EYIAH P.O.V.
Habang kumakain kami ni Next sa room ng lunch naming pareho ay may nagbukas ng pinto at sinipa pa ito, gulat naman kaming napa tingin don ni Next, at iniluwa non si Nathan at Xyfer.
"Anong problema nyong dalawa?" Tanong ni Next, nag lakad naman sila palapit samin at agad na binatukan si Next.
"Ikaw! ikaw ang problema namin, walangya ka, kanina kapa namin hinahanap nandito ka lang pala at nakikipag date kay miss ugly girl." Sabi ni Xyfer, taas kilay ko naman syang tiningnan.
"Anong date pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko.
"Oo nga mga hinayupak kayo, inunahan ko lang kayo noh, Ano selos kayo." Pabirong sabi ni Next.
"So inunahan mo nga kami?" Taas kilay na tanong ni Nathan.
"Oo para maniwala talaga sya, dahil kapag kasama ko kayong dalawa, masisira ang plano ko, at baka dipa ako patawarin ni Eiyah." Mahabang sabi ni Next.
"Ikaw talaga, masyado kang selfish." Sigaw sa kanya ni Nathan.
"Anong pinagsasabi nyo jan?" Takang tanong ko.
"Ahm...ehhh...ahhh..." si Xyfer at Nathan na nag kamot pa ng batok.
"Ganto kase yun Eiyah, plano talaga naming tatlo na kausapin ka para humingi ng tawad sa'yo, kaso inunahan ko na sila kase baka dika maniwala na sincere apologies talaga yung gagawin ko sa'yo." Sagot ni Next.
"Wow ha, grabe ka naman Next." Sabi ni Nathan at binatukan uli si Next. "Eiyah totoo yung sinasabi ni Next, gusto na talaga naming humingi ng tawad sa'yo, kahit na pinipigilan kami ni Kriss, dahil nga sawang-sawa na kami sa mga ginagawa nya, gusto naman naming maging malinis sa mga ka school mate namin na mabuti rin kaming tao." Mahabang paliwanag ni Nathan.
"Eiyah totoo lahat yun." Sabi ni Xyfer at umupo sa kaliwang upuan sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na may pagkain. "Eiyah please forgive us." Pagmamakaawa nya at nag puppy eyes pa.
"Seryuso ba talaga kayo?" Takang tanong ko. Hinablot ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Xyfer at tiningnan sila ng masinsin.
"Oo, promise." Silang tatlo, at sabay-sabay na itinaas ang kanang kamay.
"Eh asan yung isa?" takang tanong ko.
"Wala yung plano, alam mo naman yun mataas pa sa building ang pride non." Naiinis na sabi ni Nathan.
"Pinatawag pati sya sa dean's office, kaya nag karon kami nag pagkakataon makaharap ka." Si Xyfer.
"Ahh...alam ko, di nya ugali na humingi ng sorry." Tanging sagot ko.
"So friends na tayo??" Tanong ni Nathan at tinaas baba ang kilay.
"Please Eiyah." Si Xyfer.
"Ako, wala nang problema prend na kami." Sabi ni Next at humiga sa upuan.
"Ikaw talaga,"dalawa na ang bumatok sa kanya si Xyfer at Nathan.
"Nakakagulat lang na mag sosorry kayo sa lahat ng mga ginawa nyo sakin, paano ko kayo paniniwalaan?"tanong ko.
"Ahm bigyan mo kami ng isang linggo,kahit ngayong first week ng pasukan,patuyunayan namin sa'yo na sincere talaga kami,"si Nathan.
"Pursigido talaga kayo na papatawarin ko kayo?"tanong ko uli.
"Oo, kung yun nga ay patayawarin mo kami?"si Xyfer.
"Sige patunaya nyo na sincere apologies talaga tong hinagawa nyo! ngayong week nyo patunayan,"mahabang sabi ko at kita ko naman don sa mga mata ng dalawa na nagkaroon sila ng pag asa.
Natapos ang lunch time kaya, meron nang mga kaklase namin na pumapasok na sa room yung iba nagtataka kung bakit katabi ko yung tatlo.
"Eiyah don't mind them, inggit lang yan kase nga ikaw nilalapotan ng mga gwapo samantalang sila hindi,"pabirong sabi ni Next.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan, malamang nag tataka sila dahil nga, binubully nyoko dati tapos ngayon lumalapit kayo sakin!",sabi ko.
"Yaan mo na sila,"si Xyfer, maya maya pa ay dumating si kriss at kunot noong inutusan yung tatlo na lumabas, kakausapin siguro!
"Patay"si Next.
"Eiyah, jan ka lang ha"malamang san naman ako pupunta,anong gagawin nyo?"tanong ko.
"Kakausapin nya lang kami"si Xyfer na naka ngiti.
"Don't worry di nya kami sasaktan"si Nathan.
"Papatayin lang, huhuhu"si Next.Hinila na sya nung dalawa pa labas ng room.
After a minute ay pumasok uli sila at dumating na ang panghapon naming guro.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSSNatapos ang panghapong klase at uwian na, lumabas na akong classroom, paglabas ko ay mas lalong dumami ang nag bubulungan at masasamng tingin sakin, patakbo akong lumabas ng gate at kinuh ang bike ko,mabilis akong nag pidal pauwe ng bahay.
Dipa ako nakakakalahati ng may humintong kotse sa harapan ko."Hi mahal na prinsesa, pwede kaba naming ihatid sa inyong munting palasyo"nakangiting si Next.
"Hatid kana namin Eiyah"si Nathan.
"Hindi na may bike naman ako eh"sabi ko.
"Ahm sige bukas na lang"si Xyfer, mabilis nilang pinatakbo ang kotse na sinasakyan nila.Mabilis rin akong nakarating sa bahay, kahit marami pang village na madaraanan.
__________________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Ugly's Love ✓
Teen Fiction[COMPLETE] Nung una binubully sya sa school nila, hanggang sa magkaroon sya ng tunay na kaibigan at minahal syang tunay. Binubully sya dahil nerd sya at maldita, makakayanan kya nya lahat o susuko sya? Mag babago pa kaya ang kanyang buhay ng dumatin...