Tinta - II -

11 2 0
                                    

Bata pa lamang ako ay mahilig na ako mag sulat ng mga kwento at ibang ibang mga tula, bukod sa pag gawa ng mga liriko ng kanta ay minsan nagawa din ako ng mga tula at parabula.

Naging usap usapan na sa aming paaralan ang isang multo o kakaibang elemento na ayon sa mga nakasaksi na at nakakita. Ay tila isang malaking anino na meron katawang natutulad din sa isang tao.

Madalas daw ito mag pakita sa mga estudyante kapag patanghali na at mag aagaw dilim. Ang sino man makakita dito ay nawawala sa kanyang sarili meron din iilang kaso ang syang naitala sa mga pagpapakita ng anino at pangugulo nito sa mga biktima nito.

Isa na dito ang naging kaklase ko, matalino, mabait at mahiyain ganyan ko sya mailalarawan. Mga tanghali noon ng nag paalam ito sa aming guro na lalabas saglit at meron lang kukunin na agad naman siyang pinayagan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig kami ng sigaw mula sa labas at sa kalagitnaan ng pagtuturo ng aming guro agad napahinto. Bakas ang takot sa mukha niya mula sa kanyang mga nasaksihan, Ang kanina lamang na aming kaklase na maayos nag paalam.

Ay na sa gitna ng initan ng araw dilat ang mga mata at lumuluha ng dugo, meron siyang sinusulat sa isang pader gamit mismo ang kanyang dugo mula sa kanyang mga daliri na halos mapudpod na dahil ito ang ginagamit niyang panulat.

Ako man ay di makapaniwala sa aking mga nasaksihan ngunit ang umagaw sa aking atensyon ay ang sinasabi nilang anino. Nakita ko ang anino kung paano niya kontrolin ang aking kaklase, nakita ko din kung paano niya pilit ibinuka ng malaki ang bibig ng aking kaklase hangang sa ito ay mapunit at ikinagimbal ng lahat
wala ng buhay ngunit naglalakad pa at patuloy ito sa pagtawa pero hindi boses nya ang maririnig mo, Umikot ng pa ilang beses ang ulo nya at pag hinto nito ay sa kung na saan ako agaran nya akong tinakbo papalapit napasigaw ako at nahimatay yan na lamang ang huling naalala ko.

Masasabi ko na isa iyong matinding bangungot ng nakaraan na dinala ko ng mahabang panahon. Ngunit habang ang iba ay nagising na ako naman ay hindi pa.

Sobrang laki ng pinagbago ng takbo ng buhay ko pag tapos ng insedenteng aking nasaksihan. Ngayon ay hindi na ako maaring hindi magsulat ng nga kwento trenta minuto lamang ang aking pahinga mula sa pag susulat.

Isa ako sa mga magagaling na author ng bansa. Ngunit ito ay hindi ko ikinatutuwa sinabi ko ang tunay na kwento ngunit walang naniniwala isa lamang daw ito sa mga gawang kasaysayan ko na isunusulat.

Sinusundan ako ng anino ang anino ng nakaraan eto lamang ang nahanap ko na paraan para hindi niya ako masaktan. Hindi ako pwedeng maubusan ng Tinta at ideya dahil ito ang ikapapahamak ko.

-END

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon