Kabanata 12

124 6 0
                                    

Chapter 12.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot-noong wika ni Sebastian.

France just smirk. Alam niyang hindi siya ganap na bampira hindi siya uhaw sa dugo gaya ng nababasa niya. Hindi rin siya takot sa bawang o sa sinag ng araw. Pero gusto niyang linlangin ang kaharap. Gusto niyang paikutin ito at iligtas si Blood mula sa kamay nito.

Unti-unting naglakad paabante si France. Nanginginig man ang mga tuhod sa bawat hakbang ay hindi siya nagpahalata. "Sa tingin mo ba hindi rin ako nakakaramdam ng pagbabago sa katawan ko katulad ni Bloodimere?" Usal habang patuloy sa paglapit. "Nagkakamali ka." Tumigil siya sampung hakbang ang layo sa mga ito.

Tumingala si France at tinignan ang buwan.

"Kaya kong kausapin ka gamit ang isip. Hindi ko alam pero kaya ko."

Bigla ay naalala niya ang sinabing iyon ni Blood. Tama! Kakausapin niya ito gamit ang isip.

'Blood.'

"Nararamdaman ko ang pag-aasam ng dugo. Ang amoy nito na tila umaakit sa kaibuturan ko. Gumigising sa bawat himaymay ng kalamnan ko." Usal muli niya ng tignan si Sebastian.

'Blood. Gumising ka alam kong naririnig mo ako.'

Bigla ay akmang susugod si Blood ngunit pinigilan siya ni Sebastian na matamang nakatingin kay France.

'Blood pumikit ka alalahanin mo ang lahat.'

"Pakiramdam ko---

'Sino ka?' Napatigil sa pagsasalita si France ng sumagot si Blood sa isip niya.

'Ipikit mo ang iyong mga mata Blood. Alalahanin mo ang lahat.'

"Sabihin mo sakin Sebastian anong basehan mo para masabing wala akong lakas na labanan ka?" Ngumisi pa si France.

"Isa kang mortal!!" Desperadong sigaw nito sa dalaga.

Napansin niyang nakapikit si Blood gaya ng utos niya. Lumaki ang ngisi niya at ibinalik ang titig kay Sebastian.

"Ang akala mo ba ay sa mortal nagpakasal ang aking ina? Na mortal ang aking ama?" Ginaya niya ang tawa ni Sebastian bago nagpatuloy. "Naloko kaba namin?"

'Blood alalahanin mong mabuti ang lahat. Kung paano tayo nagkakilala. Mula sa umpisa.'

"A-Anong sinasabi mo!?" Tila kinakabahang usal ni Sebastian kay France. Sa wakas ay gumagana ang panlilinlang niya sana lang ay wag siya mabuko nito bago pa maalala ni Blood ang lahat.

"Namuhay kami sa mundo ng mga tao para makaranas ng tahimik na buhay." Paninimula niya. "Namuhay kami na parang mga mortal. Nakihalubilo at nakisalamuha na parang isa kami sa kanila."

'Blood?' Tawag niya kay blood sa isip.

"Nalaman namin kung paano sila mamuhay at kung gaano kasaya ang makilala ang mga mortal."

'Blood. Naalala mo na ba?'

"Sa tinging mo ba m-maniniwala ako sa mga sinasabi mo?!" Tanong ni Sebastian.

"Eh bakit nauutal kana? Hindi kaba talaga naniniwala?" Pang-aasar niya dito.

Susugod na sana si Sebastian ng bigla siyang hawakan sa leeg ni Blood. "Bloodimere! Aning ginagawa mo!" Gulat na gulat na usal ni Sebastian.

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang kayang magmanipula?" Ngumiti ng pagkatamis-tamis si France. "Nagkakamali ka."

'France tama na. Umalis kana.' Dinig niyang sabi ni Blood sa isip niya. Pero nagmatigas siya. Di niya ito pinakinggan.

Bigla ay nagpalit ng anyo si Sebastian. Nabitawan ito ni Blood na napaupo sa damuhan. Nanlalaki ang mga matang tinignan ito ni France bigla ay napaatras siya sa kinatatayuan. Sobra niya itong ginalit.

"France!takbo na!" Wala sa sarili namang napasunod si France at ang huli nalang niyang nakita ay ang pagpapalit ng anyo ni Blood mula sa isang maamong tao hanggang sa isang mapanganib na lobo.

Blood Moon [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon