Isang linggo matapos namin matanggap ang balita na nasunog ang RedHouse naconfirm namin na totoo talaga.Dahil nandito kami ngayon mismo sa harapan ng lote kung saan dating nakatayo ang RedHouse.
Sunog talaga, hindi namin alam kung sinadya ba o hindi.Mabuti nalang talaga at wala doon ang mga gamit namin.
"Jam, may tumawag sa akin kahapon.Mag gig daw tayo sa saturday.'' Sabi ni Fati
Natahimik kaming lahat.Saan kaya kami magpa-practice? Hindi naman kami pwedeng tumanggi sa nag-offer sa amin na tumugtog.
"Guys, naka-usap ko yung vocalist ng isang banda.Sabi niya pwede daw tayong magpractice sa building nila hangga't hindi pa tayo nakakahanap ng lugar na lilipatan.'' Sabi ni Jam na halatang frustrated dahil sa nangyari.
Wala kaming sinayang na oras kaya naman nagpunta na kami sa sinasabing pinagpa-praktisan ng kabilang banda.Hindi ko alam kung anong pangalan nung banda pero isa lang masasabi ko, ang bait nila.
"Lena, pahawak muna ng gitara ko pwede? " paki-usap sa akin ni Niko.Kinuha ko yung gitara niya, at umupo sa isang gilid.Sila kasi ay nakikipag-usap dun sa vocalista ng kabilang banda.
"Bes tugtog ka nga, nakakaboring." Pag-iinarte ni Bes Chiki.
"Sige , anong kanta ba?''
"Yung Your song nalang! Favorite natin yun diba?''
Nagsimula na akong mag-strum at kumanta naman si Bes.
I take one step away
Then i found myself
Coming back to you
My one and only
One and only you ......Nakarinig kami ng palakpakan matapos ang kanta.Saka lang namin napansin na kanina pa pala sila nakatingin sa amin.Hindi lang pala yung mga kabanda namin ang nandodoon kundi may iba pang tao.
"Ang galing! Kayong dalawa ha? Ang talented niyo talaga.'' Sabi ni Caleb.
Wait-----
Si caleb??????
"Hoy, anong ginagawa mo dito huh?'' Tanong ko kasi naman diba pano siyang napunta dito? Wala naman siyang banda tsaka kailan pa siya nahilig sa music.
"Hehe, ito naman! Hindi mo ba ko na-miss?'' Imbis na sagutin yung tanong ko iba naman yung sinagot.Ewan ko talaga sa lalakeng ito. -___-
"Ayan na pala si Milo oh! '' sabi nung lalaking hindi ko kilala.
Milo?
Wag mong sabihing nandito si Milo?
"Hi guys! Sorry i'm late.''
Napatingin kaming lahat sa nagsalita.Awtomatiko akong napanganga.
''Bes, pasukan ng langaw yung bibig mo." Sabi ni Chiki at sinarado ang naka-awang kung bibig.
Nagsi-upuan na sila dun sa sofa kaya sumunod na kami ni bes.Nag-usap sila about sa gagawin namin na pagpa-practice dito sa lugar nila.
Okay naman sa kanila , kasi kaibigan naman daw nila si Jam.********
Kinabukasan, maaga kaming gumising ni bes kahit na mamaya pa namang 10 yung practice namin.Nandito na kami sa Manila, at sa apartment na kami tumutuloy.Noong una nga ay nagalit si Mama bakit daw babalik na ako sa Manila samantalang bakasyon pa.Nagpaliwanag naman ako ng maayos kaya napapayag ko.Ang problema nga lang, binigyan lang ako ng five thousand.Hindi ko talaga alam kung paanong pagtitipid ang gagawin ko.
"Bes ako muna ikulot mo huh?'' Sabi ko pagkatapos kung maligo.Sabi kasi ni bes aayusan daw niya ako para pag nag-practice kami mamaya maganda daw ako.
"Oo na bes! Halika na dito at iblower ko na yang buhok mo.''
Nag-umpisa na nga niyang ayusan ang buhok ko.Ewan ko ba kung bakit kailangan niya pa akong ayusan, magda-drum lang naman ako mamaya.
"Ayan bes, ang ganda mo talaga!'' Sabi niya matapos kulutin ang buhok ko.
"Bolera ka! Wala akong pera ngayon kaya tigilan mo ko." Sabi ko
"Di kita binobola bes, maganda ka talaga.Naku, pag hindi pa naman nagandahan si Miko sayo ibibitin ko na siya patiwarik."
"Naku bes! Ang brutal mo naman masyado.'' Natatawang sabi ko.
Nag-ayos na rin siya ng sarili niya.Kinulot niya din yung dulo ng buhok niya.Nagbihis na kami ng damit.
I wore v-neck shirt na color black then skinny jeans at low-cut na rubber shoes na color black din.While chiki wore a Nirvana shirt then short shorts at rubber shoes like mine.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Novela JuvenilShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.