Chapter 4.
Wala masyadong klase sina France ngayon dahil abala ang lahat para sa darating na party sa Sabado. Ngayon palang ay nag-aayos na ang lahat. Acquitance Party pala iyon para sa Freshmen ngunit sakop nito ang lahat ng year. Lahat ay required na dumalo ngunit nagdadalawang isip naman si France dahil wala pa siyang maisusuot.
"Excited na ko sa Sabado! Iiiiiih! Bestfriend kadate ko si Fred! Yung crush ko nung 4th year tayo? Oh my God!" Kwento ni Racquel sa kaibigan.
"Buti pinormahan kana nun? Torpe pa yun dati eh. Nagpapatulong pa yun sakin.hindi ko naman alam kung paano ko siya tutulungan." Natatawang kumento ni France sa kaibigan.
"Oo nga! Pero teka? May susuotin kana ba? Gusto mo daan tayong mall? Sagot ko!"
"Oo meron na. Nakahiram ako dun sa kapit bahay namin. Medyo luma na pero okay pa naman" pagsisinungaling niya. Ayaw lang niyang problemahin pa siya ng kaibigan.
"Talaga? Mabuti naman! Haaaay! Excited na talaga ako." Napangiti ng tipid si France. Ngayon kailangan pa niyang mag-isip ng palusot dito sa Sabado.
"France. Racquel." Napatigil sa paglalakad sina France ng makasalubong nila si Blood.
"Hi, Bloodimere!" Masiglang bati ni Racquel dito. Ngumiti lamang ang binata dito.
"Maari ko bang mahiram ang kaibigan mo sandali?" Tanong niya kay Racquel.
"Oh! Sure! Kahit matagal pa!" Sagot naman ni Racquel dito. Tinignan naman siya ni France ng masama bago ito umuna sa paglalakad.
'Bugaw.' aning isip niya sa kaibigan.
'Bugaw?' Napapitlag si France. Nalimutan niyang nababasa ni Blood ang nasa isip niya.
"Bakit?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Nais sana kitang anyayahin para sa darating na Sabado." Nakangiting sambit ni Blood kay France.
"Ano kasi... Mukhang hindi ako makakaattend wala pa akong susuotin." Nahihiyang sagit naman ni France. Ayaw man niyang tanggihan si Blood ay wala siyang magagawa.
"Ganun ba? Maaari naman kitang ihiram sa kapatid ko. Mukha naman g makasing-katawan kayo nun tiyak na kasya sayo ang mga damit niya." Ngumiti mula si Blood.
"Talaga? Nakakahiya naman. Hahanap nalang ako tapos babalitaan nalang kita." Pilit ang ngiting sambit ni France. "Paano mauna na ako?"
"Saan ka na pupunta?"
"Hahanapin ko sana si Racky."
"Maari bang makisabay?"
Tumango na lamang ang dalaga at hindi na muling nag-usap pa. Nagpati-una na din ito sa paglalakad ngunit nasabayan parin ito ni Blood. Masyadong hindi naging komportable si France na kasamang maglakad si Blood hindi tulad ng mga nakaraang araw na palagi itong nakasunod sa kanya. Marahil ay dahil na rin sa pag-anyaya nito kay Franve para sa darating na party. Hindi sanay si France inaaya siya ng lalaki upang makapareha sa isang pagdiriwang. Sa katunayan ay ito ang unang pagkakataon na may nag-imbita sa kanya.
"Nasaan na ba iyong babaeng iyon?" Bulong ni France sa sarili habang palingon-lingon sa bawat dinadaan.
"Siguro ay umuwi na? Wala tayong klase ngayon kaya marahil ay umuna na itong umuwi?" Sagot naman ni Blood na kasama parin ni France. Halos mag-iisang oras ma silang naglalakad ngunit hindi nila makita kung nasaan si Racquel. "Magpahinga ka na muna. Lalabas din iyon kapag hindi mo na hinahanap."
Napabuntong-hininga si France. Tama nga si Blood, lalabas din iyon kung hindi nila hinahanap. Masakit narin ang mga paa niya at ilang oras nalang ay papasok na siya sa trabaho. Gutom na rin ito.
Napaupo si France sa Bench na malapit. Tumabi naman dito si Blood. Habol ang hiningang tinanggal ni France ang isang stap ng backpack para kunin ang tubig na baon nito.
Bigla ay kumalam ang tiyan niya. Napapikit si France sa kahihiyan. Talagang wrong timing ito. Napatingin siya kay Blood na mukhang pinipigilan ang pagtawa.
"Tara." Tumayo si Blood na hindi inaalis ang mga mata kay France inilahad pa niya ang kamay.
"Huh?" Taka naman siyang tiningnan ni France.
"Kakain tayo. Wag kang mag-alala libre ko." Dahil gutom na rin naman si France ay walang pag-aalinlangang tinanggap niya ang alok nito kasabay ang pagtanggap sa kamay ni Blood na nakalahad para kunin niya.
--
Katulad kahapon ay maaga ang naging pag-out ni France sa trabaho kaya naman maaga din siyang nakauwi. Bagama't nagtataka siya na walang Blood na nakaabang sa kanya sa Cafe para ihatid ito pauwi. Nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya ngunit binalewala na lamang niya ito.
"Nandito na ko Ma." Usal niya ng makapasok sa loob ng kanilang bahay.
"Mabuti naman. May package ka pala diyan anak. Nasa kwarto." Napatigil sa pagtanggal ng medyas si France.
"Kanino daw po galing?" Pag-uusisa niya bago ituloy ang ginagawa.
"Serafine? Serfentine? Di ko sigurado. Mano ay tignan mo nalang diyan." Napakibit-balikat nalang si France bago tumayo para tignan ang package.
Isang itim na kahon na may pulang ribbon ang tumambad sa kanya. Katamtaman lang ang laki nito at mukhang mamahalin. Kinuha niya ang maliit na card na nakasipit sa ibabaw nito.
"B.Serfentine?" Basa niya sa harap ng maliit na sobre. Agad niya itong binuksan para makita kung ano ang nakasulat.
"Wear this please. Don't think of returning it to me. Sincerely, Blood." Lumapit siya sa box at umupo katabi nito. Marahan niyang hinaplos ang ibabaw nito at hinila ang dulo ng ribbon na nakatali dito.
Unti-unti niyang inangat ang takip nito at tumambad sa kanya ang isang magandang black long dress na kumikinang habang natatamaan ng sikat ng buwan mula sa bukas na bintana ng kwarto. May sapatos din itong kasama. Na mukhang babagay sa istilo ng damit.
"Napakaganda." Mahinang usal ni France. Tumayo siya at inilapat sa harap niya ang dress bago humarap sa malaking antigong salamin sa kwarto niya. "Sobrang ganda." Wala sa sariling napangiti siya.
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?