Ikalawa.
Fairytales will never be a reality. Kung prinsesa ka para ka lang sa prinsipe. Kung Lobo ka, para ka sa lobo. At iyon ang hindi matanggap ni France.
Her love for him is endless kahit yata sa kamatayan ay si Blood parin ang pipiliin niyang mahalin. Totoo, dahil maging si Blood ay ganun din sa kanya. Pero bawal ang pag-ibig na meron sila ngayon. Walang paraan para maging sila, walang kahit na ano ang pwedeng maging valid na dahilan para magkaroon sila ng 'tayo'. Or atleast that's what they thought.
Natapos ang araw ni France na tila wala siya sa sarili. Ganito nanaman muli ang nararamdaman niya. Emptiness. Sadness. Halo-halo na. Dumagdag pang isang buwan na ang nakakalipas simula nung huli silang magkita ni Blood. Kung sana lang ay nakikita niya parin ito ay makakasiguro siyang walang makakapagpatibag sa pundasyon ng relasyon nilang dalawa.
"France? May problema ba, anak?" Of course, her mother would know. Paano ba naman kasi ay hindi man lang niya ito nabati nang makarating siya sa bahay nila kani-kanina lang. Para bang naglalakad lang siya sa kawalan and then little did she know, nasa bahay na pala siya niya. Napaayos ng higa sa kama si France at tumitig sa kisame bago sumagot sa ina.
"Ma, hindi ba talaga kami pupwede?" Tanong niya dito. Wala nang idinugtong si France sa sinabi ngunit alam niyang nakuha ito ng ina. "Bakit palagi nalang may problema?"
"Anak, walang pagmamahalan ang walang problema. Nagkakaproblema kayo dahil isa iyong pagsubok kung gaano katibay ang pagmamahal niyo sa isa't-isa. Marahil ngayon ay inaakala niyong hindi na kayo sa isa't-isa pero paano kung hindi? You yourself, will know if you are ready to give your all para lang pwede na kayong dalawa."
"Pero paano kung hindi, Ma?" Napaayos ng upo si France, tumabi naman sa kanya ang ina. "Paano kung wala ng paraan? Paano na kami? Paano ako?" Nangingilid na naman ng mga luha niya. Halos kalahating araw na siyang umiiyak at maging ang mga mata niya ay napapagod na.
"If love fails, never stop believing. Dahil kung hihinto ka sa paniniwalang magiging kayo sa huli, hindi mo makakamit ang kasiyahan. You are the writer of your own story, France."
"But what if--
"Don't settle for what ifs. Gawin mo ang lahat para lang wag siyang mawala sayo. Kung kailangan mong maghintay, then wait."
"I will wait, but how long?" Handa naman kasi talaga siyang maghintay katulad ng dati noong hinintay niya si Blood na bumalik. Isang taon din yun, pero ngayon hanggang kaylan naman kaya siya maghihintay ngayon?
Nag-usap png muli sila bago maisipan ng Mama ni France na matulog na, habang si France naman ay binuksan ang bintana ng kwarto para pagmasdan ang kalangitan.
It was the unfamiliar cold night again. two years ago, ganito din. Mag-isa siya while dealing with all the problems na kinakaharap niya. Pero sa pagkakataong ito makaya pa din kaya niya ng mag-isa?
Nawala siya sa pagmumuni-muni ng biglang mag-ring ang phone niya. Dali-dali niya itong dinampot at hindi na nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?"
"Paris, France!" Napatawa si Franve ng makilala kung sino ang tumawag. It was one of Bloodimere's friend. Bernard.
"Oh, Bernard napatawag ka?" Tanong niya dito bago siya maupo sa kama niya.
"Hang-out tayo! Sobrang tagal na tayong di nagkikita-kita!" Yes, France befriended those 10 wolves na tumulong sa kanila para matalo si Sebastian including Drake na kapatid ni Blood.
"Sure, kelan ba?"
"Now!" Nagulat si France ng may dumungaw mula bubungan ng bintana ni France. Si Bernard iyon na nakadikit pa din ang cellphone sa tainga niya. Wala din itong pang-itaas na damit, marahil ay kakapalit lang nito ng anyo.
"Paano ka napunta diyan?" Sa gulat ay iyon nalang ang nasabi ni France. Pero matapos ang ilang segundo ay napagtanto niyang taong lobo nga pala ito. "Bumaba ka nga, mamaya makita ka ng mga kapit-bahay diyan." Sumunod naman ito at nakangising lumapit kay France para siya na mismo ang magbaba ng kamay ng dalaga dahil nasa tainga parin nio ang cellphone niya.
"Tara, naghihintay na sila sa baba." Tumango nalang si France bago damputin ang wallet sa study table niya at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Naka-skater skirt kasi siya at isang sweater kulay asul dahil narin sa kalamigan ng panahon. Magpapasko na din kasi.
Hindi nga nagbibiro si Bernard ng sabihin nitong nandoon ang siyam pa sa kanila, wala si Blood at si Drake. Nalungkot siya sa pag-aakalang makikita din niya si Blood ngayong gabi ngunit wala ito.
Naramdaman naman niya ang pag-akbay sa kanya ni Kai. Kaya ngumiti nalang siya dito. "Kami muna magpapasaya sayo, wala si Master eh." Inilabas naman nito ang kanyang ngisi.
"Bago yun, pagdamitin niyo muna si Bernard." Pagbibiro ni France ng mapansing wala pa din pang-itaas si Bernard dahil hawak lamang nito ang damit sa kamay niya.
Ganun nga ang naging sitwasyon nila, kung saan-saan sila nagpunta at nagbiruan hanggang madaling araw. At hindi naman siya binigo ng mga ito. They made her happy that night but deep inside she's still upset knowing that Blood never make an effort to contact and to get in touch with her.
--
Short update.
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?