Dear Diary

27 4 0
                                    

Dear diary

"Horror/Mystery

#PHS_Player

0105:05am Dec 20, 2016 Tuesday.
Dear diary,
Sobrang nagpapasalamat talaga ako kase this upcoming xmas ay sawakas makakapag bakasyon na rin kami ng pamilya ko.
Ako, sila mama at papa at ang isang makulit na pinsan ko at syempre ang pasaway ko na kapatid. Di talaga kami magkasundo pero yung mga na karaan araw lang biglang siyang naging mabait sa akin di na niya ako inaaway basta ang bait na talaga niya haha 😉

----7:30pm Dec 21, 2016 Wednesday.
Dear diary,
Umalis kami ni Bianca (Kapatid ko) nakakagago talaga kase gabi na nun tas hindi pa kami nag paalam kila mama at papa nag aalala daw sila kung saan kami nag punta. Mahirap daw mag gala kapag na sa ibang lugar ka sabi nila lalo pa at medyo malayo sa sibilisasyon yungpinuntahan namin para mag bakasyon.
Tinanong ako ni papa kung saan ako nag punta ang sabi ko naglakad lakad lang kasama si Bianca pag tapos ko sabihin yun di na sila umimik pati pinsan ko nanahimik na rin napatingin lang ako kay Bianca sabay napangiti

----11:00pm Dec 21, 2016 Wednesday.
Dear diary,
Hindi pa talaga ako makatulog kasama ko yung kapatid ko sa kwartomagkatabi kami sa higaan, Panay ang kwento ko sa kanya pero panay tango lang naman siya sa akin habang naka higa ng nkatalikod sa akin.
Meron ako mga tinatanong sa kanya ayaw naman niya sumagot ng maayos. Naiinis talaga ako dahil kahit sarado yung bintana dito sa kwarto sobrang lamig pa rin sa pakiramdam ko pasensya ka na diary kase di pa talaga ako inaantok kaya sinusulat ko na lang lahat dito. 

----03:00am Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagising ako ng ganitong oras at si Bianca wala na siya sa tabi ko. Ang loka saan na naman kaya nag punta yun din yung isang ayaw ko sa kanya naalis ng di nag papaaalam at hindi pa ako sinasama.
Naglibot ako sa bahay para hanapin siya pero walang Bianca ako na nakita

----3:30am Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
F***! hindi ko talaga alam kung ano yung nakita ko kanina pag pasok ko sa kwarto namin. Akala ko nandun na si Bianca na nakahiga at nakatalukbong ng kumot, Bibiruin ko sana at hahablutin yung kumot niya pero hindi siya ang nakita ko.
Kundi nakita ko ang sarili ko na nakahiga at natutulog sa kama i mean what the F****! sarili ko yung nakita ko na natutulog! nandito ako ngayon sa maliit na bodega namin na imbakan ng pagkain ayaw ko muna bumalik sa kwarto hanggat di na uumaga.

----10:30am Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
Sinubukan ko mag kwento kila mama tungkol sa nangyari sa akin ng madaling araw ng alas tres imedya. Pero ayaw nila maniwala sa akinmahilig daw kase ako manood ng mga horror movies kaya kung ano ano naiisip ko. Baka nga naman guni guni ko lang ang lahat, At kanina nga pala habang nakain kami ng tanghalian natabig ko yungJuice sa baso ko at nahulog sa mesa. Pero pag tingin ko para pulutinnandun yung baso wala naman yung mantsa ng juice walang juice na natapon? ang alam ko talaga meron laman yun ininuman ko pa nga bago mahulog.

----2:25pm Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
Dito ako ngayon sa may bandang kusina naka upo habang sila mama at papa naman na sa may sala kasama sila Bianca at Pinsan ko.Naka upo lang sila dun wala silang imik di nag sasalita o nagawa ng ingay. Baka meron silang nilalaro na board game kaya pinabayaan ko na lang muna, Biglang may kung anong bagay ang dumampi sa tenga ko at napalingon ako ng napansin ko na wala naman ako makita kung ano yun bumalik ako sa pagkakatingin sa sala kung saan nandun sila kanina pero ngayon biglang nawala nparang bula.
----5:00pm Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary, Kanina pa sila wala dito sa bahay hindi ko alam kung saan sila nag punta di ko din sila ma contact dahil sa hina ng signal dito. Punyetang buhay ito naiinis na talaga ako,
Mag isa lang ako sa kwarto madalas meron ako naririnig na mga yabag ng paa papunta sa kwarto ko pero kapag bubuksan ko naman angang pinto wala naman tao pinag tritripan yata ako ng kapatid ko at pinsan.

----8:00pm Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
Naka idlip na pala ako sa paghihintay sa wakas nandito na sila.
Kunyari galit ako sa kanila pero tumatawa lang sila habang nag aasikaso ng hapunan ayaw nila ako imikin abala sila masyado parang di nila ako nakikita sa paligid. Pinabayaan ko na lang naabutan ko si Bianca sa kwarto namin nagsusuklay siya at meron siyang tinanong sa akin kinilabutan ako at nabigla nabitawan ko yung ballpen ko kanina at mamutla ako sa narinig ko.
Hindi maaring makapag salita si Bianca dahil meron siyang kapansan sa pananalita kung tatangunin siya dun lamang siya tatango bilang tugon sa iyo.

----11:00pm Dec 22, 2016 Thursday.
Dear diary,
Marami ng nangyari na di maganda nitong mga nakalipas na oras.Kakaiba na ang mga kinikilos ng tao dito sa bahay kanina nakatayo lang silang lahat sa may pintuan, tinatanong ko kung ano ginagawa nila dun pero di sila nasagot sa sobrang inis ko tinapik ko si mama pero pag harap niya sa akin wala siyang mukha.
Napatakbo ako sa sala at nandun yung pinsan ko na sa pagkakatanda ko nakita ko lang dun kanina, Patay yung ilaw sa kusina liwanag lang buwan pero aninag ko na pinsan ko yun dahil sa damit na suot niya. Nag aalangan ako na lumapit... hanggang siya na mismo ang humakbang palapit sa akin at kitang kita maliwanag pa sa liwanag ng buwan naglalakad siya papalapit sa akin pero walang ulo sa katawan.

-2-7:18am Dec 23, 2016 Friday.
Dear diary,
8hrs na ako walang tulog nandito ako ngayon sa basement ng bahay natatakot ako lumabas para silipin kung anong nangyayari sa kanila,
hindi ko maipalinawag habang sinusulat ko ito nanginginig pa rin ang kamay ko sa takot.
Sinara ko ng mabuti ang pintuan para makasiguro ako na di sila makakapasok dito, Bandang alas tres ulit ng madaling araw kanina pag tapos ko makita yung pinsan ko na walang ulo na papalapit sa akin nakatakbo pa ako at nakita ko si mama.
Hinawakan niya yung kamay ko at sabi niya magtago daw kami taranta ako ng mga oras na yon... sa cabinet kami unang nagtago ni mama dahil malaki yun kasya kaming dalawa naaiyak ako sa sobrang takot hawak ko pa rin ang kamay ni mama tinanong ko siya ng pabulong kung ano yun pero wala siyang kibo.,
basta ang alam ko kasama ko siya mag tago sapat na dahilan para mabawasan ng konti ang kaba ko.
Pero nagkamali pala ako hawak ko ang isang kamay ni mama habang takip naman niya ang bibig ko pero kinilabutan ako ng meron pang ibang kamay na naka hawak sa baywang ko dun sa loob ng malaking cabinet dahan dahan ako tumingin nun kay mama...tanda ko at di ko malilimutan hindi si mama ang babaeng nakita ko kundi nakita ko ang sarili ko oo ang sarili ko mismo lumuluha ng dugo at nakatingin sa mga mata naguguluhan ako sa mga nangyayari sa akin at sa loob ng bahay na ito gusto ko ng maka alis dito..pero paano sinubukan ko kanina yung pintuan pero ayaw mag bukas kaya dito ako nagtago sa basement habang papasok ako dito kanina pag bukas na pag bukas ko ng pintuan nakita ko si papa na nakadikit sa pintuan pero wala siyang mga mata blangko lamang ito at ang ngiti niya na abot tainga na meron matatalas na ipin ang lalong nagpakaba sa akin.
Ayaw ko sana dito dumertso pero wala na ako magawa kung babalik pa ako para maghanap ng ibang pagtataguan nakaharang sa dadaanan ko pabalik ang pinsan ko na pugot ang ulo.

----7:25am Dec 23, 2016 Friday.
Dear diary,
Meroooaan mga paasndeiejjs....(Oh F***! nanginginig kung kamay ko di ako makapag sulat ng maayos)Meron mga paang nakalutang kitang kita ko habang nandito ako sa ilalim ng sirang papag dahan dahan silang lumalapit papunta sa pwesto ko tinatawag nila ako
....kahit medyo malayo pa sila sa pwesto ko yung mga boses nila parang bumubulong lang malapit sa aking tainga.

-3-7:45am Dec 23, 2016 Friday.
Wala na ako magagawa ilang segundo na lang makukuha na nila ako.Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin hindi ko maipaliwanag yung nangyayari dito, sa akin at sa amin...
Habang sinusulat ko ito meron ng mga mamalamig na kamay na nakahawak sa akin at meron na ako nararamdaman na hinihila na ako hindi ang katawan ko pero ang kaluluwa ko
...Kaya't kung sino man ang makakabasa ng diary na ito maaring wala na ako sa mga oras na ito pero gusto ko sana mai alis nyo ako sa kung na saan man ako ngayon pakiusap at nag makaka awa ako ...

----"Kuya!! nandito ka lang pala sa basement hah! tawag ka ni mama dun sa taas
"- Oo susunod na ako sabihin mo"Kuya ano yan binabasa mo?"
- Ahh... eto diary Nakita ko lang kanina di ko alam kung sino may ari baka yung unang nag bakasyon naiwan yata."Patingin ako dali na tas pabasa ng nakasulat"
- oh ayan (inabot ang diary) akyat na ako sa taas sumunod ka na lang tsaka nakatakot yan diary na yan ang weird ng mga nakasulat.
Habang binabasa ko yan kanina pakiramdam ko may lumalapit sa likuran ko
"Sige kuya pabasa ako mukhang maganda eh"
Hmm.. sige nga basahin ko nga kung ano mga nakasulat dito.

-----Habang binabasa pa lang niya ang unang pahina ng diary, hindi niya napapansin na sa bandang likuran niya nandoon ang may ari at sumulat nito walang mga mata at wala na rin mga kamay nakalutang sa hangin at dahan dahan lumalapit para humingi ng tulong.

Wakas! 😴

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon