Chapter 7 -- Assumptions.

169 6 4
  • Dedicated kay Carla Figuracion Lozano
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

"Angel Angel!" masayang bati ni Ivan sa'ken pagpasok nya sa Classroom. "Good morniiing! ^____^" bungad nya na naman sa'ken yung smile nyang yun.. Pero imbis na masiyahan ako, di ko alam kung baket ako nagkakaganito. Ayoko naman sirain yung mood nya. Pero ibang iba yung nasa isip ko at ginagawa ko.

"Morning.." ayts! Walang kabuhay-buhay yung bati ko sa kanya. Psh.. Sinubukan ko naman eh. Kaso di ko rin talaga maipaliwanag kung baket ako nagkakaganito. Siguro nahalata nya na ko..

And as expected, nahalata nyang wala ako sa mood. "Eh? May problema ba?" then he gave me that innocent look. Siguro nga wala talaga syang ginawang masama. Pero ayoko naman sya magalala. Ayoko magsimula ng away.

"Wala, kulang lang sa tulog." umiwas ako ng tingin sa kanya. Alam kong bibigay na naman ako sa isang smile nya eh.

"Hm. Okay.." natahimik sya so tiningnan ko sya. Iba na naman expression ng mukha nya. "Basta, Angel ah." nakangiti na medyo seryoso, parang binabantaan ako. "No secrets."

Di ako nakasagot.. Tama ba tong ginagawa ko? I feel like I'm not being fair to him.

Dagdag pa sa pinoproblema ko yung narinig kong pinag-uusapan nung iba kong mga kaklase kanina pagpasok ko sa Classroom..

--flashback--

"Uy, Aya! Alam mo ba yung nangyare last year?"

"Alin teh? Yung kay Ivan?"

"Oo! Nako, girl! Kahapon ko lang nalaman yun."

"Teh, wag na naten pag-usapan yan. Baka mamaya, kumalat pa to. Baka umabot pa kay Angel, mahirap na."

*door opens*

Di ko maintindihan yung pinag-uusapan nila. Pero alam kong dapat ko yun malaman.

Tinanong ko sila kung ano yung sinasabi nila tungkol kay Ivan na di ko dapat malaman. "Ano yun?"

Tinitigan lang nila ako with guilt in their eyes.

--end of flashback--

Alam kong masamang makielam pero inisip ko kaseng baka makatulong yun para mas mapalapit ako kay Ivan.

Nakakatawa di ba? Boyfriend ko sya pero di ko sya ganun kakilala.

Buong araw ko syang di pinapansin. Kahapon, pinoproblema ko yung kay Maya. Ngayon naman, yung nalaman ko kaninang umaga. Haaaayy..

Alam kong unfair para kay Ivan na iwasan ko sya nang di man lang sinasabi ang dahilan, pero di ko alam kung makakausap ko pa sya nang maayos.

Lumapit bigla si Ivan sa'ken. "Angel, peram English." nginitian nya ko with excitement. Siguro sinusubukan nyang pagaanin loob ko kahet di nya alam kung anong problema.

"Wala ka na namang assignment?" reklamo ko sa kanya.

"Eh pumunta ako kela Luke kahapon eh. Sige na, tatawagin ako ngayon ni Ma'am eh. Please?" tinitigan nya ko na parang nagmamakaawang bata. Tsss. Ang hina mo talaga, Angel..

Inabot ko yung notebook ko sa kanya. "Thank you, Angel! ^____^"

Di na ko sumagot..

Uwian na at nagmamadali akong umuwe. Ayoko muna magpahatid kay Ivan, magiging awkward lang.

...............

Ay! May assignment pala kame ulet sa English, eh na kay Ivan yung notebook ko. No choice, kelangan ko sya kausapen.

Bumalik ako sa Classroom, nagbabaka-sakale lang na andun pa sya.

Bubuksan ko na sana yung pinto nang may bigla akong narinig na nag-uusap sa loob ng Classroom.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon