Kapalaran

7 2 0
                                    

"Mag madali ka anak bilisan lang natin ang pagtakbo at wag ka ng lumingon pa"

Sambit sa akin ni inay na kanina pa pagod na pagod sa walang tigil namin pagtakbo patungo sa pinaka masukal na kagubatan, sugatan na aming mga paa puro gasgas at galos ang ilang bahagin ng katawan.

Kahit na di ako lumingon ay naririnig ko ang ingay ng mga humahabol sa amin. Iisa lamang ang gusto nila at di nila kami titigilan hanggat hindi kami napapatay.

Sa aking pagkaka tansya ay malapit ng sumapit ang dilim. Marahil mas delikado kung sasapitin kami ng dilim sa masukal na kagubatan.

Sa aking murang isipan ay nasaksihan ko kung paano pasukin ng mga kakaibang nilalang na ngayon ko lamang nakita ang lugar, nakatira kami sa malayong kabundukan ngunit sa di malamang dahilan ay nahanapan pa rin nila kami.

Walang awa nilang pinagpapatay ang aking mga kaibigan, kamag anak ang at ang aking tatay. Animoy isa silang grupo ng hayop na sabik sa laman.

Bawat maabutan nila ay agad na ginigilitan ng leeg at minsan ko din nakita kung paano nila balatan ng buhay ang aking isang kababata.

Nagtakbuhan ang iba patungo sa kagubatan ngunit ang iba sa aming mga kasamahan ay hindi pinalad na makalayo, Sinubukan lumaban ngunit kulang ang kakayahan ng aking mga magulang at kalugar para ipagtanggol ang sarili laban sa mga sandatang hindi namin nakikita kung saan tatama.

"Inay, hangang kailan tayo tatakbo papalayo napapagod na po ako at gutom na gutom na" Panandaliang bumagal ang aming pagtakbo, habang hawak niya ang aking kamay ay tumingin siya sa langit na malapit na kainin ng dilim.

Lumuhod siya sa akin at sinabing "Kahit anong mangyari, wag ka aalis dito sa malaking puno, kahit anong marinig mo ay wag kang matatakot. Babalikan kita at kung sakali man na hindi ay wag ka parin aalis dahil meron magpupunta dito para sagipin ka" sabay hinalikan niya ako sa noo. At ako naman ay sinunod lamang ang ipinag bilin sa akin.

Naglakad ang aking inay patungo sa dereksyon na mga nilalang na humahabol sa amin. Sakto ang pagkagat ng dilim ay nakarinig ako ng isang nakakabinging sigaw na umalingawngaw sa gitna ng kagubatan.

Walang katapusan ingay ang aking naririnig, ngunit ang mga boses ay nanggagaling sa mga humahabol sa amin. Hindi ako mapakali at di ko matiis na hindi makita kung ano ang nangyayari.

Tumayo ako at sumilip sa di kalayuan. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko, isang di maipaliwanag na nilalang ang tumambad sa akin, Mas higit na malaki ito kaysa sa mga nilalang na humahabol sa amin. Mas mabangis at nakakatakot meron malalaking pangil at matatalas na kuko ang bawat madaanan nito ay tila ba isang dahon na nahahati ng malakas na hangin.

Tumigil ang mga ingay at sigawan sa kagubatan. Nagkalat ang mga hatihating katawan at dugo na nagtalsikan sa katawan ng mga puno. Nakaramdam ako ng takot na ang akala ko ay hindi na mahihigitan pa.

Lumapit sa akin ang kakaibang nilalang na ito. Hindi ako makagalaw at walang boses na lumalabas sa bibig ko, napaiyak na lamang ako. Ngunit ang kaninang mabangis na hayop sa aking harapan ay unti unting umamo ang mukha at napalitan ng isang ngiti na kailanman ay hindi ko makakalimutan.

Ngiti iyon ng aking ina at hindi ako maaring magkamali. Ng bumalik ang katawan niya sa dati nitong postura ay agad ko siyang niyakap, at ganun din naman siya sa akin.

"Inay ano po ba ang nangyayari, sino ba sila at bakit naging nakakatakot na nilalang ka kanina" Tanong mula sa aking murang isipan.

"Anak, sila ang mga tao at ang lahi nila ay mapanira, malulupit at mapang wasak! meron tayong pupuntahan dito sa gitna ng kagubatan. At balang araw maiintindihan mo din ang iyong kapalaran."

-END

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon