Chapter 11 -- Timing.

189 5 2
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Eto na nga pala yung araw na ipeperform namin yung project namin sa PE.. After nung sayaw namin ni Tea, umalis na ako. Wala akong balak panoorin yung sayaw ni Ivan at Maya..

Pagbalik ko, eto ang inabutan ko.. Nagsisigawan ang mga tao. Nagsisitilian ang mga kababaihan.. Well, normal na rin siguro to para sa'ken.. Isang linggo na rin ang nakalipas since nung nakipagbreak ako. Nung kumalat yun sa school, dumagsa ang mga tagahanga ni Ivan.. Bigla ulet sila lumitaw.. Yung para bang sumikat ulet sya simula nung naging 'free' sya.. Simula nung naging single sya.

Andito kame ulet nila Sarah sa balcony ng gym. Naglalaro sila Ivan.. Tilian nang tilian yung mga babae..

"Kyaaaaa! Ivaaaaan!! Tingin ka naman dito!"

"Ang galing ni Ivaaaan! Grabe, ang gwapo nyaaa!!"

Nanalo sila sa basketball game nila ngayon.. Siguro di na nagpapaapekto si Ivan sa mga pangyayare..

"Oh em! Kinindatan nya ko!" sabe nung isang bakla. Pambihira, pati bakla may gusto sa kanya.. ~_~

I never realized he was this popular. Pero siguro among these girls, ako ang mas nakakakilala sa kanya. Dati, isa ako sa kanila.. Sa mga tagahanga nya.. Pero nung naging kame, narealize ko na he's just like any other guy. Pero ngayon.. I guess this is how it ends..

May lumapit kay Ivan na dalawang babae at nag-abot ng towel. "Kuya Ivan.." kuya daw.. Siguro first year to. "Towel.. Para sa'yo." medyo nanginginig sila..

Tinitigan muna sila ni Ivan bago sumagot. "Salamat! ^_^" he smiled my favorite smile..

"Sikat na uli si Ivan noh?" kumento ni Sarah habang nakatitig kay Ivan..

"Yuhh.. I can't believe ikaw pa mismo nakipagbreak kay Ivan, Angel.. Ikaw tong sobra kung magmahal sa kanya. Anyare teh?!" tanong naman ni Tea..

"Ah.. Teka, manonood pa pala ako ng Volleyball team." malayong sagot ko sa kanila. Ayoko talaga to pag-usapan.

Hinatak ako ni Jam at isinandal sa pader. Hawak-hawak nya ang balikat ko.. Mukha syang naiirita. "Angel, umamin ka nga! Ano bang nangyare?! Sobra na kong naguguluhan sa mga pangyayare! Naiinis ako sa mga naririnig kong chismis tungkol sa'yo!"

Tahimik lang ako at nakatulala..

"Alam mo ba mga pinagsasabe nila? Gusto raw ni Ivan na may mangyare na sa inyo! Naiinis na raw si Ivan kase ayaw mo kaya ka nakipagbreak! At di lang yun! Two-timer ka raw sabi nung iba! Palihim daw kayong nagkikita ni Luke, yung matalik na kaibigan ni Ivan! Angel, ano bang totoo?! Sabihen mo sa'ken! Anong nangyare sa Angel na kung magmahal eh daig pa ang bayaning may monumento?!"

Di naman totoo yung mga sinasabe nila so baket ako magrereact? Besides, never akong pinilit ni Ivan.. Nirerespeto nya ko nang buong puso.. Yun nga lang.....

"Pasensya na, Jam.. Di ko pwedeng sabihin sa'yo. Sana maintindihan mo.."

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon