Chapter 10 -- Come Back Alive.

161 7 4
  • Dedicated kay Jomabell Lascano
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Ugh! Sigh..

Humiga ako sa kama ko.. Ang lalim na naman ng iniisip ko.

*riiiing!* *riiiiing!* *riiiiinggg!!*

Kanina pa tunog nang tunog tong phone ko.. More like, ilang araw na rin syang tumatawag..

Haaayy. Tatlong araw na rin ang nakalipas nung nangyari yun..

"May nangyari sa'min ni Maya.."

Tss! Napasubsob mukha ko sa unan na yakap-yakap ko..

Alam kong itinago nya sa'kin yun di dahil nagi-guilty sya, kundi iniisip nya lang ang mararamdaman ko..

Pero.. Si Maya? Si Maya na kapatid ni Stella? Kapatid ng ex nya?!

Bakit, Ivan? Nakaramdam ka ba ng lungkot?

Were you feeling lonely?

Pero Ivan.. Ikaw rin.. Pinagtaksilan mo rin si Stella..

Sumunod na araw sa PE Class.

Lahat kameng mga babae andito sa balcony ng gym, nanonood ng basketball game ng mga lalake. Andun si Ivan, naglalaro.. Di sya nakakashoot..

Naririnig ko yung mga babae dito.. Sari-saring reaksyon..

"Uy, si Ivan oh. Di sya naka-shoot! Unusual.."

"Oo nga eh! Sana maka-shoot na sya! Matatalo na yung team nila oh."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

~ IVAN'S POINT OF VIEW

Tapos na yung laro. Talo kame, badtrip! Tsk.

Umupo ako sa tabi ni Luke habang pinupunasan yung pawis ko. "Badtrip! Di man lang ako naka-shoot ni isa."

"Hahahaha! Siguro kung professional player ka, matatalo ka talaga agad kung magpapadala ka lagi sa emosyon mo." nginitian nya ko sarcastically. Alam nya na siguro yung nangyare. "Haaaayy.."

Natahimik ako saglet. Tumingin ako sa malayo.. "Tanga ba ko?" tanong ko sa kanya.

"Minsan.." pag-amin nya.

Napayuko ako. Tinamaan ako dun ah! T_T

Nilingon nya ko. "Hahaha! Alam mo, minsan maganda rin maging tanga." minsan, ang lalim talaga ng mga sinasabi ni Luke.

"Si Angel.." bulong ko sa kanya. "Di nya sinasagot mga tawag ko. Ni hindi nya rin ako tinitingnan.."

"Wag kang sumuko." nakangiti sya habang nakatingin sa malayo.

"Limampung beses ko na sya tinatawagan, Luke."

"Kung kinakailangang tawagan mo sya kahit isang daang beses pa, gawin mo. Wag ka sumuko." napatitig ako sa kanya.

At dahil sa sinabi ni Luke, pinuntahan ko si Angel sa bahay nila. Nakatayo ako ngayon sa harap ng gate nila.

"Eh?!" reaksyon ng Mama nya. Sino ba namang di magugulat, 11 na ng gabi. "Uhm. Teka lang, iho ah! Tawagin ko lang si Angel.."

Pagbalik ng Mama nya, parang disappointed ang itsura nya. "Nako, pasensya na. Naliligo pa si Angel eh."

Kahit di sabihin ng Mama nya, alam kong excuse lang yun ni Angel.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon