Chapter 4 : Battle of the Bands

82 4 0
                                    

Jerlena POV

Nandito kami ngayon sa Luneta Park.May battle of the bands kasi.

Hindi kami kasali , isa kasi kami sa mga nag-organize ng event na ito.

Pero tutugtog kami mamaya.

"Bes!''

"Nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni Jam" sabi ni Chiki.

Nagpunta ko sa isang tent kung nasan si Jam.

"Jerlena, nagback-out yung isa nating guest.San kaya tayo makakahanap ng papalit." Bungad sakin ni Jam.

"Nagkaroon ng problema sa boses kaya di siya makakanta.Nage-expect pa naman yung mga manunuod na may magpe-perform na babae." Sabi naman ni Fati.

"Ba't hindi nalang ikaw Fati?" Singit naman ni Niko.

"Hindi ako pwede.Diba ako ngayong vocalist naten? Dapat maiba naman." Fati

"Guys may suggestion ako." Napalingon kami sa kapapasok lang na si Chiki.

"Spill it. Kailangan naten mag-double time." Seryosong sabi ni Jam

"Si bes magaling kumanta tapos mag-gitara." Sabi niya ng naka-ngiti.

Ano ba naisip ni bes?

Pinandilatan ko siya ng mata.Maganda naman talaga yung boses ko pero ayokong ilabas, baka madiscover pako.

"Yun naman pala.Jerlena, ikaw nalang." Sabi sakin ni Niko.

"Ako lang mag-isa?" Tanong ko.

"Nope. May ka-duet ka from other band." Nakangiting sagot ni Fati.

"Fine.Payag na ko." Sabi ko.

Sana lang makisama yung boses ko mamaya.
Baka madiscover ako nito.Minsan lang ako kumakanta sa harapan ng maraming tao.Lagi kasing drumstick at gitara ang hawak ko.

Madalang ako humawak ng Mic.Kasi nga napaka-precious daw ng boses ko.Yung tipong hindi na daw dapat pang ilabas at ipangalandakan sa mundo.Haha, yung tipong kapag narinig mo akong kumakanta mapapa-speechless ka sa sobrang ganda.At baka hindi mo na naisin pang pakinggan muli.

Nagsimula na yung program.For now, okay naman ung takbo ng program.

"Bibitinin muna namin kayo sa next band na magpe-perform.For now, makakarinig naman tayo ng special number from the guitarist of 5Days To Go and drummer of Deluxe bands." Sabi nung emcee.

Ako na pala.

Nauna na kong umakyat sa stage.Kinuha ko yung acoustic guitar sa gilid.

Nakita ko naman si Bes na nasa gilid ng stage tapos nag thumbs-up sakin.

Nasan na ba yung guitarist ng kabilang banda?

Paktay ako! Magaling kaya kumanta yung kasama ko?

Tama! Mag-gigitara nalang ako.

Bigla namang namatay yung ilaw.Tapos hiyawan ng mga babae yung mga naririnig ko.

Wow! May grand entrance ?

Aba Matinde! Sino ba kase tong maka-kaduet ko ?

Nagliwanag na yung stage.Then i saw HIM.

It was HIM.

Yung lalaki sa music room.Yung pinsan ni Caleb.

Yung crush ko daw. .......
Si Milo.....

"Hey! Give me that guitar.I will play guitar and you will be the one who sing." Sabi niya

Huh? Baliw ba siya? Baligtad ata . Siya dapat yung kakanta tapos ako yung mag-gigitara.

"Ayoko nga.Gusto ko mag-gitara panget yung boses ko." Sabi ko.

"Fine,I'll just get my guitar.We will sing in unison." He walk to the backstage.Tapos may nag-abot sa kanya ng gitara.

"Ano yung kakantahin naten?" Tanong ko.

"It's up to you.What do you want?" Pabalik na tanong niya sakin.
Hindi ako sumagot,wala kasi akong maisip.

''She will be loved.Alam mo?" Tanong niya na parang naiirita.

I just nod.May nag-abot sa amin ng chords and lyrics.

"Woooooooh!!!!!" Sigawan ng mga tao.

Kinakabahan ako, ba't ganito?

"Ikaw sa Unang verse at ako sa 2nd verse at bridge.Then, sabay tayo sa chorus." Paliwanag niya sabay ngiti.

Yung ngiti niyang nagpa-slow mo bigla sa mundo ko.Yung tipong parang nahawi lahat ng tao dito sa Luneta tapos kaming dalawa lang yung natira.Pwede bang forever nalang siyang nakangiti?

We started to strum.Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Beauty queen of only eighteen she
Had some trouble with herself
He was always there to help her she
Always belong to someone else

I drove for a miles and miles
Wound up at your door
I've had you so many times
But somehow I want more

Siya na yung kakanta,maganda kaya boses niya?

I don't mind spending everyday
Out on your corner in the pouri'n rain
Look for the girl with a broken smile
Ask her if she want to stay a while

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.Sakto tumingin din siya sa akin sabay ngiti.

And she will be loved
She will be loved
She will be loved
She will be loved...

"Woooooohhh!" Sigawan ng mga nanunuod.Yung iba naman sumasabay samin.

Please don't try so hard to say goodbye
Please don't try so hard to say goodbye....

Napangiti nalang ako at binigyan ng isang huling sulyap yung si Milo.Pero nakatingin din pala siya sakin.Magkatitigan kami ng biglang lumiwanag ang kalangitan at sabay kaming napatingala.

Fireworks!!
How romantic? Ikaw at Crush mo sa ilalim ng nagniningning na kalangitan.

Lahat halos ng tao ay nakatingin sa kalangitan.At masayang nanunuod ng Fireworks Display.

Nag-exit na kaming dalawa ni Milo sa stage.Pagbaba ko, napatingin ako ulit sa langit sabay ngiti at bumulong:

"Siya na po ba?"

My Drummer GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon