Chapter 7 Reunion (Part 2)

62 3 2
                                    


Maagang-maaga pa lamang ay abala na ang mga magbabarkada sa paghahanda ng mga kakainin nila mamaya.Minabuti nilang huwag ng kumuha ng katulong para mas makapag-bonding pa sila habang nagga-gayak ng pagkain.

"Tapos na kaming mag-ihaw ng barbeque.'' Masayang balita ni Downy na may dala-dala pang isang stick na barbeque.

"Halata nga! Teka, baka naman naubos niyo na?'' Tanong ni Jerlena na busy sa pagluluto ng fishballs.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na nilang lahat ang pag-gagayak ng pagkain.Naglatag sila ng blanket sa damuhang bahagi ng farm at umupo na ng paikot.

"Alas-diyes pa lang pala.Magkwentuhan muna tayo!" Saad ni Victoria.Sinang-ayunan naman nilang lahat iyon, dahil sa halos lahat sila ay sabik na makarinig ng kwento mula sa mga kaibigan.

"So,sino yung unang magkukwento?'' Tanong ni Editha sa maarteng tono.Walang ibig mag-umpisa kaya naman naisipan nilang by surname ang arrangement ng magkukwento.At dahil doon ay si Editha ang mauunang magkwento.

"Ano naman ikukwento ko mga Bes?" Tanong ni Editha at bumusangot pa.

''Syempre ano pa ba? E di yung lovelife mo? Alangan namang yung kapitbahay niyo? Anong paki-alam namin don?" sagot naman ni Generia.
Saglit na nag-isip si Editha bago nagsimula.

"Bukod sa marami akong suitors na binusted na.Wala na kung ikukwento about sa lublife ko.'' Pagkwento nito, sa kanilang magba-barkada ay ito ang pinaka-malihim sa lahat.Simula pa lamang noon ay sadyang hindi talaga ito pala kwento.

Sumunod namang nagkwento ay si Chiki na malapad ang ngiti.

"Pustahan si Calum yan!Haha..'' Sabad ni Downy.Hindi lingid sa grupo na sobrang crush ni Chiki si Calum Hood ng 5sos eversince na napanuod nito ang mtv ng She looks so perfect.

"Diyan kayo nagkakamali!Haha,natatandaan niyo ba yung crush ko dati nung highschool?'' Chiki

"Sino? Sa dami ba naman ng crush mo,hindi na namin matandaan.'' Sagot ni Victoria

"Okay, si PJ ung crush ko dati.Nililigawan niya na ko ngayon,hihihihi.....'' Pagkukwento ni Chiki na halatang kinikilig.

"Nagpa-ligaw ka?'' Halos sabay-sabay na tanong ng magbabarkada.

"Hmmm, teka lang ha? Kailangan sabay-sabay talaga?Nagpaligaw ako pero it doesnt mean na sasagutin ko siya.You know, my heart already belongs to Calum.Haha ...''  Chiki

Sumunod na nagkwento si Victoria.

"Hmm,nakakainis talaga yung Jeff na yun!Sabi niya mahal niya ko then the day after na sagutin ko siya.I saw him making out with other girl." Kwento niya.

"So broken hearted ka pala?'' Tanong ni Editha

"Nah, hindi ko pa siya binreak.You know,i'm still thinking if i would give him another chance." Napailing-iling nalang ang magbabarkada sa naging sagot ni Victoria.Sumunod na nagkwento ay si Downy.

"Wala akong ikukwento sa inyong iba kundi yung pag-saway ni Mame sa mga nanliligaw sakin.Gusto ko naman sanang maranasan yung may boyfriend kaso malabo atang mangyari." Nalulungkot na sabi nito.

"Ang OA ng Mame mo Bes! Manliligaw pa lang naman sayo hindi magpo-propose." Talak ni Chiki.
Sumunod na nagkwento ay si Jerlena.

"Alam niyo mga bes!Parang nakita ko na si Mr.Right!'' Excited na kwento nito."Kaso dalawa sila,hindi ko tuloy alam kung sino ba talaga sa kanila.Hmmm,ang hirap kaya mamili.I hate multiple choice pa naman.'' Dagdag nito.

"Buti ka nga bes mukhang nakita mo na.Samantalang ako, i thought siya na pero hindi pala.I'm just his option and he also used me to move-on with his ex-girlfriend.'' Page-emote ni Generia.

Matapos ang mahaba-haba nilang pagkukwentuhan.Naisipan na nilang kumain ng lunch.Maluwang ang farm nila Downy,mayroong swimming pool na dalawa,bungalow style na bahay na may kalakihan,garden,fishpond at taniman ng mga punong-kahoy gaya ng mangga at saging.

Dali-dali silang nagpuntahan sa pool matapos mananghalian at nagbabad hanggang sa lumubog na ang araw.

"Ang sarap talaga magbakasyon sa probinsiya!Nakaka-relax.'' Sigaw ni Jerlena habang papasok sila sa bahay para magbanlaw.
Malaki ang bahay na iyon at lahat ng kwarto ay matatagpuan sa pangalawang palapag nito.Dala na rin ng sobrang pagod ay maagang nakatulog ang magbabarkada sa kani-kanilang kwarto.

*******

A/n: Hello! Sorry sa matagal na Update.Medyo busy lang.  :)
3rd Person POV ung ginawa ko sa Chappy na to dahil ito yung kinaya ng utak ko. :)
Dedicate this chapter to my dearest friends:
Kevz,Victors,AteJer,TitaMaui,Edith at Elaine.
And specially kay DanielleAnnGaffud na gumawa ng new cover.Thanks!

******
Labbssssssss    ❤

My Drummer GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon