Ikaapat.
Ilang araw ding bumagabag kay France ang sinabi sa kaibigan. Natatakot siya para kay Blood, natatakot siya kung ano nga ba ang maaaring mangyari sa susunod na mga araw, at natatakot siya sa pamilya at para sa sarili. Ayaw na niyang maulit na pati ang malalpit sa kanya ay madamay sa gulong nais nanaman yatang simulan ni Sebastian. Iyon ay kung tama ang kanyang hinala.
Ngayon ay busy ang buong kumpanya dahil sa gaganaping party para sa partnership ng Del Fredo at ng pamilya nina Racquel. And mga Del Fredo ang pangalawa sa malaking kumpanya kasunod ng kina Racquel. Ang partnership n ito ay matagal na nilang inasam at ngayon nga ay mangyayari na ang kanilang pinakahihintay.
Kasalukuyang nag-aayos sa kanyang kwarto si France ngunit malayo ang iniisip. Napatos niyang ikabit ang hikaw na bigay sa kanya ni Blood noong unang anniversary nila. Hindi niya mapigilang maisip ang kasintahan dahil sa ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nung huli silang magkita nito. Sobra na ang pagkamiss niya dito pero wala siyang magawa kundi intindihin ang sitwasyong kinalalagyan nila. Nagmahal siya ng isang taong lobo.
Isang katok ang nagpabalik kay France mula sa realidad. Ang Mama niya pala. "Anak, nandiyan na ang sundo mo." De javu. Nangyari na ito. Tulad noon. Noong college bago mawala si Blood. Ang Blood Moon. Ang kwintas.
'Ang kwintas'
Agad niyang hinanap ang kwintas na bigay sa kanya ng ina. Ipinaliwanag na ng kanyang ina sa knya kung ano ang ibig sabihin ng simbolo. Ito daw ay simbolo ng kanyang lolo. Siya ang namumuno noon sa lupon ng mga bampira at ang kwintas na iyon ay pinamana pa sa kanyang ina ng yumao niyang Lola. The necklace have the design of a ring with a star inside it and a pair of wings of a bat. It symbolizes Vampire. Meron din itong batong Ruby sa gitna ng bituin na nagmistulang patak ng dugo.
"Anak?" Isinuot na ni France ang kwintas bago damputin ang pouch at tignan pang muli ang sarili sa malaking salamin. Nakasuot siya ng puting gown na nagpe-fade sa black hanggang talampakan. Nakapusod ang buhok niya na mga mga hulog na buhok na kinulot niya para magmukhang messy pero eligante.
"Lalabas na ako Ma."
--
Marami ang bumati sa kanya ng makarating siya venue ng party. Mga matataas na personalidad. Mga nakilala sa trabaho at mga business partners ng Klair Co. Ang kompanya nina Racquel.
"France! Ang ganda mo tonight!" Bungad sa kanya ng kaibigang si Racquel na nakasuot ng isang light blue na gown na may lace sa may balikat nito. Nagmukha itong isang prinsesa sa suot. Kulot din kasi ang buhok nito at mayroong light na make-up. Kahit kailan talaga ay hindi siya nagsawa sa aking ganda ng kaibigan.
"Mas maganda ka parin." Nakangiting sabi niya bago lingunin si Jamica na nakasuot ng isang white tube dress at may hawak ng isang itim na Memo clip board. "Jam, nandito na ba ang mga Del Frado?"
"Wow, ang ganda niyo Miss France! Lamang ka lang sakin ng mga dalawang paligo!" Pamula ng kanyang empleyado ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik. "Kaya siguro nahumaling sa inyo si Sir Pogi! Hahaha." Napailing nalang siya sa kay Jam. "Ay! Tsaka... opo. Nasa waiting room na po ang mga Del Frado."
Nagpasalamat siya sa mga ito bago tahakin ang daan patungo sa waiting room. Sinabihan na kasi siya ng Papa ni Racquel n dumeretso sa Del Frado oras na makarating siya sa Venue. Bagaman kinakabahan ay itinago nalang niya iyon sa pinakasulok ng kanyang utak.
Nang marating niya ang waiting room ay humanga muna siya ng malalim bago umambang kumatok pero napaigil siya ng narinig niya ang malakas na tawanan na nanggagaling sa loob. Buong buo ang boses ng mga iyon at lalaking lalaki. Lalo siyang kinabahan. Hindi siya komportableng mapalibutan ng mga lalaki pero wala siyang magagawa. Ang trabaho ay trabaho.
Tatlong katok ang ginawa niya bago pihitin ang doorknob ng pinto. Bumungad sa kanya ang limang kalalakihan na nakaupo sa dalawang mamahaling sofa na magkaharap. Pawang mga naka-business suit ang mga ito ang mukhang mga supistikado pero hindi nakaka-intimidate. Isang pilit na ngiti ang ibinati niya sa unang lalaking napansin siya samantalang ang apat naman ay nagtatawanan parin sa joke nilang hindi niya alam.
Nakatingin parin sa kanya ang lalaking palagay niya ay kasing edad o mas matanda ng isang taon sa kanya. May misteryosong ngiti ito sa mukha at tila tinitignan ang kaibuturan ng pagkatao ni France. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang kaya naman humakbang na siya palapit sa mga kagalang-galang na ginoo.
"Good Evening gentlemen." Magalang at puno ng awtoridad na bati niya sa mga ito kaya naagaw niya ang mga atensyon nito. Humina ang mga tawanan hanggang sa ngisi nalang sa mga mukha ng mga ginoo ang natira. Nagsitayuan naman ng mga ito. "I am Francine Gregor Valdez. Ako ang humahawak sa lahat ng designs for the new buildings of the hotels. And it's my pleasure to meet you all."
Tumayo ang isang lalaking may katandaan na at naglahad ng kamay. Walang pagdadalawang isip na tinanggap naman niya iyon. "The pleasure is all mine. You're such one gorgeous Architect, Miss Valdez." usal nito bago halikan ng marahan ng kamay ni France. "I am Jeorge Del Frado. The CEO of Del Frado Hotel and Restaurant." Lumapit ito sa lalaking nakatingin sa kanya noong pumasok siya at inakbayan ito. "And this is my son, Alexander Del Frado. The future CEO." naglahad naman ng kamay ang binata at tinaggap nman iyon ni France.
"Nice to finally meet you, Miss France." Nakatingin lang ito sa kanyang mga mata hanggang sa bitawan nito ang kamy niya. Naweweirdan siya sa kinikilos ng Alexander na ito at kung bakit parang nakita na niya ito noon. Pero baka nagkakamali lang siya.
"Nice to meet you too, Mr. Alexander."
"Alex nalang. Masyadong mahaba ang Alexander para paulit-uliting bigkasin." May angas ngunit sinserong sabi ni Alexander kay France. Tumango na lamang si France habang may pilit na ngiti sa mukha. Wala naman kasi siyang balak na bigkasin ng paulit-ulit ang Alexander. Kaya hindi nalang siya sumagot pa.
--
I went on a hiatus kasi umalis sa EXO yung Hero ko dito. I was so hurt that I couldn't even push myself to write an update to this story. Luhan has given me the motivation to write this. Yes, Kai was supposedly the main pero sobrang laki nung feels ko para kay Luhan to push this story before. So show my gratitude as a fan and as an ammature writer to him. I want to continue writing this story hanggang sa magwakas siya. I want to put an end to this pero hindi sa pagsuporta sa EXO. Thank you for your continuous support everyone. Kahit pa sobrang walang kwenta nitong story na to. Thank you.
-settepantaleon
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?