Kabanata 11

166 8 0
                                    

Chapter 11.

Wala sa sarili si France ng araw ding iyon. Tila ba malaking palaisipan para sa kanya ang pagsulpot ni Sebastian sa panaginip niya.

Nakapangalumbaba si France habang nakatitig lang sa screen ng computer ang kaliwang kamay naman niya ay marahang tinatap ang mouse ng computer.

"Sebastian... Bakit mo ko hinahabol sa panaginip ko?" Mahinang bulong nito. Napapikt siya at muling inalala ang panaginip ngunit sa kasawiang palad yung huling parte nalang ang naalala niya. Ang paghabol sa kanya ni Sebastian bukod doon ay wala na. Iniisip din niya kung ano ba ang koneksyon ng panaginip niya sa hindi muling pagpapakita ni Blood. Napapikit siya at napabuntong hininga. Umiling siya at muling mumulat. Ipagpapatuloy nalang niya ang trabaho.

"Wala lang iyon France. Masyado kalang nag-iisip sa nangyayari." Wika niya sa sarili at tsaka itinuon ang pansin sa screen ng computer.

Nawala sa konsentrasiyon si France ng magring ang phone niya at ng tignan niya ito. Unregistered number ang lumabas. Nag-aalangan man ay sinagot niya ito.

"Hello?"

"France." Napanganga si France at nanlalaki ang mga matang napahawak sa bibig. Hindi siya pwedwng magkamali si Blood nga iyon.

"Blood. Diyos ko kumusta kana?" Tanong agad niya rito. "Sobra akong nag-aalala sayo. Mabuti napatawag ka."

"Namimiss mo na ba ang iyong prinsipe mahal na pinsesa?" Biglang napatayo si France.

"Sebastian?! Buhay ka?!" Gulat na gulat nitong sabi habang mahigpit na nakakapit sa cellphone. "Paanong...Anong ginawa mo kay Blood?!!"

"Easy little girl. Sabihin na nating nagbobonding lang kami ng pamangkin ko." Nakarinig si France ng mahinang pagsigaw. Parang nasasaktan iyon.

"Wag niyong sasaktan si Blood!! Binabalaan kita---

"Bakit mortal? Ano ang maaari mong gawin? Isa ka lang naman kalahating bampira na pinagkaitan ng kapangyarihan. Ano ang magagawa mo para sa lalaking ito?" Tila nanghahamok na wika ni Sebastian sa kabilang linya. "At hindi kaba nagtataka kung bakit ako nakatawag sa iyo?" Narinig ni France ang pagtawa nitong parang baliw.

"Anong... ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ni France.

"Sabihin na nating nakuha ito sa isang kaibigan. Napakaganda niyang mortal hindi ba France." May diin ang pagkakasabi nito sa pangalan niya. Bigla bigla ay may isang pangalan ang biglang lumabas sa isip niya.

"Hawak niyo si Racquel?!! Pakawalan niyo siya!! Ako naman ang kailangan niyo hindi ba?! Sabihin mo sakin kung nasaan kayo at pupunta ako!" Narinig muli ni France ang pagtawa ni Sebastian.

"Hmm? Ano naman ang gagawin mo? Isasakripisyo ang buhay mo para sa isang mortal?" Tumawa muli ito. "HANGAL! Pero sige pagbibigyan kita. Matagal ko na rin namang gustong makita ang iyong ina kaya ipapain nalang kita. Napakagandang ideya hindi ba?"

"Idamay mo na lahat wag lang ang aking ina Sebastian. Binabalaan kita hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo oras na saktan mo ang mga taong malalapit sakin." Sa sandaling iyon ay nakaramdam ng kakaiba si France sa sarili ngunit pinagpasawalang bahala niya lang iyon.

"Talaga?! Nakaexcite naman France." Tumawa ito ng nakakainsulto. "Tignan natin." Sinabi nito kung saan ang lokasyon nila bago ibaba ang telepono. Nagmamadaling iniligpit ni France ang gamit at isinukbit ang bag tsaka nagmamadaling lumabas ng opisina.

--

Katulad ng sa panaginip niya ay tahimik at pula ang paligid ganoon din ang buwan. Bumaba si France mula sa sasakyang dala dahil hindi na ito makakapasok pa sa kagubatan. Huminga ng malalim si France bago pasukin ang kakahuyan. Naalala niya na ito ang ikaapat na Lunar Eclipse at ito din ang tinatawag na Blood moon. Ang paligid ay magiging pula gayundin ang buwan. Mabubuhay ang mga nilalang na sa libro lang pinaniniwalaan. Talagang tayming pa si Sebastian para makipagkita dahil ito ang araw kung saan mas makakaramdam sila ng lakas samantalang si France ay walang kalaban-laban.

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Bahagya pa niyang nakikita ang dinadaan dahil tumatagos ang sikat ng buwan sa mga dahon ng puno. Tila binibigyan siya ng buwan ng ilaw.

Maya-maya lamang ay narating na niya ang gitna ng kagubatan. Malawak na damuhan iyon at sa gitna nito ay ang walang malay na si Racquel na nakagapos sa isang upuang kahoy.

"Racquel!" Tumatakbong bigkas nito sa pangalan ng kaibigan. Agad nitong tinaggal ang pagkakagapos nito at dahan-dahang tinampal ang pisngi nito para gisingin.

"France...totoo sila. Werewolves they are real." Mahinang bigkas nito na namumungay pa ang mga mata.

"Racquel sabihin mo anong ginawa nila sayo?" Nag-aalalang tanong ni France habang tinitignan ang kabuuan ng kaibigan.

"Nakakatakot sila. Nakakatakot. But they didn't hurt me they just hurt Blood. Sinaktan nila si Blood dahil gusto niya akong iligtas. Sinaktan nila si Blood." Bigla ay napahagulgol ng iyak si Racquel. Parang natrauma ito dahil sa nangyari. Marahang tinulungan ni Franve si Racquel para dalhin sa kotse. Nangmakarating sila doon ay agad binigay ni France ang susi sa kaibigan.

"Can you drive?" Nag-aalalang tanong nito. "Diretsuhin mo lang yang daan na iyan.kapag nakarating kana sa mainroad lumiko ka sa kanan."

"France bakit? Hindi kaba sasama sakin?! Sasaktan ka din nila!" Tila takot na takot na sabi ni Racquel.

Hinawakan ni France ang kamay ng kaibigan. "Magiging ayos lang ako. Puntahan mo si Mama at magpatawag ka ng mga bodyguards. This time Racquel inaasahan ko ang kapangyarihan ng pamilya niyo. Panatiliin mong ligtas ang ina ko."

"France..." Tumitig pa ng sandali si Racquel kay France bago sumang-ayon. "Okay. I will pero promise me France. Promise me. Magiging ligtas ka."

"Oo." Ngumiti si France bago bitawan ang kamay ni Racquel at tumakbong muli sa loob ng kakahuyan.

Ngayon ay desidido na siya kung buhay ang nailigtas buhay ang kapalit handa siyang magsakripisyo para sa Ina niya at kay Racquel.....para kay Blood.

Muli niyang narating ang gitna ng kagubatan pero walang tao roon. Naglakad pa siya sa gitna ng malaking damuhan at dahan-dahan umikoyt para tignan kung may mga taong lobong naghihintay sa kanya pero wala. Tanging mga kulisap lamang ang naririnig niya doon.

"Sebastian!! Alam kong tuso ka! Hindi mo ko hahayaang makatakas ng ganoong kadali!!" Buong tapang niyang sigaw. "Ano bang palno mo!!" May tono ng pakainis ang sigaw niyang iyon.

Nakarinig siya ng magkaluskos. Katulad ito ng sa panaginip niya. Ang kaibahan lang nasama si Racquel sa gulong ito. At kung hindi makakadaing sa tamabg oras si Racky sa bahay nila ay baka pati ang ina niya ay madamay. At iyon ang ayaw niyang mangyari.

Isang anino ang nakita niya. Siguro ay si Sebastian iyon. Hinintay niyang magpakita ito pero parang gumuho ang mundo niya ng makilala niya ito.

Si Blood iyon. Mapupula ang mga mata, may mga balahibo sa katawan at mahahaba ang mga kuko. Napatingin siya sa wrist watch niya. Ilang minuto nalang ay mag-aalas dose na.

"Blood." Tawag niya dito ngunit tila wala ito sa sarili. Masama ang tigin nito sa kanya at unti unting naglalakad palapit.

Napaatras naman si France. Nagtataka siya kung bakit ganoon na na lamang ang tingin sa kanya ni Blood. Na para bang may malaki itong galit sa kanya. Napatigil siya sa pag-atras ng makita niya si Sebastian. Tumigil na din si Blood sa paglakad.

"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko prinsesa?" Nang-aasar na wika ni Sebastian. "Parang sabik na sabik sa iyo ang iyong prinsipe. Ayaw mo ba siyang salubungin ng isang mainit na yakap?" Tumawa pa ito.

"Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Wala." Nagseryoso bigla ang itsura nito. "Pula ang buwan. Ito ang oras kung saan ang prinsipe ng mga taong lobo ay magiging mas malakas. Si Blood ang nasa propesiya. Siya ang mamumuno sa mga taong lobo para sakupin ang mundo ng mga mortal. Sa katunayan ay inalis ko lang ang... ka-uuunting alaala niya patungkolsa iyo at pinalitan ng bago." Tumawang muli ito. "Nakakatuwa na ikaw din pala ang nasa propesiya?? Ang taong pupuksa sa kasamaan. Eh paano mo gagawin iyon Francine Gregor Valdez? Wala kang lakas isa ka lang walang kwentang kalahating bampira."

Nakaramdam si France nang pag-iinit ng ulo tila may kung anong lakas ang dumadaloy sa bawat ugat niya sa katawan na nagpapalakas ng loob niya.

"Paano mo naman nasabing wala akong kapangyarihan?" Lakas loob na usal ni France.

Nagulat si Sebasian sa inusal ng dalaga. Ano ang nais iparating nito?

Blood Moon [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon