Chapter 6 -- Visit.

170 6 0
  • Dedicated kay Glyza Neri
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

"Angel.." nilingon ko si Ivan. Medyo sanay na rin ako sa way nya ng pagtawag sa'ken. Tuwing binabanggit nya ang pangalan ko, ramdam kong special ako sa kanya. Yung tipong pag tinatawag nya ko, mapapalingon yung mga kaklase ko sa aming dalawa sa sobrang kakaiba.

Aray! Kinurot nya ilong ko. "Uy, wala ka na naman sa sarili mo ah. Haha! Ano bang iniisip mo?" sabe nya sa'ken.

"Hm.. Wala lang naman. Oh, ano bang kelangan mo?"

"Wala, labas tayo mamaya." he smiled my favorite smile. Yung smile na sobrang lapad na parang walang pinoproblema.. Napaka-carefree.. Yung smile na pag tiningnan mo, gagaan loob mo. Yung smile na magbibigay liwanag sa lahat.

"Saan naman tayo pupunta?"

Mga 5 seconds bago sya sumagot. "Hmmm.. Kahit saan! Wala naman akong pakielam eh, basta magkasama tayo. ^___^"

:'| Tsk. Kelan ba ko masasanay sa mga banat nyang ganito? >.<

"Ayiiiieeeeee!!" sigawan nung mga kaklase ko. ~_~ Kelan rin kaya ako masasanay sa tuksuhan sa'min ng mga kaklase ko? :'/

Naglakad-lakad kami ni Ivan sa kalsada.

Medyo matagal na rin kameng lumalabas magkasama. Kung saan-saan lang kami pumupunta. Tulad nga ng sabi nya, di naman importante sa aming dalawa kung saan kame pupunta, basta magkasama kami.

"Ivan.. Gusto mo pumunta sa bahay namin?" anyaya ko sa kanya.

Nagulat sya. Di nya ata inexpect yung sinabi ko.. "Uhm.. Tayong dalawa lang ba sa bahay nyo?" yung mga mata nya, namimilog. Kitang-kita mong excited. Mukhang alam ko na iniisip nito ah. ~__~

"Syempre hinde!" ano ba namang tanong yan. Nakakailang tuloy.. -________-"

Dahil medyo matagal na rin kame, marame na akong nalaman tungkol sa kanya.. Isa na ito sa mga nalaman ko. Tulad ng ibang lalake, ganito ang takbo ng utak nya. :|

"Ah, ganun ba.." nakayuko sya. Parang disappointed sya sa sinabe ko. May pahaba-nguso pang effect.

"Ganyan ka ba talaga mag-isep?" reklamo ko sa kanya. Nakakairita sya pag ganito..

"Yup! ^__^" mukha syang inosente pero iba ang takbo ng isip nya. Lahat ba ng lalake ganto mag-isep?

"Di ka ba nahihiya?"

"Hinde! ^___^" Grabe naman to, di man lang nya pinagisipan yun. Nakangiti pa. Pang-asar to ah. T_T

"Can't you be a little more sensitive sa iisipen ko sa'yo?"

Binigyan nya ko ng innocent look. "Ha?"

"Kung lagi kang ganyan, maiilang ako sa'yo."

"Baket? May mali ba sa sinabi ko?" hinawakan nya kamay ko. Mukha ngang di nya naiintindihan yung ibeg kong sabihen.

"Sensitive ako sa ganyang usapan, Ivan. Kung darating at darating tayo sa ganitong usapan, syempre dapat sabihin ko na sa'yo yung mga ayaw ko." nakikinig lang sya sa'kin. Nakatitig na parang aso. "Boyfriend kita. Kung ganyan ka mag-isip, di malayong umabot sa punto na matukso ka. Ngayon palang, sinasabi ko na sa'yo, di ako papayag."

Natahimik lang sya.

"Naiintindihan mo ba ko?" nahihiya talaga akong pag-usapan ang mga ganitong bagay. Pero kelangan din namin to pag-usapan. Ramdam kong namumula na ko.

Naging seryoso ang expression nya pero kalmado lang. "Naiintindihan ko. :)" nginitian nya ko, pero nakikita kong seryoso pa rin sya. "Angel.. Inaamin ko, bilang isang lalake, syempre gusto ko. Pero kung ayaw mo, di naman kabawasan sa pagkalalaki ko yun." ang soft ng ngiti nya, so peaceful. "Angel, mahal kita. Di lang naman katawan mo ang habol ko sa'yo. Wag ka magalala, wala akong gagawin na ikasasama ng loob mo." hinalikan nya ko sa noo.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon