Ilang araw nalang at malapit na ang bakasyon.Ibig sabihin finals na.
"Bes,anong oras uwi mo mamaya?" Tanong sakin ni Chiki na nagkukulot ng buhok.
"Wala kaming klase ngayon." Walang gana kung sagot.
Buti nalang talaga at wala kaming klase ngayon para naman maka-pagreview ako ng maayos.
"Libot tayo mamaya, may bagong bukas daw na Street Foods Bazzare."
"Talaga? Sige Bes!"
Pumasok na ko sa kwarto ko at nagsimula ng mag-review.Inuna ko yung Psychology ko na sandamakmak yung kailangang ireview.Puro theories at mga tao.
Hindi ko na pansin kung ilang oras na ba yung naubos ko sa Psychology, sinunod ko yung Accounting namin.Actually, hindi naman siya mahirap but nakakalito lang talaga minsan yung mga formulas.
Napagpasyahan kung kumuha muna ng Chocolate sa Ref. pampatanggal lang ng stress.
"I don't mind spending everyday
Out on your corner in the pouring rain
Look for the boy with the broken smile
Ask him if he wants to stay a while
And he will be loved.....Kumakanta na naman pala si Bes.Kumuha nako ng toblerone at kisses at pabalik nako ng harangin ako ni Chiki.
"Bes, LSS ako sa kantang She will be love." Sabi niya sabay dukot ng kisses.Tsk.
Naiiling akong pumasok ng kwarto at narinig ko pang kinakanta na naman ni bes yung She will be love.
Hindi ko maiwasang ngumiti.Naalala ko na naman kasi yung nangyari sa Luneta.Naku,kung alam niyo lang!
Kung alam niyo lang na after naming kumanta ay umalis na siya!Oo si Milo!Umalis siya agad,nakakainis diba?
Kinabukasan nga nagtanong pako kay Caleb kung may naikwento ba yung pinsan niya about sa nangyari sa Luneta pero wala naman daw.Kinikilig pa naman ako nun,tapos siya wala man lang pakiramdam? Haiyyyy...
Bandang alas-kwatro ng hapon ng mag-aya si Chiki na mag-foodtrip.
"Tinexx ko sila Fati na sumama sating mag-foodtrip.'' Wika ni chiki habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng Jeep.
''Talaga? Ano reply?" Excited na tanong ko.Syempre kung sasama sila malamang kasama si Niko.
"Oo daw.Sunod nalang daw sila."
Sumakay kami ng Jeep at maya-maya pa'y nakarating na din kami sa lugar na sinasabi ni Chiki.
Tama nga siya.Lahat ng stall puro street foods yung tinda.Wow naman!Mukhang ubos pera na naman yung mangyayari sakin nito.
Bumili agad kami ni Bes ng Fishballs at umupo sa may bench na nakaharap sa Manila Bay.Talking about perfect view.
Infairness,ang tagal nila ha!Nagkwentuhan nalang tuloy kami ng kung ano-ano ni Chiki.
"Bes, naalala mo pa ba nung bata tayo? Yung nagjo-jogging tayo nila Elena tapos naka-black shoes tayo kaya lagi tayong hinahabol ng aso,hahahaha." pagkukwento ni Bes.
Tandang-tanda ko pa yun syempre!Pwede ko bang makalimutan yun?
" Oo nga bes! Tapos yung nag-suot ako ng bra ni Mama tapos nakita ko nung lalake,hahaha.Nakakahiya talaga nun! '' sabi ko naman.
Grabe!Isa ata yun sa hinding-hindi ko makakalimutan.
''Hey! Nandito lang pala kayo.Kanina ko pa kayo hinahanap.By the way, nasan sila Fati?'' Tanong ng kadadating lang na si Niko.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Teen FictionShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.