Chapter 8

46 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising.Ako kasi ang magluluto ng umagahan namin,ito na kasi ang nakasanayan.Ginising ko si Bes Chiki para naman may katulong ako.

"Alam mo bes, feeling ko may tawag ng tawag sa cellphone mo kagabi.'' Sabi ni chiki.Naghihiwa siya ngayon ng manok para sa Chicken Adobo.

''Talaga?Ba't hindi ako nagising?'' Ako naman ay nag-gigisa ng bawang at sibuyas.

"Tulog mantika ka kaya Bes!Nakanganga ka pa nga!Haha'' sabi nito at humalgapak ng tawa.Binatukal ko siya ng takip ng mantika kaya tumigil sa pagtawa.

"Pero walang biro bes, tunog nga ng tunog yung cellphone mo? Na-check mo na ba?'' Seryosong sabi niya.

''Teka nga lang bes kukunin ko yung cellphone sa taas, bantayan mo yung ginigisa ko.'' Dali-dali akong umakyat sa kwarto.Sa dinami-rami ng kwarto,napag-pasyahan naming sa iisang kwarto nalang matulog.Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang inis na mukha ni Victoria.

"Bes yung cellphone mo,ba't kanina pa tunog ng tunog?Infairness ha, daig pa alarm clock ko!'' Sabi ni Victoria at nagpout pa.Tsk.

Agad-agad kung kinuha ang cellphone ko.

21 Missed Calls
50 Text Messages

Tinignan ko muna yung missed calls,lahat galing kay Nikko.

Bakit kaya tumatawag si Nikko?

Sinunod ko na yung messages, halos lahat puro gm from my friends.Then the rest, galing kay Nikko.

From: Nikko

Hey,Lena! Answer the phone!

*******

From: Nikko

Busy? Please answer the phone!

*****

From: Nikko

Lena,yung RedHouse nasunog.I can't contact Jam and Fati.

"O M G !!!!!'' Tili ko ng mabasa yung huling text ni Nikko.

''Oy bes! Makasigaw ha? Feeling mo solo mo yung kwarto mo? Tsk. '' sabi ni Editha na marahil ay nagising sa lakas ng pag-tili niya.

Nagmamadali siyang bumaba para ibalita kay Chiki ang nangyari.Hindi naman makapaniwala ang huli sa kanyang narinig.

''Totoo ba bes? Nako, pano na tayo? San na tayo magpa-practice?'' Nalulungkot na sabi ni Chiki.

''Hindi ko pa alam bes! Siguro tawagan ko na sila Jam at Fati para malaman natin yung gagawin'' Sumang-ayon na din si Chiki.

Si Jam lang ang natawagan nila dahil naka-off ang cellphone ni Fati.Halata rin ang pagka-bigla nito at nanlulumo.Mabuti na lamang at wala doon ang mga gamit nila sa pagtugtog.


My Drummer GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon