"Kung tayo ay matanda na
Sana ay hindi tayo magbago
Kailan man nasan man
Ikaw ang pangarap ko..." Sinasabayan ko ang kanta sa cellphone ko."Bes, maawa ka naman sa panahon.Kita munang makulimlim tapos pakanta-kanta ka pa." Pagdidiwara sakin ni Chiki.Ang bespren ko.
Kinakanta ko lang naman yung favorite song ko.
"Naman Bes! Bakit ayaw mo ba umulan? Pag-umulan wala tayong pasok." Sagot ko
"Bes, college na tayo.Hindi na tayo Gradeschooler." Sabi niya tapos pumunta na siya sa kwarto niya.
Haiiiy...Nagmamadali akong gumayak at pinatay na yung speaker.
Lagot ako nito late na ko.
Tumatakbo akong lumabas ng bahay at sumakay ng motor.
Tapos sumakay ulit ako ng jeep.Nakakainis, siksikan na nga sumisigaw pa si kuya ng 3 pa kulang.
Seriously,san pa niya pauupuin yung mga sasakay? -___-
7:30 sakto pababa palang ako ng jeep.At kailangan ko pang lumakad-takbo papunta sa building namin.
Buti nalang talaga at naka-flat shoes ako dahil kung hindi baka puro tapilok ang inabot ko.
"Evangelista,Jerlena." Sabi ng prof. ko saktong nasa pintuan ako ng room namin.
"Present ma'am." Sagot ko at dali-daling umupo.Baka masermunan pa ko.
Nagdiscuss lang siya at pagkatapos ay nagpa-quiz.Hanep, buti may nasagot ako.
"Jerlena, wala tayong Finance ngayon.Tara nuod tayo ng Soccer." Pag-aaya ng mga kaibigan ko.
Sumama na din ako dahil wala naman akong gagawin pa.
Marami ng tao ang nanunuod pagdating namin.Kala mo naman Azkals yung naglalaro.
Wala naman akong hilig sa soccer.Kaya nakatingin lang ako sa field.
Nagvibrate yung phone ko kaya hinanap ko.
From : Bes Chiki
Bes yung drumstick mo naiwan mo.Kunin mo nalang sa building namin mamaya.
Tsk.Oo nga pala.May praktis pa naman kami mamaya.Wala akong load kaya di ko siya nireplyan.Tsaka sanay na siyang walang reply mula sakin.
Bespren ko siya since nasa loob kami ng tiyan ng nanay namin.Haha,para na talaga kaming magkapatid.
Btw, I'm Jerlena Evangelista.18 years old.3rd year college.Taking up Bachelor of Business Administration Major in Marketing.
At ang aking Bespren ay si Chiki.Well, nakatira kami sa isang two storey house.Pinasadya namin yung style nun.Kaming dalawa lang ang nakatira dun dahil yung ibang kaibigan namin di ko na alam kung saan napunta.Joke,simula kasi nung nag college kami nagkalayo-layo na kami ng place.Pero may communication pa naman kami sa isa't-isa yun nga lang madalang na kami magkita-kita.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Novela JuvenilShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.