Chapter 15

50 0 1
                                    

"Congratulations batch 20**-20**!"

Nagsitayuan ang mga estudyante,may mga estudyanteng naghagis ng toga, ang mga magbabarkada ay nag-iiyakan habang nagyayakapan.

"Jer!" tawag sa akin ng isang kaklase ko.Nagpicture kaming buong magkakaklase.Tawanan,kantyawan at syempre mayroong iyakang naganap sa mga kaklase ko.

Namataan kong papalapit sa amin sila Mama at Papa.Kasama yung iba ko pang family relatives.

"

"Pa! Ma!" tawag ko sa kanila.Pinakilala ko sila sa mga kaklase ko.

"Ang cool ng parents mo Jer.Sayang ngayon lang namin sila nakilala." sabi pa nang isang kaibigan ko.

"Busy kasi si Papa sa work niya.Si Mama naman taong bahay, kaya ayun hindi sila nakakapasyal dito sa Manila." pagdadahilan ko.

Isa-isang nagsi-alisan ang mga kaklase ko.Kaya napagpasyahan na rin naming umalis sa venue.Kanina ay kasama ko si bes subalit umalis din kaagad dahil may inaayos siya.Bukas pa kasi ang graduation nila.

"Papa kain tayo sa Mang Inasal mamaya." sabi ko. Namiss ko kasi ito, iyong buo kaming pamilya.

"Sa saturday nalang, nagpahanda kami sa bahay ng pagkain." sagot ni Mama

"Uuwi tayo sa Nueva Ecija?" tanong ko.


"Oo naman.Tara na at baka gabihin tayo sa daan."

Habang palabas kami nang school, hindi ko maiwasan ang magbalik tanaw.Dito ko natutunan magmahal, at masaktan at the same time.Nadaanan namin iyong building ng Engineering.Nakita ko iyong Music room, doon nagsimula ang lahat.Doon ko narinig ang musikang nagkonekta sa buhay naming dalawa.Sa pag-uwi ko sa probinsiya, I didnt know kung magkikita pa ba kami o magiging isang ala-ala nalang lahat nang nangyari sa amin.Hindi ko alam kung matatandaan pa ba ako ni Milo o mababaon nalang ako sa limot.


Nakatulog ako habang nasa daan kami.Pagmulat ko ay madilim na ang paligid.

"Ma, nasan na tayo?" tanong ko.

"Malapit na. Ayusin mo na iyang damit mo." sagot ni Mama.

Inayos ko iyong sarili ko at pagkatapos ay tinignan ang cellphone ko.Mayroong mga messages mula sa mga kaklase ko at ilang kaibigan ko.Pero nasorpresa ako sa mensahe na natanggap ko mula kay Caleb.

Nagising kanina si Milo tapos hinahanap ka.I don't know why? Nagtataka nga sila tita, akala ko nakalimutan ka na niya.

Ako hahanapin ni Milo? Rereplyan ko na sana si Caleb pero huminto na ang sasakyan namin.Tumingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng bahay namin.Maraming tao, mga pinsan, tito at tita at ilan pang family friends.

"Congratulations!" bati sa akin nang mga pinsan ko.Ginantihan ko sila nang ngiti, at dumiretso sa kwarto.Nagpalit ako ng damit at muling bumalik sa mga pinsan ko.


"Graduate na si Jer! Wala ka pa bang nobyo?" tanong sa akin ng isang tito ko.

"Naku tito, hindi ko muna iniisip iyon." sagot ko.Patuloy ang pangho-hot seat nila sa akin.But I will never tell them about Milo.Never.

"Sabagay, mabuti na rin iyong wala ka pang nobyo baka mag-asawa ka nang wala sa oras niyan." pagbibiro nang isang tiyahin ko.

Nagpatuloy ang kasiyahan at halos hating gabi na ng matapos.Bago ako matulog ay binasa kong muli ang message ni Caleb, kung totoo nga iyon.Malamang naalala na ako ni Milo, sa mga oras na ito dapat ay tinawagan na niya ako.Pero walang text o call mula sa kanya.Siguro ay pinagtitripan lang ako ni Caleb.Siguro nga......

My Drummer GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon