Tinta

24 3 0
                                    

Tinta

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin ng umakyat ako sa etablado. Mga nagkikislapan ilaw mula sa kamera ng bawat naroroon lahat nag aatay ng pagkakataon para mapirmahan ko ang mga libro na kanilang dala.-"

Mam, idol ko kayo gusto ko talaga yung mga sinulat mo"ahh.. napakasarap sa tenga yung mga papuri sayo ng mga tao na di kaya matumbasan ng kahit ano. Pero praktikal pa rin naman ako kahit paano pinagkakakitaan ko yung propesyon ko bilang isang horror novel artist.-Mahaba pa ang pila at marami pa ang gusto mag pa pirma. Pero nakaramdam na rin ako ng pagod sabi ko sa sarili ko"Ok mga sampu na lang magpapahinga ako saglit"hangang sa napansin ko yung pang anim na babae mula sa likuran nakatungo lamang ito at di naimik "Tss!! wala yata sa sarili si ate" sabi ko pa.-Habang palapit ng palapit sa pila yung babae na naka agaw ng pansin ko. Nakakaramdam ako ng kakaibang kilabot nag tatayuan yung balahibo ko pero di ko maipaliwanag kung bakit. Dahil siguro sa pagod lang. 

Bawat stroke ko ng aking pirma sa mga libro nakakarinig ako ng mahinang iyak na parang malapit lamang sa aking tenga medyo napapa iling ako kase baka my kung ano lang.-Pang apat na at isang tao na lang ang namamagitan sa amin ng weird na babae na nasa pang anim na pila. Pumirma ulit ako at habang ginagawa ko ito lalong tumitindi ang kilabot ko dinagdagan pa ito ng mga pag iyak na naririnig ko.

--- II --

Humawak ako ng bahagya sa aking uluhan sabay huminga ng malalim. Di ko naiintindihan kung bakit ito nangyayari sa akin,Natapos ko na ang panglima mula sa pila at yung pang anim na babae nakatungo lamang ang ulo ko habang inaantay ang pang anim na babae na ilapag niya ang kanyang libro na lalagyan ko ng pirma.-Hindi ako makatingin sa kanya na parang meron pwersa na pumipigil para tignan ko siya. Pinatong niya ang kanyang dalawang kamay sa aking lamesa at labis ko itong kinabigla dahil sa aking mga nakita.-Marumi ang kanyang kamay na animoy parang mga kamay ng isang tao na pinilit iniangat ang sarili at hinukay pataas para makawala mula sa isang malalim na pagkakalibing sa lupa.-Naririnig ko ang langitngit ng kanyang mga daliri dahil sa pagkaka diin ng kamay niya mula sa aking mesa. Bumabaon ito at gumagawa ng mga bakas parang isang kalmot ng pusa sa aking paningin at bawat tunog nito ay nakakapag pataas ng aking balahibo.

-Napalunok ako ng ilang beses kahit walang laway nanginginig ang aking mga kamay at buong katawan mula sa aking kinauupuan, Nanatili lamang ako na nakayuko pero naaninag ko mula sa aninong nanggagaling sa ilaw na unti unti nyang nilalapit ang kanyang ulo mula sa akin.-Mahinang hagulhol ng iyak ang bumabasag sa aking pangdinig napabagal ng oras at nakita ko rin mula sa aking baso na ang laman nito ay unti unting nagiging kulay itim. Pigilan ko man ang aking sarili at umangat ang aking ulo at mula sa aking pagkaka upo-Nakita ko ang kanyang mukha walang mababakas na emosyon mula dito pero ramdam ko ang labis na takot dahil walang akong mata na maaninag mula sa kanyang mukha. Iniangat nito ang kanyang kamay at hinawakan ang aking pisngi napakalamig nito.At bigla na lamang nag dilim ang aking paningin..

---- III --

Nagising na lamang ako sa isang kwarto ng ospital, Nilibot ko ang aking paningin meron ako nakitang babae na nakatayo mula sa bintana. Kahit naka talikod ito kilala ko ang hubog ng katawan nito ito ay ang aking mama-Pasamantalang napawi ang aking kaba at labis na pag aalala ng dahil sa nangyari kanina. Napapapikit pa ako ng bahagya at sa sabay bumaling ako patigilid mula sa bintana wala na doon si mama. At napansin ko na lamang na bumibigat ang kabilang bahagi ng aking hinihigaan, Palatandaan na meron nais umupo sa aking tabi.-"Naku Ma, buti na lang nandito kayo sobrang pagod ko kanina"-Kahit ang dami ko ng sinasabi di siya nag sasalita, bumuwelo ako at patigilid na tumayo balak ko siya yakapin ng pabigla habang nakatalikod siya. Ngunit bago ko pa siya mayakap ay may boses na tumawag sa akin, naka agaw ito ng aking pansin.-"Anak!! dyosko anong nangyare sayo!?"-Namutla ako sa nakita ko si mama iyon at labis itong nag aalala-"Pasensya ka na anak ngayon lang naka punta nasira kase ang sinasakyan namin kaya na abala pa kami"-Sabay yakap nito sa akin ....Pero ang yakap na ito ay unti unting humihigpit at mula sa mahinang boses naririnig ko ang pag iyak isang pag iyak na puno ng hirap at pasakit.-Kakaiba ito dahil ang iyak na ito ay hindi galing sa isang tao kundi sa isang sumakabilang buhay na. Bumitaw siya sa kanyang pagkakayakap sa akin at dahan dahan iniharap ang kanyang mukha. Tulad ng babae na nakita ko sa event wala itong mga mata-Nakabig ko si mama palayo mula sa akin."Anak ok ka lang ba?"-Ahh.. mama? ngayon lang kayo nakarating?-"Oo bakit anak, ano ba kase nangyare sayo?"-Sinabi ko na nakita ko siya na nakatayo mula sa bintana kanina pero mariin na sanabi nya na hindi siya iyon at kakarating lamang niya ng makita ko siya. Hindi ko na sinabi ang huli kung nakita bago kami mag usap...

-- IV --

Ilang oras lang din ay lumabas na kami mula sa hospital na iyon. Naging balita agad sa social media at ilang programa sa television ang nangyare sa akin sa autograph signing event ko. Hinimatay pala ako, At ang alam ng mga tao ay dahil sa pagod lamang mas mabuti na yon kase kung sasabihin ko pa yung totoo walang maniniwala sa akin.-Pagkadating pa lang sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nag ayos ng konting gamit kumuha ng ballpen at papel nagbabalak na sumulat ulit ng panibagong kwento.-Ngunit di pa ako nakakapag simula ay nabalot na ng malamig na hangin ang aking buong kwarto. Naririnig ko na naman ang pag iyak di ko ito mawalang bahala dahil nakakatorete sa utak, Ipit ang aking boses pilitin ko man sumigaw at magmaka awa ay walang kahit anong gawin ko di ako maka alis mula sa aking pinagkaka upuan.-Mula sa aking kanang kamay na ginagamit ko pangsulat ay animoy meron isang pang kamay na gumagapang palabas mula dito. Ilan segundo pa ay kontrolado na nito ang dalawang kamay para itong gabay sa isang bata na hindi marunong mag sulat.-Nakikita ko na din sa akin peripheral vision ang mukha, Mukhang ng isang babae. 

Sa isang palinyang guhit unti unting dumilat ang kanyang mga mata habang naka patong sa balikat ko ang malamig nyang ulo.

-Sa isang garalgal na tinig at malalim na tono nagsalita na ito."Meron na ako na isip na bagong kwento, at gusto ko ikaw ang sumulat nito" Unti unti ng pumatak mula sa mga mata ko ang luha pero hindi ito luha na katulad sa iba.

-Kakulay ito ng tinta, tinta na ginagamit namin noon sa pagsulat ng mga kwento. Tinta ng mga luha mula sa akda na hindi naman talaga ako ang gumawa, 

Tinta na mula talaga sa aking bulag na kakambal na pumanaw na at imbes na sa kanya ang patimpalak at mga papuri ay ako ang nagnanakaw.-Sa madaling salita sa kanya galing ang ideya at ako ang nagsusulat ngayon ay hindi ako maka alis sa galit niya. Lingid sa kaalaman ng iba ay sa ganito lamang umiikot ang buhay ko. Na sa loob ng kwarto nagsusulat ng kwento at naging bilanggo mula sa mga ideya at tinta ng kakambal ko...

- END -

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon