Kabanata 7

159 4 0
                                    

Chapter 7.

Nagpatuloy man ang mga araw ni France ngunit hindi naman maiwawaksi sa isip niya ang katotohanang parang may kulang sa kanya. Aaminin niyang sobra siyang naging masaya nung nakita niya si Blood ilang araw na ang nakararaan pero may bahagi sa kanyang parang may kulang. Hanggang ngayon parin kasi ay wala pang kasagutan ang kanyang mga tanong. Bakit nga ba bigla nalang nawawala si Blod sa tuwing nakikita niya ito. At kung totoo nga bang isa itong Werewolf.

France don't believe to those mythical creatures. Werewolves, vampire, or even a witches. Ang alam niya kasi at pinaniniwalaan niya na ang mga ito mga kathang isip lamang. Pero iba ngayon, nakita niya mismo kung paano unti-unting nagpapalit ng anyo si Blood. Hindi na niya malaman kung ano ang totoo sa hindi.

Naglalakad na siya papuntang sakayan. Wala ng masyadong tao dahil alas-onse na din ng gabi. Iniwan niya ang kotse sa bahay dahil wala naman siya sa mood para magdrive.

Napabuntong hininga siya ng makarating sa sakayan. Wala siyang kasama doon at kakaunti na rin ang dumadaang mga sasakyan. Napatingin si France sa wrist watch. Nagtataka kung bakit wala pang dumadaang taxi.

Bigla nalang umihip ang malakas na hangin. Kinilibutan sa tayo si France pero pinanatili niyang maging kalmado.

'Wala lang yun.'

May tumakip sa bibig at ilong niya. Unti-unting nandilim ang paningin niya. At naramdaman niya ang pagsalo sa kanya bago tuluyang mawalan ng ulirat.

--

Nagising siya sa isang hindi pamilyar na lugar. More like an old warehouse. Inilibot niya ang paningin niya at nagulat siya ng makita niyang napapaligiran siya ng mga taong lobo. Wala itong saplot pang itaas at pawang mapupula ang mga mata.

'Katulad ni Blood.'

Dahil narin siguro sa pagkaramdam ng panganib ay tinangka niyang tumayo pero nakagapos siya may busal din siya sa bibig.

'Anong nangyayari?'

Lumapit sa kanya ang isang taong lobo at marahas siyang hinawakan sa mga pisngi.

"Gising ka na pala Flora." Ngumiti pa ito ng nakakakilabot. "Kumusta ang iyong mahimbing na pagkakatulog?" Sarkastikong tanong pa nito.

'Flora? Diba si Mama yun?' Madaming tanong ang tumatakbo sa isip niya. Bakit kilala nto ang ina at bakit siya dinakip ng mga ito?

"Hindi mo na ba ako naaalala?" Marahas na binitawan ng lalaki ang mukha ni France at naglakad ng tatlong hakbang malayo kay France.

"Mahabang panahon na rin ng huli tayong nagkita. Sa tingin ko... Dalawpu't tatlong taon na??" Tumawa ito na tila nababaliw. Muli itong tumingin kay France. "Kumusta kayo ni Serfentine? Nagkatuluyan ba kayo ng walangya kong kapatid?" Napasinghap si France.

'Ano bang sinasabi niya?!'

Tinanggal ng lalaki ang busal ni France. Hinaplos nito ang pisngi ng dalaga. Damang dama ni France ang mga matatalim na kuko nito na dumadampi sa kanyang balat. "Nais kong marinig ang iyong tinig."

"Hindi ako si Flora." Masama ang tingin na sabi ni France. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang nagkaroon ng lakas ng loob. "Mama ko siya." Dugtong pa niya.

Napalayo ang lalaki at himdi makapaniwalang tinignan ito. "Siya ang iyong ina? Anak kaba...ni Vilfredo?"  Muling napakunot ng noo si France.

"Si Danilo ang aking ama." Kunot noong sagot nito.

Hindi makapaniwalang napasinghap ang lalaking kaharap ni France. Naririnig din niya ang mga bulungan ng iba pang nandoon.

"TAHIMIK!" Sigaw ng lalaki. "Anong sinabi mo?" Lumapit ito kay France at marahas na hinawakan muli si France sa mga pisngi. Makiramdam ni France ay bumaon ang mga kuko nito sa kanyang balat.

"Si Danilo ang tatay ko." Bagaman nahihirapang magsalita ay nagawa nitong makasagot ng puno ng tapang sa kaharap.

Nasapo ng lalaki ang kanyang noo tila napakalaki ng problema nito. "Nagpakasal ang nanay mo sa isang tao?!" Umuling pa ito ng ilang beses. "Hindi... hindi yun maaari. Ang sino mang bampira na umibig sa tao ay mawawalan ng kapangyarihan. Mawawala amg buhay na walang hanggan nito at mamamatay kagaya ng mga mortal." Patuloy lang ito sa pag-iling. "Hindi...Hindi....HINDI!!!! ARGH!"

Nanlaki ang mata ni France sa nasaksihan. Napalitan ang anyo ng lalaking kaharap. It turns into a dangerous wolf. Pinaikot mulibniya ang paningin ang mga kasamahan nito ay galit na nakatingin sa kanya na tila ba isa siyang prey na pinalilibutan ng mga predator.

Sa oras na iyon hinihiling nita na sana ay dumaing si Blood at iligtas siya nito. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong kinalalagyan pero pinipigilan niya. Ayaw niyang ipakita sa mga nilalang na ito na mahina siya.

Mabilis ang paghinga mg lobong kaharap unti-unti ay tila nagpapakalma ito. At sa isang iglap bumalik ito sa dating anyo.

Pakiramdam ni France ay tumakbo siya ng ilang kilometro mabilis ang naging paghinga niya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman niya. Takot, kaba at pagkalito.

"Sabihin mo sakin babae. Anong kinalaman mo kay Bloodimere? Sa anak ni Vilfredo? Bakit siya nagpapakita sayo kahit iba ang anyo niya?" Madiin ang pagkakatanong nito kay France. Mula sa mukha ni France ay bumava ang tingin nito sa kwintas na suot. "Yang suot mo." Lumapit ito kay France at pinigtal ang kwintas. "Bakit mo suot ito?"

Parang biglang nawala ang dila niya. Di tulad kanina biglang naglahobang lakas ng loob niya matapos makta ang pagpapalit ng anyo ng kaharap.

"SUMAGOT KA!!" Napapitlag sa inuupuan si France. Unti-unti naring nangingilid ang kanyang mga luha.

'Blood tulungan mo ako...'

"Ito ang simbolo ng mga Gregor. Isang mataas ng angkan ng bampira. Anak ka nga niya talaga." Napayuko si France dahil kaunti nalang ay tutulo na ang mga luha niya. "Inaakala ba ng iyong ina na maaaring bumalik ang kapangyarihan niyo at maging bampirang muli? Hah! KAHIBANGAN! Ang bampirang naging tao ay hindi muling makababalik sa dati nitong anyo. Maliban nalang kung..."

Nagulat si France ng dakmain nito ang mukha niya at itiningin sa kanya. "Kasintahan mo ba..." napangisi ang lalaki. "Mga hangal." Lumingon ang lalaki sa kanyang kasamahan. "Nandito ang mga Serfentine. Salubungin sila." Utos nito dito bago ibalik ang tingin kay France. "Maswerte ka babae mukhang makakasaksi ka ng isang madugong labanan. Ang pagkamatay ni Bloodimere hindi bat kaaya-ayang pakinggan?"

"Wag niyo siyang sasak----uhmmmp." Ibinalik ng lalaki ang busal ni France.

"Sino ka para sundin ko?" Ang huling sinabi ng lalaki bago magpalit ng anyo.

Blood Moon [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon