Ang Buwan.
Isa nanamang araw ang natapos ni France sa trabaho. Nagtratrabaho siya bilang barista sa isang coffee shop tuwing gabi at college student sa umaga. Kumukuha siya ng kursong Architecture sa Harrison University. Isang masipag, matiyaga at pursigidong tao si France. Nagtatrabaho siya para makatulong sa kanyang inang tindera lamang ng gulay sa palengke. Scholar at sadya namang likas ang katalinuhan. Valedictorian noong Gradeschool at highschool at ngayon naman ay running for Magna Cumlaude. Napagkaitan man ng ginhawa sa buhay natuto parin siyang tumayo sa sariling mga paa para matustusan ang pag-aaral.
"Paano mauna na ko sa inyo. Maghahating gabi na mag-iingat kayo." Paalam niya sa mga katrabahong nakaassign para sa gabing iyon.
"Mag-iingat ka din France!" paalam ng mga ito kay France.
Dala ang isang katamtaman ang laking bag na bigay pa sa kanya ng dati niyang kasamahan sa trabaho nilisan niya ang lugar. Lalakarin lang mula sa Moon Cafe ang kanilang tirahan ng kanyang ina. Sa isang maliit na baryo na napupugaran ng mga iba't-ibang klase ng tao nakatayo ang mumunting bahay nila.
Paliko na sana si France sa Eskinitang magdadala sa kanya sa baryo ng may mahagip ang kanyang mata. Sa di kalayuan, isang anino ang kanyang natanaw. Napahinto siya, hindi alam kung bakit, nagtataka, nagtatanong. Itinago niya ang sarili sa isang puno ng manggang nakatayo malapit sa eskinita.
"Sino kaya siya? At anong ginagawa niya dun ng dis-oras ng gabi?" Wala sa sariling bulong niya.
Napansin niya ang paggalaw ng anino. Para bang nakatingin ito sa direksyon niya at narinig ang mga salitang binitawan. Napahugot ang dalaga ng malalim na hininga. Hindi malaman kung tatakbo nalang siya o mananatili sa pwesto. Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siya sa taong nawala na sa paningin niya.
'Nasan na siya?'
"Sino ka?" Nanlaki ang mata at napahinto sa paghinga si France. Isang boses ng lalaki ang nakatayo sa likuran niya. Di niya alam kung lilingon ba siya o hindi. Dobleng kaba na ang nararamdaman niya.
"Bakit mo ako pinagmamasdan mula sa malayo binibini? Hindi mo ba alam na ang pagtitig ay masama?" Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang itim at mahabang buhok.
'Tinitignan? Siya ba yung lalaki kanina? Pero imposible.'
"N-Nagkakamali ka. Hindi ko matandaang tinitignan kita." maang nito.
"Tinanong mo pa ako kung ano ang aking ginagawa doon sa dilim ng dis-oras ng gabi. Ikaw binibini anong ginagawa mo ng ganitong oras dito? Di mo ba alam na mapanganib na?" Kinilabutan si France sapagkat paanong nalaman ng lalaki ang pagtitig nito dito at paanong narinig nito ang tanong na inusal niya?
"P-Pauwi na sana ako ng may matanaw akong lalaking nakatayo doon sa malayo. Ipinagtaka ko lang naman dahil kahinahinalang nakatayo lang siya dun at walang ginagawa. Ikaw ba ang...lalaking iyon?" Nauutal na sagot nito.
"Oo." Tumindig ang balahibo ni France ng maramdaman niya ang pag-amoy ng lalaki sa kanyang buhok. "kahali-halina ang iyong amoy binibini. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"F-France." usal niya. Ayaw man niyang ipaalam ay wala siyang magawa dahil nangingibabaw ang takot sa kanyang dibdib.
"France." ulit nito sa pangalan ng dalaga. "Nais kong makita ang iyong mukha. Humarap ka." utos pa nito.
"Ngunit ginoo, nais ko na sanang umuwi dahil tiyak na hinihintay na ako ng aking ina." Pagdadahilan niya sapagkat natatakot itong makita ang itsura ng lalaking nakatayo sa likuran niya.
"Humarap ka. Pagkatapos nito ay maaari ka ng umalis." Labag man sa kalooban nakapikit na humarap si France sa lalaki. "Imulat mo ang iyong mga mata." utos muli nito. Unti-unti, iminumulat niya ang mga mata. Sa una ay nasilaw siya dahil sa liwanag ng buwan pero di naglaon ay naanig na niya ang itsura nito.
Pulang mga mata, matangos na ilong, magandang labi at...
'Isang simbolo. pero para saan iyon?'
Napansin ni France ang simbolong nakaukit sa kaliwang parte ng leeg ng binata.
"Pula ang iyong mga mata." Manghang usal pa ni France dahil naalala niya ang mapupulang mata ng kaharap.
"Maaari ka ng umuwi." Seryosong sabi ng binata at hindi pinansin ang sinabi ni France. Nagtaka man si France ay hindi na niya ito pinansin at mabilis na lamang lumiko sa eskinita ngunit bago pa man siya makalayo ay naalala niyang hindi man lang niya natanong ang pangalan ng binata.
Lumingon siya sa pinanggalingan para sana itanong ang pangalan ng binata ngunit wala na ito sa lugar kung saan niya ito iniwan.
'Nasan na siya? Di ko man lang natanong ang kanyang pangalan.'
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?