Chapter 5.
"You can tell the Blood Moon is out when the sky turns red. There is something it that causes the MONSTERS to swarm."-The Guide.
Sabado ng umaga. Walang pasok sa eskwela si France kaya hindi niya napasalamatan si Blood. Ang plano niya ay sa mismong party nalang niya ito kakausapin.
Nakahiga padin si France at nakatitig sa kisame ng kanilang bahay. Mamaya na ang party kaya nakaramdam siya ng bahagyang pagka-excite. Napangiti siya ng maimagine ang mangyayari mamayang gabi.
"Lunar Eclipse pala ngayon. Ang saya naman." Bata palang si France ay tagahanga na siya ng Buwan kung palagi siyang nagreresearch patungkol dito.
Dahan-dahang nawala ang mga ngiti ni France ng maalala niya ang mga mapupulang mata ni Blood noong una niya itong makita. Katulad nitong araw na ito. Lunar Eclipse din noon. Iniisip niya na baka mangyari ulit yun. Ang pagpula ng mga mata nito. Or worse it will turn into something...scary.
Napabalikwas ito ng bangon at ilang beses iniling ang ulo. "No. Magiging maayos ang gabing ito." Tsaka siya bumaba sa higaan niya para magalmusal.
Wala na ang nanay niya marahil ay nasa palengke na ito at nagtitinda. Pilit ang ngiting dumeretso ito sa kusina para magtimpa ng kape.
Wala siyang trabaho para sa araw na ito kaya sa bahay lang siya at maglilinis. Marahil ay maglalaba na din siya ng mga nagamit na mga damit para mabawasan ang gawain ng kanyang ina.
ALAS-singko na ng magsimulang mag-ayos ng sarili si France para sa party mamaya. Mabuti na lamang at naturuan siya ni Racquel na mag-ayos ng sarili.
Kaunting make-up lang ang inilagay nito sa mukha, nakataas ang buhok na may kaunting nakalaglag sa gilid at suot ang kwintas na ibinigay pa sa kanya ng kanyang ina noong ika-labingwalong kaarawan niya. Bilog ito na may maliit na simbolo sa gitna. Bagama't hindi alam ni France ang kahulugan ng simbolo ay nagandahan siya dito.
Suot na niya ang dress at sapatos na ipinadala ni Blood para sa kanya. Parang sinukat talaga sa kanya ang damit na iyon kaya naman wala sa sariling napangit siya.
"Nak?" Napalingon siya sa may pinto. Dumatig na pala ang kanyang ina.
Humarap siya sa ina na nakangiting pinagmamasdan ang kabuuan niya. "Bagay ba Ma?" Parang batang paslit na tanong nito sa ina. Nakangiti namang tumango ito sa kanya.
"Napakaganda mo anak. Kahawig ka talaga ng iyong ama. Mas nangingibabaw ang itsura niya sayo anak." Lumapit ito kay France at hinalikan ito sa noo. "Dalagang-dalaga kana anak." Muli ay tinignan nito ang anak mula ulo hanggang paa.
Nakarinig ng busina mula sa labas ang mag-ina kaya naman lumabas na sila upang tignan kung sino ito.
"Magandang gabi po." Nakangiting bati ni Blood sa ina ni France. Nakangiti naman itong tumango kay Blood. "Napakaganda mo France." Namamanghang sambit nito ng tapunan ng tingin ang dalaga.
Nakasuot ng itim na tuxedo si Blood na pinartneran ng itim na polo sa loob at pulang necktie. Mukha siyang kagalang-galang na tao.
Pinagbuksan ni Blood si France ng pinto at tinulungan ito sa dress niya. Nagpaalam muli ito sa ina ng dalaga bago pumasok sa kotse at magmaneho patungo sa eskwelahan nila kung saan gaganapin ang party.
Elegante ang disenyo ng party. Tila isa iyong party ng mga kapita-pitagang tao sa mundo. It feels like they are attending a welcoming party of a new brand of wine.
"France!!! Ang ganda mo!!" Niyakap ni Racquel si France ng makita niya it kaya naman muntik na siyang mawala sa balanse. Mabuti na lamang at nahawakan siya ni Blood sa bewang para suportahan.
BINABASA MO ANG
Blood Moon [HIATUS]
RomanceIsang taong lobo na maiinlove sa isang kalahating tao at kalahating bampira. paano nga ba magkakaroon ng Happily ever after ang istorya kung magkaiba ang mundong ginagalawan nila?