan na kaya si Ivan? Di ko naintindihan yung sinabi nya sa'kin kahapon eh.

"Posible bang mahulog ka sa isang taong di mo naman gusto?"

Sino kaya ang tinutukoy nya? Parang nung mga nakaraang araw, malalim ang iniisip nya..

Biglang bumukas ang pinto.

"Ah! Ayan na pala si Ivan eh." kumento ni Tea.

"Good morning!" bati ko sa kanya.

Nilingon nya ko.. Di sya sumagot agad. "Ah.. Morning."

Bakit ganun? Parang wala syang kabuhay-buhay ngayon..

Buong araw akong di makapag-focus sa klase dahil kay Ivan.. Para syang badtrip eh. Iritableng iritable ang itsura nya.

Matapos ang klase, agad akong lumapit sa kanya.

"Ivan, may problema ba?" alalang pagtatanong ko.

"Ah.. Wala naman. May iniisip lang ako.. Pero wala to, Angel." nginitian nya ko at hinawakan ang kamay ko.

"Anong iniisip mo? Kanina ka pa wala sa sarili mo eh." pagpupumilit ko.

Tinitigan nya ko.. Naka-half smile sya. "I don't think dapat mo pang problemahin yun, Angel.."

"Subukan mo lang, Ivan. Gusto ko marinig."

Napabuntong-hininga sya.. Kilalang kilala nya ko pagdating sa mga ganito. Di ko talaga sya tatantanan kung pati ako naaapektuhan sa mga kinikilos nya. "Haayy.. Sige na nga!

"May dine-date ngayon si Luke na babae, babaeng di nya naman lubos na kilala. Nagkakilala lang sila sa isang Restaurant. Eh mukhang nagustuhan sya nung babae kaya tinanong nya si Luke kung pwede sila mag-date sa loob ng isang buwan. Ngayon, kung di pa rin ma-develop si Luke sa kanya after ng isang buwan, titigilan nya na si Luke."

Habang nagkekwento sya, kitang kita ko ang pagkairita nya sa pangyayare.

"Naiintindihan kong concern ka kay Luke, Ivan.. Pero di ko maintindihan kung bakit masyado kang nagpapaapekto sa pangyayare. Ano bang problema kung makipagdate si Luke?" opinyon ko.

Nairita sya lalo. "Anong 'anong problema'?! Kung di nya magustuhan yung Glyza na yun sa loob ng isang buwan, ititigil nya na ang pakikipagdate!"

"Eh bakit ka ba nagagalit?!" nairita na rin ako sa pagkairita nya.

Kumalma sya nang onte.. "Parang pinapaasa nya lang yung babae. At di naman gusto ni Luke yun para idate nya."

"Haay nako, Ivan.. Syempre alam naman nilang dalawa yun. I think handa naman sila sa kung anumang pwedeng mangyare eh." hinawakan ko sa balikat si Ivan.

Napayuko sya, napahawak sa kanyang noo. "Di mo naiintindihan, Angel eh.. Gusto kong makatagpo si Luke ng taong mahal sya at mahal rin nya." napatingin sya sa bintana. "Angel, alam mo naman kung gaano kabuting tao si Luke di ba? He deserves to be happy."

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon