Chapter 12

49 1 0
                                    


"Bes, feeling ko nakita ko na yung Destiny ko." Kwento ko kay bes habang kasalukuyan niyang ibini-braid yung buhok ko.

"Matagal mo naman na siyang nakita." Tinignan ko siya na parang binabasa kung alam ba niyang si Milo ang tinutukoy ko.

''Talaga bes kilala mo na siya? "

"Oo naman bes! Highschool palang alam ko ng siya yung Destiny mo, hindi ba't sayo mismo nanggaling na siya yung nakatadhana sayo."

This time humarap na ako sa kanya feeling ko kasi hindi kami nagkaka-intindihan.

"Teka bes, sino ba yung tinutukoy mo huh?"

"Sino pa nga ba,hindi ba't si Kiel Corpuz?"

Kiel Corpuz? Literal na pinandilatan ko siya ng mata.Bakit naman nasama si Kiel sa usapan namin, sa pagkaka-alam ko si Milo ang tinutukoy ko.Hindi talaga kami nagkaka-intindihan nito.

"Mali ka naman e! Nakalimutan ko na nga kung ano yung itsura ni Kiel sa sobrang tagal na nun." sabi ko.

Kiel was my highschool crush.Siguro nga ay dala ng pagiging teenager talagang sobra ang paghanga ko sa kanya.Kaklase namin siya simula first year hanggang 3rd year.Maraming nakakatuwang pangyayari ang naganap noon na sa tuwing naaalala ko'y napapatawa nalang ako.Lahat ng kilos ni Kiel ay binibigyan ko ng kahulugan,tulad ng pagkakahawig namin ng penmanship,drummer din siya,parehas kaming madaldal at pati yung pagkakasabay ng pagkarebond ng buhok ng nanay namin.Sinasabi kung siya yung Soulmate at Destiny ko dahil nga sa mga pagkakaparehas namin.Pero noon lang yun huh!

"Sino nga garud?"

"Si Milo."

"Si Milo? Oh, paano mo naman nalaman na siya yung Destiny mo?" Tanong niya

"Simple lang, may iba kasi akong nararamdaman sa kanya.Yung tipong parang may sparks kami. " sagot ko

"Tsk.Alam mo bes, hindi naman sa ayoko si Milo.To be true gusto ko siya para sa iyo kaso baka kasi umasa ka na siya nga tapos hindi naman pala.Ayaw lang kitang masaktan.You know I've once hurt at ayokong maramdaman mo yun.You deserve to be loved."

Aww, ang sweet naman ni bes.

*Ding..dong! *Ding.. dong!


"Bes, may bisita ka?" tanong ko. Wala naman kasi akong bisitang hinihintay.

"Wala, baka naman sila Fati yan? Puntahan mo na."

Dali-dali akong pumunta sa sala at binuksan ang pinto.Laking gulat ko ng makita kung sino iyong bisita namin.

"Hi!" Bungad niya

"Hmm... He-hello? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Diba sabi ko tuturuan kitang mag-skate boarding?" Sagot niya

"Ayy,oo nga nuh? Teka, pumasok ka muna.Pasensya na, medyo magulo yung bahay namin." Sabi ko

Naupo siya sa sofa at ako naman ay nagpunta kay bes.

"Talaga, nandito si Milo? Kanina lang pinag-uusapan natin siya tapos biglang nandito na siya." Pahayag ni bes

"Err,oo nga bes.Pwede bang ipaghanda mo muna siya ng miryenda magpapalit lang ako ng damit." Sabi ko

Dali-dali akong nagpalit ng damit.Kaso nga lang hindi ko alam kung ano yung isusuot ko.Hirap talaga akong magdecide.

Matapos ang matagal na pangangalkal sa damitan.I decided to wore a simple black shirt and jeans.

"Akala ko naghalungkat ka pa ng saya sa baul bes! Haha, ba't ba ang tagal mo? Parang shirt at jeans lang naman yung isinuot mo." litanya sa akin ni bes ng makabalik ako sa sala.

"Sorry huh? Sobrang tagal ba talaga? Nabored ka ba?" Imbis na sagutin si bes si Milo yung kinausap ko.

"Not really.You're bestfriend entertained me well." Sagot ni Milo

Tinitigan ko si bes ng masama at ngumiti naman ng pagkalapad-lapad.Naku, baka kung ano yung mga kinuwento niya kay Milo.

My Drummer GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon