Kabanata 8

143 5 0
                                    

Chapter 8.

"The sun will turned to darkness, and the moon to blood before the great and dreadful day of the LORD comes." -Joel 2:31 (Common English Bible)

Natatakot si France sa maaring mangyari. Sa kanya pati narin kay Blood. Ayaw niya itong mapahamak. Kung may magagawa lamang siya ay tumulong ito para mailigtas si Blood sa kapahamakan. But all she can do is to watch.

'Diyos ko iligtas niyo po kami' taimtim na napapikit si France at nagdasal.

Naririnig niya ang mga ululong ng mga taong lobo. Ang mga tunog na tila ba nagkakasakitan ang mga ito. Nangingilid nanaman ang mga luha niya. 'Sana maging ligtas sina Blood'

'France.' Napamulat si France at napatingin sa paligid. May nakabantay parin sa kanyang mga taing lobo pero hindi iyon ang nais niyang makita. 'France maayos ka lang ba?' Narinig niyang muli ang tinig ni Blood. Kinakausap siya nito sa kanyang isipan.

'Blood!'

'Wag kang mag-alala ililigtas ka namin. Ililigtas kita.' Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ni France.  Wala sariling napatango din ito. Sana nga ay maligtas siya ng mga ito.

--

"Kumusta aking kapatid." Ani ni Sebastian matapos makaharap ang kapatid na si Vilfredo. "Long time no see." Sarkastikong dugtong pa nito.

"Nasaan ang anak ni Flora." Tugon ni Vilfredo na masamang nakatingin sa taksil na kapatid.

"Nasa mabuti siyang kalagayan kapatid. Bakit ka ba sobrang nag-aalala? Hindi mo naman siya anak?" Patuloy ang pagiging sarkastiko ni Sebastian sa kapatid. "Hindi ka pala niya nakatuluyan? Nakakalungkot naman dahil nasayang ang pagrerebelde ko. Nasayang din ang pagkuha mo kay Flora sa akin." Tumawa pa ito na parang nasisiraan ng ulo.

"Hindi ko siya inagaw sayo. Kusa niya akong minahal."

"Sinungaling!" Sigaw niya sa kapatid. "Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hangal!! Pareho niya lang tayong iniwan! Hundi ka rin niya minhal!!!"

"Nagkakamali ka! Masyado kang kinakain ng galit Sebastian! Hindi mo ba naiintindihan? Kahit na sino sa ating dalawa ay hindi pwede kay Flora!! Isa siyang bampira! Ang isang bampira ay hindi pwedeng makatuluyan ng isang taong lobo!"

"Kaya mo siya pinaubaya sa tao? Wala ka talagang utak! Mas lalo mong pinahamak si Flora. Maraming paraan Vilfredo. Madami!"

"Sebastian, itigil mo ito. Pareho nating hindi nakuha si Flora. Pakawalan mo na ang anak niya. Itigil na natin ang walang kwentang pagtatalong ito. Bumalik kana sa kaharian."

Tumawang muli si Sebastian. Pinapahitig na isang kahangalan lang ang suhesyon ng kapatid. "Para ano? Para makita ko kung paanong pinagkatiwala sayo ni Ama ang kaharian? Wag mo akong patawanin Vilfredo."

"Kuya." Usal ni Vilfredo napatigil si Sebastian sa pagtawa at napatingin sa bunsong kapatid. "Kuya tama na." Nanlambot bigla ang ekspresyon ng mukha ni Sebastian tila may naalala itong nakakalungkot na pangyayari. "Kuya... namimiss na kita."

Napapikit si Sebastian. Nanumbalik ang alaala nila ng kapatid. Noong mga bata pa sila ay lagi silang magkasama at hindi mapaghiwalay. Mahal na mahal niya ang kapatid pero nagbago ang lahat simula ng makilala nila si Flora.

"Kuya, masaya naman tayo diba? Bumalik kana. Dati noong mga bata pa tayo. Sabay pa tayong nangingisda sa ilog. Hindi ba? Masaya tayong---

"Tumigil ka!!!" Pigil nito sa sasabihin ni Vilfredo. "Simula ng nakuha mo si Flora kinalimutan kong kapatid kita!"

"Pareho tayong hindi nakamit si Flora! Parang awa mo na Sebastian itigil mo na ito."

"Hindi!" Bigla ay nagbago ito ng anyo. Isang galit na galit na lobo ang kaharap ni Vilfredo.

Napapikit si Vilfredo "ama patarin mo ko." At nagpalit nadin ito sa isang mabangis na lobo.

--

Nakapikit lang si France. Hinihintay niya si Blood. Alam niyang darating ito para iligtas siya.

'France... naririnig mo ba ako?'

'Oo. Please sabihin mo saking ayos lang ang lahat.' Tugon nito sa tinig na kumakausap sa kanya.

"Ayos na ang lahat France." Napamulat si France. Isang nakangiting Blood ang nasa harap niya. Wala itong saplot pang-itaas gaya ng mga dumakip sa kanya kanina. Pula naring muli ang mga mata nito at nakikita na rin ang simbolong nakaukit sa leeg nito.

"Blood!" Masayang bigkas niya sa pangalan nito matapos tanggalin ni Blood ang busal nito sa bibig. Alam niyang ligtas na siya dahil nandoon na si Blood.

Kinalas ni Blood ang pagkakatali ni France sa upuan agad naman siyang niyakap ni France. "Akala ko'y napahamak ka na. Mabuti ligtas ka!" Wika ng dalaga.

"Kailangan na nating magmadali. Maya-maya lamang ay malalaman nilang nakita na kita. Delikado kapag naabutan nila tayo." Pigil naman sa kanya ni Blood na agad tinanggal ang pagkakayakap niya.

Tumatakbong nakasunod si France kay Blood. Hawak nito ang mga kamay niya. Hindi man niya alam kung saan sila pupunta ay wala na siyang pakialam. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon. Malamang ay nag-aalala na rin ang kanyang ina dahil hindi pa siya nakakauwi.

Sa bawat dadaanan nila ay may mga nakahandusay na katawan. Hindi masiguro ni Franve kung patay na ang mga ito o napuruhan lang.

'Si Blood kaya ang may gawa nito?' Taning ng kanyang isip.

"Hindi. Ang mga kasama namin ang may gawa niyan. Nakagabay sila sakin sa daan para maging ligtas ako. Ayaw ko man ay wala akong magagawa iyon ang utos ng kanilang pinuno, ng ama ko." Napatingin si France sa mukha ni Blood. Hindi ito nakatingin sa kanya ng sagutin nito ang tanong ng kanyang isip. Patuloy padin sila sa pagtakbo.

"Si Vilfredo. Siya ang ama mo tama ba?" Tanong muli ni France dito. Tumango naman si Blood. Tumahik nalang si France. Hindi iyon ang tamang panahon para tanungin ito ng mga bagay-bagay. Sa ngayon ang iniisip ng binata ay makaligtas sila.

Isang malakas na pagsabog ang narinig nila mula sa labas ng warehouse. Hindi. Hindi iyon pagsabog. Parang malakas na pagtama bg isang bagay.

"Ano iyon?!" Wala sa sariling tanong ni France.

"Si Ama!!" Tumigil si Blood sa pagtakbo kaya napatigil din si France. Nagulat ang dalawa ng bigla siyang buhatin ng binata at tumakbong muli. This time, faster.

"Palagay ko ay nauwi sa labanan si Sebastian at Si Ama." Ani Blood. "Kailangan natin sitang puntahan.

Sa isang iglap ay nasa harap na sila ng dalawang malaking taong lobo. Pareho itong mabangis na nakatitig sa isa't-isa.

Ibinaba ni Blood si France sa puno, "dito ka lang." Seryosing sabi ng binata kay France. Aalis na sana si Blood ng hawakan siya sa braso ni Franve at nakatingin ito ng may pag-aalala. "Magiging ayos lang ako." Hinalikan nito ang dalaga sa noo bago muling tumakbo at magpalit ng anyo.

Blood Moon [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon