''Excited na talaga ko bes!" masayang sabi ni Chiki.
Nasa daan na kami pauwi sa probinsya.Kanina lang natapos yung final exam namin tapos umuwi na kami kaagad para makalarga na.
Matapos ang isa't kalahating oras nakarating na rin kami sa probinsiya, sa Nueva Ecija.Kailangan pa naming sumakay ng tricycle para makarating sa baranggay namin.
"Sa gate nalang po na kulay brown manong!" Naunang bumaba si Bes dahil mas nauuna ang bahay nila, at di nagtagal bumaba na din ako ng motor.
"Anak, bakit nandito ka na?'' Tanong ni Mama pagbaba ko ng motor.
"Ayaw niyo ata akong makita.Sige babalik nalang ako sa Manila." Kunyaring nagtatampo ako.
''Naku,wag ka ngang mag-inarte!Tara na sa loob.'' Dumiretso kami sa Sala at nagkwentuhan saglit.Namiss ko si Mama,lalong-lalo na yung boses niya.
"Akyat muna po ako." Paalam ko at tumuloy sa kwarto.
Nasa second floor yung kwarto ko sa may bandang dulo.Pagbukas ko ng pinto,ganun pa din naman ang itsura walang pagbabago.
"Haiiy........" Pabagsak akong humiga sa kama.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng may maramdamang nangingiliti sa paa ko.Agad akong nakaramdam ng kilabot kaya naman pinadyak ko yung paa ko.
''Aray!'' Sigaw ng isang boses.
Napabalikwas ako ng bangon at nakitang nakaupo sa gilid ng kama ko si Francis--nakababatang kapatid ko."Ano nangyari sayo?'' Lumapit pako sa kanya ng bahagya para i-check yung lagay niya.
''Pinapagising ka lang ni Mama,sinipa mo pa mukha ko!" Galit na sabi niya tapos nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Nagbago na talaga yung kapatid ko,nagbibinata na kasi.Parang dati lang inaalagaan pa namin siya ni Chiki sa duyan tapos ngayon binata na at mas matangkad pa saming dalawa.
Bumaba na din ako at tumuloy sa kusina.Naririnig ko na yung mga boses nila.
''Pa!'' Tawag ko kay Papa at yumakap.
''Tumira ka lang sa Maynila,may payakap-yakap ka ng nalalaman.'' Pang-aasar sakin ni Papa.
Tumawa nalang ako at nagsimula na kaming kumain.Nakakamiss talaga yung ganitong moment.Yung kumpleto kayo ng pamilya niyo sa hapag kainan.Madalang kasi kami makumpleto dahil pulis si Papa at laging naka-duty.But he's been a good father and husband.Kapag day-off niya, he spent all his time para magbonding kami.I'm very grateful that I have a father like him.
------
Kinabukasan,maaga akong pumunta kila bes.Doon daw kami magki-kita ng barkada.Pagdating ko doon ay wala pa naman sila kaya naman tumambay lang kami sa garden nila.
"Kahit kailan talaga bes, late yung mga yun!'' Sabi ni Chiki.Sabagay kahit kailan talaga walang tumutupad sa usapan.Alas-otso ang usapan pero alas-otso medya na ay wala pa sila.
"Bes,i'm here!!!!!!'' Nagtitiling sigaw ng dumadating na si Victoria.
Victoria Balae, siya yung pinaka-maingay sa barkada.Siya yung joker,gusto niya kasi laging masaya ang atmosphere.Nagbeso-beso kami at nagchikahan ng kaunti.Maya-maya pa'y dumating na din sina Editha at Elena.
"Hoy! Mga bakla namiss ko kayo.'' Malayo pa lang ay rinig na namin ang boses ni Elena.Elena Agustin,energetic sa lahat.Mas ahead siya samin ng three years pero barkada namin.Her sister is Editha Agustin,ang ''chicks'' ng barkada.She's got the looks,personality,attitude,brain and money.
''Picture tayo!'' Sigaw ko at kinuha ko yung Iphone 5 ko.Naka-ready na kaming lahat kasama ang aming precious smile.
"Hoy!Wait lang,sama kami!'' Sigaw ng paparating na si Downy at Generia.
Nagtatakbo si Downy,samantalang lumakad lang na tila ba rumarampa sa isang fashion show si Generia.
Downy Dela Cruz, yung ''singer'' ng barkada.Dati medyo mataba siya,but now i can say that there is improvement cause she's sexy now!Akalain mo yun? Hindi ko inakalang ma-aachieve niya yung figure na yun.
And lastly, si Generia Santos, ang babaeng sinauna.Madaldal at magaling sumayaw.Sila ni Victoria ang talagang close.And one thing,she's my cousin.
"Mukhang kumpleto na tayo.Picture na!" masayang sabi ni Editha.Basta talaga picture wala ng tatalo sa babaeng to.
Nagpicture picture kami at nagkainan pagkatapos.Buti nalang at maraming pinahanda si Chiki na pagkain dahil kung hindi baka kinulang yung pagkain namin.
''Mga bes, saan tayo mag-reunion?'' Panimula ni Victoria.
''Ito reunion na to.Ayaw niyo ba?'' Pang-asar ko.
"Ito na yun?Ito na yun?'' Reaksyon ni Generia
"OA mo bes! Dali mag-set na tayo.'' Excited na sabi ko.
Nagplano na kami ng kung saan kami magre-reunion pero dalawang oras na wala pa kaming napa-plano.
''Bes, sa farm nalang kaya namin?''Suhestyon ni Downy.
"Sige bes, basta siguraduhin mong hindi ako iitim? '' sagot naman ni Editha.
''Summer naman bes! Hayaan munang umitim ka! '' sagot naman ni Chiki tapos nakipag-apir pa saken.
''Hindi pwede Bes! Alam mo na, magsasalin ako ng korona.Nakalimutan muna ba? Ako ang reigning Binibining Zaragoza?'' Pagmamayabang pa ni Editha.
"Oo nga pala.We're sorry, kasi hindi kami nakapanuod ni Bes noong lumaban ka.'' Paghingi ng paumanhin ni Chiki at tumingin sa akin.
"Mag-set na kayo ng date.Kung saan-saan napupunta yung usapan niyo." Sabad ko.
Nagusap-usap pa kami ulit at ang napag-desisyunan namin ay sa darating na Huwebes bale martes ngayon kaya sa isang araw na yun.
"Kala ko dito tayo kakain ng tanghalian?'' Tanong ni Elena.
''Mahiya ka nga bes! Pinag-mirienda na tayo tapos dito pa tayo maglu-lunch?''sabi naman ni Victoria.
"Okay lang bes, actually nagpaluto ako kay Manang ng mga paborito niyong ulam." Sagot naman ni Chiki.
"Yun naman pala! Tara na sa kusina,kanina pa ako nagugutom!'' Pag-yaya ko.
Kala niyo naman nahihiya ako, kanina pa kaya ako nagugutom!Haha...
At basta sa pagkain wala akong balak umurong.Sama-sama kaming kumain ng tanghalian.Wala talagang papantay sa sayang nararamdaman ko pag-kumpleto ang barkada.
*Bzzzzt..... Bzzzzzt....
''Oy,ano yun utot?'' Sabi ni Victoria.
"Bes,kumakain tayo.'' Sabay batok ni Generia.
I'll just check my phone, alam kung may nagtext sakin.
1 message recieved
From: Caleb"Kinukuha ni pinsan yung number mo.Ayiieh, kilig ka naman.
Hindi ko maiwasang mapangiti.Si Milo,kinukuha yung number ko?Totoo ba?
To: Caleb
''Totoo ba? Sige ibigay mo!''
Sent ✔
Itinigil ko na ang pagkain at tumitig nalang sa Iphone ko.Hinihintay ko yung reply ni Caleb.
*Bzzzzt ..... Bzzzzt...
From: Caleb
" April Fools! XD Ayiieh, aminin kinilig siya. ''
Gustong gusto kung ihampas ang bangko sa pagmumukha ni Caleb ngayon.Pasalamat siya at wala siya dito ngayon.Pinagloloko niya lang pala ko.April Fools pang nalalaman.Wag na wag siyang magpapakita sakin!
Matapos ang masarap na pananghalian kila Chiki.Kanya-kanya na kaming larga pauwi sa aming mga bahay.Kailangan mag-ipon ng lakas para sa Reunion.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
JugendliteraturShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.