Isang linggo.Isang linggo buhat ng makalabas si Milo sa ospital.Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap.Nakakalungkot isipin na isa pa ako sa mga taong nabura sa ala-ala niya.Alam kung pansamantala lamang iyon pero mahirap sa kalagayan ko."Lagi kitang kinukwento kay Milo kaso hindi ka niya talaga maalala." Pagkukwento sa akin ni Caleb.Palabiro siya pero alam kung seryoso siya sa sinasabi niya ngayon.
"Huwag muna lang akong ikwento.I know dadating din yung time na maaalala niya ko." pagdadahilan ko.Siguro nga hindi ako ganoon kahalaga kaya ganun nalang ako kadaling nabura sa ala-ala niya.
Natapos ang maghapon na sobrang nakakatamad.Dumiretso ako sa isang Resto kung nasaan ang mga kabanda ko, may magti-treat daw kasi.Ewan ko ba kung sino?
"Bes!"Narinig ko kaagad ang boses ni chiki.Kahit kailan talaga itong babae na to!
Mukhang kumpleto ang banda dahil nandito si Nikko.
Pumwesto ako sa tabi ni bes at ngayon ko lang napagtanto ang katabing babae ni Nikko.
''Si Zone yan." bulong sa akin ni chiki.
Oh Zone ? Nice name.Tinitigan ko siyang mabuti.Well, she's pretty.Her black hair, pointed nose partner with his white skin give her the total look of snow white.Haha....
"Kasaya mo ata?" napatingin ako kay Fati na tingin ko ay kanina pa ako pinagmamasdan.
"Di naman masyado." sagot ko
Nagpatuloy kaming kumain at ng matapos ay nagkwentuhan.
"Bes, kaano-ano ni Niko si Zone?" kanina ko pa tinitignan ang dalawa na masayang nagkukwentuhan.
"Girlfriend ata? " makahulugan pa niya akong tinignan.Inirapan ko nga.
Madalas lumabas ang banda kaya naman nalilibang din ako kahit papaano.Matagal ng nakalabas ng ospital si Milo at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap.
Lagi akong pumupunta sa building nila at sinisilayan siya buhat sa malayo.Hindi ko siya kayang lapitan dahil alam ko na isang estranghera ang magiging tingin niya sa akin.
Katulad ngayon ay nasa canteen ako ng building nila.Sinisilayan siya habang nakikipagtawan sa mga kaklase niya.
"Oh ano bes? Tara lapitan na natin." lagi iyan ang bukambibig ni chiki everytime na sinasama ko siya dito.Para bang ang dali-daling sabihin para sa kanya.
"Oh tapos pag nilapitan ko siya anong mangyayari?"
"Magpakilala ka sa kanya." simpleng sagot niya.
Naiiling akong tumitig muli kay Milo at nagpakawala ng buntong hininga.
Hindi ako ganito dati.Lalo na kay Niko, kuntento na ako sa pasulyap-sulyap sa kanya at simpleng pag-silay.I never thought na magagawa ko ito para sa isang lalaki.
"Hanggang kailan ka maghihintay bes? " tanong sa akin ni chiki isang araw na sinama ko ulit siya sa building ng engineering.
"Hanggang maka-graduate tayo."
"Tsk.Wag ka namang ganyan bes. Daig mo pa naman jowa niya kung maka-asta."
"I know.But, feeling ko talaga siya na yung para sa akin.Kaya i will take the risk, kahit na masaktan ako." matapang na sagot ko.
"You know what bes? If two of you are meant to be, there's always a way para mag-cross ulit ang landas niyong dalawa." sabi niya ng nakangiti.
May point siya.Kung kami talaga? Kami ang magsasama sa huli.Pero kung, ilusyon ko lang na siya yung nakatadhana sakin, maybe i've been destined with someone else.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Teen FictionShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.