Ikaanim.
Naging parang black and white ang paligid ni France sa mga sumunod na araw. Wala siyang ganang gawin ang halos lahat ng bagay. She just want to lock herself up to her room and cry all day. Para siyang buhay pero parang patay na rin.
Naituring niya si Blood na parang sa kanya umiikot ang mundo niya. He made him the center of her own world, she love him sooo much that italmost impossible to continue life matapos itong maglakad palayo sa kanya. She was her life line, pero ngayong mukhang mawawala na siya sa kanya ay parang ayaw na niyang magpatuloy pa.
"France, are you okay?" Nakailang tanong na si Racquel sa kaibigan ngunit wala parin siyang nakukuhang sagot. Ipinagpapatuloy lang ni France ang trabaho na parang doon nakasalalay ang buhay niya. "Pwede ka naman umuwi muna at magpahinga."
Walang nagin sagot si France. Nagkatinginan si Jamaica at Racquel at parehong may pag-aalala sa mukha. Walang ideya si Racquel sa nangyari nung gabing nawaan ng malay si France. Ang alam lang niya ay naiuwi agad ito ng ni Alexander. Yung bago nilang partner sa kumpanya at matapos noon ay hindi na niya alam ang nangyari. Ayaw naman magsalita ni France patungkol doon.
Tumayo si Racquel at nilapitan si France. Hinawakan niya ito sa balikat dahilan para mapatigil ito sa ginagawa. "Nandito lang ako." Gulat na napatingin sa kanya si France at unti-unting lumungkot ang mukha nito. Napayakap si Racquel dito at ganun din si France.
"Wala na Racky. Wala na." Paulit-ulit na usal ni France habang mahigpit na niyayakap ang matalik na kaibigan. "Wala akong magawa kundi itulak siya palayo. Alam kong tama ang ginawa ko pero pakiramdam ko mali. Pakiramdam ko hindi tama. I feel so stupid for thinking this way. Racky, wala na sa akin si Blood."
Walang nagawa si Racquel kundi ang pagmasdan ang kaibigang unti-unti nababasag sa harap niya. Napakasakit din makitang ganito ito dahil ang pagkakakilla niya kay France ay matatag. Ito ang unang pagkakataong makita niya itong umiyak ng ganito. It really breaks her heart too.
"Maybe may plano ang Diyos. France hanggat nabubuhay ka at alam mong may magagawa, may pagasa pa."
"Wala akong maisip na pwedeng gawin to save this fuck-up relationship. Kahit anong pilit ko ay talagang hindi kami pwede. Magkaiba ang mundong ginagalawan namin at napakasakit sakin iyon."
Hindi mapigilan ni Racquel na makadama ng matinding awa para sa kaibigan. Siya ang pinaka-nakakaintindi dito dahil alam niya ang sekreto ng dalawa. Ang pagiging taong lobo ni Blood at ang katauhan ni France. She knew all along that their love was forbidden pero hindi niya magawang tutulan ang relasyon ng kaibigan. She wants her to be happy. Pero mukhang nasasaktan na ang kaibigan sa dating tingin niyang makakapagpasaya dito.
"France. Tama na." Was all she could say before hugging her tight.
--
"Maligayang pagbabalik, France." Ani ng boses na pamilyar na pamilyar sa kanya. "Oras na para ikaw ang mismong mamuno sa lupon natin. Buksan mo ang iyong mga mata at gisingin mo ang natutulog mong pagkatao."
And there she stand under the moonlight, her eyes are red and her skin is as white as snow. Her nails are long and her hair is as black as the night sky. May kakaibang dumadaloy sa bawat ugat niya sa katawan. May kung anong nagigising sa pagkatao niya.
"Tignan mo ang iyong sarili." Muling usal ng lalaki na may inaabot na maliit na antigong salamin. Hindi niya makita kung ano ang itsura nito. Walang pag-iisip na inabot niya ang salamin at unti-unting tinignan ang sarili mula dito.
Ang kanang kamay niya ay awtomatikong napahawak sa gilid ng labi niya. Mga pangil.
Napabalikwas ng bangon sa France mula sa pagkakaidlip sa kanyang opisina. Hinihingal siya at pinapawisan ng malamig. Matinding takot ang nararamdaman niya mula sa kanyang loob ngunit hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam noon.
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?