CHAPTER 9

171 69 5
                                    

EIYAH P.O.V.

"Oh my god," napa tingin kami lahat sa nag salita, wala nang iba kundi ang demonyetang si kyena at mga alipores nya."Anong ginagawa nyo kay kriss?" maarteng sigaw nya habang tumatakbo palapit ka kriss, tinulungan nya naman si kriss na tumayo. "Bakit nyo ba sinasaktan si kriss?" kunwaring paawa nyang tanong.

"Ano to? plastikan, HAHAHAH­A, tingnan mo nga naman, ang ganda-ganda mo yang sinasayang mo lang sa mga walang kwentang katulad nito." Sarkastika na sabi Candice.

"HAHAHA, ate wag kang pa bebe di bagay sayo." natatawang sabi ni Alyss.

"HAHAHAHA, ano pag sa harapan ng lalaking yan, mabait ka, pero kapag sa likod, demonyo ka ganon?" tumatawang si Cathy.

"May gusto kaba sa lalaking yan?" biglang tanong ni Eunice!

"Huh, ahm...ehhh...mm­.." palinga-linga nyang sabi.

"See, may gusto ka nga." si Cathy.

"Woi impakta, wala kang pag asa dyan." biglang sigaw ni Shan kay kyena.

"Plastik ka masyado, tabi." sigaw ni Next at itinaboy si kyena palayo kay Kriss. Naka smirk namang tinalikuran kami ni Kriss.

"Woi san ka pupunta, wala pa kami tapos sa'yo." pahabol na sigaw ni Cathy kay kriss, di naman sya pinansin nung isa.

"Eiyah ayus ka lang ba?" tanong ni Shan.

"Ikaw naman kaseng lalaki ka, bakit ba sa kanila ka pa sumama eh itong pinsan mo nakikita mo na ngang binubully ng karamihan dito, hindi mo man lang magawang pansinin." sermon sa kanya ni Candice.

"Akala ko kase tapos na eh." kamot ulong sabi nya.

"Pano puro games inuuna." dagdag ni Eunice.

"Tara Eiyah sa Cr, para mag bihis." yaya ni Alyss.

"Eiyah, sorry nga pala sa ginawa ni Kriss ha." si Xyfer.

"Wag ka mag sorry di naman ikaw si kriss." pagtataray sa kanya ni Eunice.

"Huh eh kase..."

"Bakit mag ka dugtong ba ang bituka nyo, kasalanan nya, kasalanan mo rin?" pagtataray uli ni Eunice.

"Eh kase nga..."

"Shut up." sigaw ni Eunice at hinila kami palabas ng Cafeteria, pumunta muna kami ng locker para makuha ko ang damit ko, pagkatapos ay sinamahan nila akong mag palit!

"Alam mo Eiyah, bakit dimo ayusin ang sarili mo, wala ka namang pimples, tapos curly pa yang buhok mo, kaso nga lang yang pananamit mo, para kang matanda na marami ng anak." sabi ni Eunice habang iniipitan nya ako ng buhok, andito kase kami sa cr.

"Oo nga Eiyah,maganda ka naman." dagdag ni Candice.

"At kung pwede lang Eiyah ha, wag ka ngang sige ka pusod ng buhok mo, kulang na lang mag suot ka ng malaking salamin eh para nerd kana talaga." si Cathy.

"Bakit nga pala inaasar ka nila?" biglang tanong ni Alyss.

"Long story." tanging sagot ko.

"Makikinig kami." silang apat.

"Kahit na makinig kayo, ayaw ko mag kwento." sagot ko at inagaw ang buhok ko kay Eunice at ipinusod yun.

"Eiyah, gusto mo bang tulungan ka namin?"si Candice.

"Tulungan saan?tinutulungan nyo na ako diba?"takang tanong ko.

"Ahm hindi eto,gusto ka naming tulungan na baguhin ang sarili mo!"si Alyss.

"Diko na kailangang baguhin ang sarili ko para lang tanggpin ng iba,kung di nila ako tanggapin bahala na sila." sagot ko.

"Eiyah,kami na kase ang nasasaktan kapag nakikita ka namin na binubully ng iba!"malungkot na sabi ni Eunice.

Ugly's Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon