Chapter 9.
Nagising si France sa isang puting kwarto. Nasa ospital siya. Naramdaman niya na may nakahawak sa kaliwang kamay niya at ng tignan niya ito, ang mama niya ito..
"Ma.." mahinang bigkas niya. Mababaw pa naman ang tulog ng ina niya kaya agad itong nagising.
"Diyos ko! Anak!" Agad siya nitong niyakap ng makita nitong gising na siya. Kumalas din naman ito at nag-aalalang tinignan siya. "Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"
"Ma, tubig." Yun lang ang nasabi niya. Agad naman siyang binigyan ng isang basong tubig ng ina.
"Patawarin mo ako anak. Kasalanan ko ang lahat ng ito." Napayukong sambit ni Flora sa anak. Maya-maya lang ay humihikbi na ito. "Kung hindi lang ako umibig kay Vilfredo ay hindi mangyayari ito. Patawarin mo ako. Anak.." paulit-ulit itong humihingi ng tawad sa anak. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nangyari iyon sa anak. Dapat siya ang nasa kalagayan nito kung hindi siya nagpakasal kay Danilo. Sa matalik na kaibigan ni Vilfredo.
"Ma.. wala kang kasalanan. Lahat ng ito ay nangyari dahil may dahilan. Hangga't walang tamang pagsasara ay hindi ito matatapos. Ma... kailangan ng matapos ang gulo na ito. Ang gulo ng pamilyang Serfentine. Sina Sebastian at Vilfredo. Kailangan na nilang magkaayos."
"Wala na si Sebastian." Napalunok si Flora sa sinabi. Tila kay bigat ng balitang iyon dahil kahit papaano ay naging malapit siya kay Sebastian. "Namatay siya sa pakikipaglaban kay Vilfredo at Bloodimere."
Bigla ay napabangon si France sa kinahihigaan. "Si Blood? Ayos lang ba siya?" Biglang tanong nito sa ina.
"Hindi ko alam anak. Si Vilfredo ang nakausap ko ng dunaing ako dito. Ikaw agad ang naalala ko ng mga oras na iyon kaya hindi ko na natanong pa si Vilfredo."
Kinabahan si France. Paano kung wala na si Blood? Paano kung namatay din ito sa pakikipaglaban? Ang isipin palang ang bagay na iyon any parang dinudurog na ang puso niya paano pa kaya kung totoo.
Naramdaman ni France ang paghawak ng nanay niya sa kamay niya kaya napalingon siya dito. "Wag kang mag-alala magiging ayos lang siya." Napabuntong hininga nalang si France.
'Sana nga ayos lang siya.'
--
Ilang oras pang naglagi sa ospital si France bago magdesisyong umuwi. Hanggang ngayon ay wala parin siyang balita sa kung ano ang nangyari kay Blood. Kung ligtas ba ito.
Lumipas ang araw ay nakabalik na rin siya sa trabaho. Wala siyang pinagsabihan sa nangyari ng gabing iyon. Tanging siya at ang kanyang ina lang ang may alam patungkol sa mga taong lobo. Dinahilan niyang nagkasakit siya kaya ilang araw siyang nawala. Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa ang mga katrabaho niya.
"France, kumusta na?" Kasalukuyang nagtatrabaho si France ng lumapit si Racquel sa kanya. Maging ito ay hindi alam ang nangyari sa kaibigan.
"Maayos nanaman ako." Ngumiti pa si France dito para hindi na mag-alala pa ang kaibigan.
"Basta kapag feeling mo hindi mo pa kaya sabihin mo sakin ah? Ako na bahala kay Papa." Kasalukuyang nagtatrabaho si France sa company nina Racquel para sa mga disenyo ng mga hotels ng pamilya nito. Kahit ayaw niya ay hindi na nagawang tumanggi ni France dahil opurnidad na mismo ang lumalapit sa kanya.
"Opo Nay." Nakangising sambit ni France habang nakatingin sa mga papeles sa table niya.
"France naman eh. Seryoso ako." Tila batang sabi ni Racquel na nagpapadyak pa sa harap ng kaibigan. Napailing nalang si France. Kahit kailan talaga itong si Racquel. Wala ng pag-asang magbago.
"Sooo..." biglang umupo si Racquel kaharap ni France. "Nakita mo na ba si Blood?" Bigla ay nawala ang mga ngiti nito at bumalik nanaman ang pag-aalala niya.
"Oo...sana." sagot ng dalaga.
"Sana? What do you mean sana?"
Napatingin siya sa kaibigan hindi niya alam kung tama bang sabihin niya dito ang mga nalalaman. Na taong lobo si Blood at siya naman ay kalahating bampira. Ano kaya ang iisipin nito sa kanya
"Racky..." seryosong tawag nito sa kaibigan. Si Racquel naman ay nananatiling nakatitig kay France at naghihintay sa sagot nito. "Paano kung... bampira ako?" Napakurap ng tatlong beses sa kaharap. Maya-maya ay tumawa ito ng malakas.
"France naman! Nakadroga kaba?" Usal nito na patuloy padin sa pagtawa. "Alam mo pagod lang yan. Tara na nga at umuwi." Tumayo na ito para sana lumabas ng opisina ni France.
"Racky, paano kung... totoo yung sinabi ko?"
Muling napatingin si Racquel kay France ngayon ay seryoso na ito, "Tatanggapin padin kita. You are my bestfriend remember? Kaya kahit bampira kapa o di kaya ay mangkukulam, it doesn't matter. Because you are who you are." Ngumiti muli ito sa kaibigan bago magsalitang muli. "France, there's no such thing as vampire. Mga kathang isip lang sila. Baka nasosobrahan kana kakabasa ng Twilight kaya pati sarili iniisip mo ng bampira. Magligpit ka na diyan. Sabay na tayong umuwi."
Napabuntong-hininga na lamang si France. Marahil sa mundo ni Racquel ay walang Bampira at mga taong lobo. Na kathang isip lamang ito ng mga tao. Pero sa mundo niya? It was real. Everything was real. At kahit ayaw niyang maniwala ay wala siyang magagawa.
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?