Chapter 15 -- Give Me Courage.

149 4 2
  • Dedicated kay Jane Estuaria
                                    

~ ANGEL'S POINT OF VIEW

Maayos ang takbo ng booth namin dahil kay Ivan..

Ako rin, medyo busy sa pagbabantay sa kanilang lahat. Nakakastress! >__<

Besides, kelangan ko rin idistract sarili ko para di ko na maalala yung nangyari three days ago..

--flashback--

"I love you.." bulong sa'kin ni Ivan habang kayakap ko sya..

Di ko namalayan, lumuluha na pala ako..

Gaano na ba katagal? Gaano ko na ba katagal itinatago tong sakit na nararamdaman ko? Parang gusto ko sumigaw.. Parang gusto kong magwala..

Ivan.. Bakit ba tayo umabot sa ganito?

--end of flashback--

Matapos nung araw na yun, balik na naman kami sa dati.. Di naguusap. Parang walang nangyare.

Haaaayy.. Buti nalang may mapagkakaabalahan ako ngayon.

May biglang kumalabit sa'kin. "Hi. Ikaw ba ang manager dito?"

Nilingon ko sya. Kinailangan kong iangat ang ulo ko para makita ang mukha nya..

Ang ganda nya at ang tangkad.. Parang model.

Pero parang di ko pa sya nakita before.

"Uhm.. Opo, ako po ang manager. Sino po sila?" grabe, na-starstruck ata ako! Artista ba to?! >__<

"Haha. Lahat ba ng customers nyo, tinatanong mo pa kung anong pangalan?" nginitian nya ko. Ang hinhin nya magsalita.. Babaeng babae. "Nakakatuwa ka naman."

Na-speechless ako.. Napatitig lang ako sa kanya.

Naghihintay sya ng isasagot ko kaya pinilit kong sumagot. "Ah, eh.. Di naman po!" namumula na siguro ako. "Di po kasi kayo mukhang estudyante dito. At tsaka.." I paused for a moment, looking into her eyes. "Ang ganda nyo po kase." napayuko ako.

Binabaan nya ulo para tingnan ako nang malapitan. "Hihi. Salamat!" hinawakan nya mukha ko. "Ikaw rin, ang ganda mo. Mukha ka ring mabait!" natahimik sya saglit. "No wonder nagkagusto sya sa'yo." bulong nya.

"Eh? Sino po?" sino ba to? Parang kilala nya na ko.

Biglang lumapit si Ivan.. Not really paying attention. "Hi, Ma'am. Would you like to order?"

Nilingon sya nung babae. "Ano bang sinasabe mo jan? Napakapormal naman ng pagbati mo sa'kin!" nginitian nya si Ivan.. The way nya kausapin si Ivan, parang di sya kung sinu-sino lang. Di na ganun kahinhin boses nya.

"GAH!" napasigaw si Ivan pagkaharap nung babae sa kanya. Para bang kinasusuklaman nya ito.. "Anong ginagawa mo ditong bruha ka?!"

"Hahahaha! Ivan? ^__^" nginitian nya ito nang pagkalapad-lapad..

Umaatras si Ivan na para bang di nya gusto ang mangyayari. "Ah! S-Sorry!"

Hinatak ng babae ang damit ni Ivan. "How dare you disrespect me?!"

ASDFGHJKL! Binatukan nya si Ivan! :OOOOO

Yung kausap kong babae kanina.. Ibang-iba sa nasa harapan ko ngayon. Iisang tao lang ba talaga yung kausap ko?

Kung kausapin nya si Ivan, parang siga.. Parang alila nya lang si Ivan.

Sino ba tong babaeng to?! ~__~

Sinakal nya sa leeg si Ivan..

Nagtitinginan na ang mga tao dito. Ang mga babaeng customer namin, ang sama na ng tingin dito sa babaeng to.

My Love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon