"Waaah!!! Ayoko na!! " Urrrg! Ayoko na talaga mag-skate boarding.Nakakainis!"Just balance yourself Jer." Paulit-ulit nalang yang sinasabi ni Milo sakin.Palagi kasi akong natutumba kahit inaalalayan naman niya ko.
"Huwag nalang kaya Milo.Hindi ko talaga kayang mag-balance e." pangungulit ko.
"Just try again, okay?"
Instead of trying again I just sat at the side corner of the road.Wala naman masyadong dumadaan ditong sasakyan kaya okay lang.
"Your tired, aren't you?''
I just smiled and answer "Not really.Pwede ba tayong mag-mall after this?"
"Yeah sure." Matipid na sagot niya
After a half hour break, we headed together to mall.Medyo maraming tao dahil malapit na ring magpasukan.
"Kain muna tayo? I'll treat you para naman makabawi ako sa pagtuturo mo sa akin kanina." pagyaya ko
Yes, ako ng mapera.Kahit na hindi pa ako pinadadalan ng allowance nila Mama,minsan lang naman to.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa escalator ng may mataman akong pamilyar na pigura.Teka, para siyang si Nikko.Pero ba't may kasama siyang babae?Sino kaya yun?
Tinitigan ko pa sila at mukhang ang sweet sweet nila.Ang sayang tignan ni Nikko, yung ngiti niya halata mong totoong totoo.
Ang sakit!
Teka, saan nanggaling yun? Diba si Milo yung gusto ko, bakit parang may kirot?Dapat nga masaya ko kasi diba masaya si Nikko.
"A penny for your thoughts."
Ayy, kasama ko nga pala si Milo.I just gave him awkward smile.
~~~~~
Nagsimula na ulit ang pasukan.Yes, graduating student na ang lola niyo!Nakaka-kaba at nakaka-excite,malapit ko ng makuha yung diplomang matagal ko ng gusto.Nandito ako sa room namin ngayon at nagpapalipas ng oras.
"Bes!"
Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Chiki.Ano na naman kayang kailangan nito?
"Bakit bes?"
"Do you heard the news?"
"Anong balita?"
"Naaksidente daw si Milo."
Pagkarinig ko ng mga katagang iyon parang tumigil yung mundo ko.Kinilabutan ako at nabalot ng kaba.Agad na hinanap ng paningin ko si Caleb, pero wala siya.
"Hoy bes, okay ka lang ba? Gusto mo puntahan natin siya?"
Pumunta na kami ni bes sa ospital kung saan naka-confine si Milo.Tinawagan ko muna si Caleb kung totoo ba yung balita at nakompirma nga namin.Tinanong ko rin kung saang ospital ba nila dinala si Milo.Pagdating namin doo'y si Caleb at ang ate niya lang ang nandoon.
"How's he?" bungad na tanong ko kay Caleb
"He's in comma right now.Pero sabi ng doktor, gigising din siya after couple of days or a week.And there's a possibility that he would have a short term amnesia."
Natulala ako sa sinabi ni Caleb, samantalang yung ate niya ay patuloy lang sa pag-iyak.Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kung maging reaksyon.Hahagulgol ba ako o tatahimik nalang?
Makalipas ang isang oras ay dumating na rin ang mommy ni Milo.His dad passed away when he was eight.Agad siyang naiyak ng makita ang kalagayan ng anak niya.Napag-pasyahan na din namin ni Chiki na umuwi dahil may gagawin pa kaming school projects.
BINABASA MO ANG
My Drummer Girl
Novela JuvenilShe was just an ordinary girl.Who really loves to drum.She's in a band back then. And she's my drummer girl.