Hindi pa rin maalis sa isip ko iyong pagyaya sa akin ni Milo na mag-lunch at sa tuwing naalala ko yun ay napapangiti nalang ako.
"May topak na ata yung bestfriend mo Chiki kanina pa ngiti ng ngiti mag-isa!"
"Naku Fati , ikaw ba naman kasi ayain mag-lunch ng crush mo hindi ka kaya kiligin?"
"Oh speaking of Milo nandito na pala sila."
Agad dumako ang mata ko sa mga taong papasok sa restaurant.Nagkayayaan kasing mag-dinner after naming mag practice.At dahil excited kami, nauna kaming tatlong babae dito.
Nagsi-upuan na sila, mabuti na lamang at talagang malaki ang lamesa at nagkasya kaming lahat.Katabi ko sa kanan ay si Bes at sa kaliwa ko nama'y si Milo.Para-paraan talaga yung isang ito.
"Nasan nga pala si Niko? Lately hindi na siya umaattend sa mga practice natin sa pagka-kaalam ko wala naman siyang summer class." Saad ni Jam.
Oo nga pala , ang dalang ko ng makita si Niko yung last time ay noong pinahawak niya sa akin ang gitara.Yun yung araw na niyaya ako ni Milo mag-lunch, ibig sabihin isang linggo na siyang di nagpapakita samin.
"Hala , baka naman may problema siya? Itexx niyo kaya minsan." Suhestiyon ko.Concern pa rin naman ako sa kanya though hindi na ako nakakaramdam ng kakaiba sa kanya unlike before.
Umorder na kami at masayang pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain.
"Try this masarap ito." Pag-alok sa akin ni Milo.
Naramdaman ko yung mahinang pagsiko sa akin ni bes.Naku, napaka-tsismosa talaga niya.
"Oh sure!" Tinikman ko yung nilagay niya sa plate ko.
"What can you say?"
"Ang sarap nga!" Sabi ko.Nilagyan niya pa ulit yung plato ko nung hindi ko alam yung tawag sa pagkain na yun.
Nakaramdam na naman ako ng mahinang pagsipa sa paa ko.Marahan kung binalingan si bes at saka pinandilatan ko ng mata.
"Sabi ko nga bes tatahimik na ako." Nangigiti niyang sabi.
"Guys what do you think? Mag-bar tayo after this?" Pagtatanong ni Ashley yung pianista ng banda nila Milo.
"Why not? Mag-saya naman tayo minsan lalo na't bakasyon naman." Pahayag naman nung isa pa.
Kaya ayun ang napagkasunduan magba-bar after kumain.Matapos mabayaran ang bill ay umalis na kami at tumungo sa bar.
"Hoy tara namang sumayaw Jerlena! Baka naman mabutas mo na yung sofa." Pagaaya sakin ni Fati
"Che, ayoko nga! Wala ako sa mood ngayon sumayaw.Ayan si bes nalang isama mo." Itinulak ko si bes papunta kay Fati at nagpunta na sila sa dance floor.
Madami pa naman kami dito sa table namin.Pero ako nalang yung nag-iisang babae.
"Pre ayaw mo talagang sumama?'' Nilingon ko yung mga kasama ko na mukhang pinipilit si Milo na sumama sa kanila.
"Ayoko muna pare." Sagot ni Milo
"Okay sabi mo eh! Sige, hahanap muna kami ng chicks."
Umalis na yung mga kasama ni Milo.So it means, kaming dalawa nalang ni Milo yung nandito.Kanina ko pa pansin, pumaparaan talaga yata yung lalaking ito.
Matagal na katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa.Tanging ang ingay ng music na pinatutugtog ng DJ at sigawan ng mga taong nagsasayaw ang maririnig.
"Drink this." Abot niya sa akin nung isang baso na may lamang kulay pulang likido.
"Alak ba yan?" Tanong ko.Kasi naman hindi talaga ako umiinom ng alak, siguro dati umiinom ako pero ngayon hindi na.
"No, it's cocktail actually." Ininom niya ang laman ng basong nasa kaliwang kamay niya.
Inabot ko na rin ang inaalok niya at matamang tinitigan.Hindi naman sa choosy ako pero malay mo baka may nilagay siyang pampatulog dito.
"Inumin muna yan, wala akong hinalo dyan." Tila ba nababasa niya yung iniisip ko.
Ininom ko na din yung binigay niya at tama siya hindi naman alak iyon.Naka-ilang baso pa ako habang masaya kaming nagkukwentuhan.
"Magkwento ka naman about sa hobby mo?" Tanong niya sakin.
"Eversince talaga hobby ko na yung pagdu-drum.Then naglalaro din ako ng volleyball,nagsasayaw at madalas magbabad sa social media.Ikaw ano naman hilig mo?'' Nakangiti kung sabi sa kanya.Ang gaan gaan talaga ng feeling ko sa kanya.
"Beside sa pagtugtog ng gitara.I usually do skate boarding." Sagot niya
"Skate boarding? Marunong ka mag-ganun?" Mangha-mangha kung tanong.
"Kasasabi ko lang diba?"
"Gusto ko itry yun kaso wala naman magtuturo sakin." Matagal ko na talaga gusto mag skate board kaso wala naman magtuturo sa akin at isa pa ayaw naman ako samahan ni bes.
"Gusto mo turuan kita?" Alok niya
"Talaga? Oy wala ng bawian yan huh?" Excited na sabi ko.Sa wakas matututo na rin akong mag skate board.
Tumawa lang siya ng bahagya.Tapos ayun na naman yung pakiramdam ko na parang kaming dalawa lang yung nage-exist dito sa bar.Pinilig ko nalang yung ulo ko, kung ano-ano naiisip ko.Marahil ay dala lamang ito ng ininom ko na cocktail masyadong marami na rin kasi akong nainom.Mukhang masama yata ang epekto ng cocktail pag naparami.Tama, sa susunod hindi na talaga ko iinom baka hindi lang imahinasyon ko ang maepektuhan kundi pati yung pag-iisip at puso ko.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Teen FictionShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.