Bathroom

48 5 0
                                    

"Bathroom"

#PHS_Player01

- Horror-

Tanghali noon at sa kainitan ng panahon kakauwi pa lang namin ng klasmeyt ko galing sa isang summer class. Nag pasya muna kaming dalawa na sa kanila tumuloy at balak mag palipas oras, Maalinsangan ang buong paligid kahit sa loob ng bahay nila at dahil may dala naman ako na extrang damit nag paalam ako na makikiligo muna.-Dati na rin ako napunta sa kanila kaya naman masasabi ko na kabisado ko na ang buong paligid ng bahay nila. Ngunit meron palang isang bagay na di ko inaasahan mangyayari. Madalas niya ikwento sa amin sa meron daw multo o kakaibang bagay na nangyayari sa bathroom nila pero wala na ako paki alam doon sobrang naalibadbadbaran sa init ng panahon at gusto ko talaga makiligo muna.

-Isang kwarto ang laki ng bathroom dahil nga sa mayaman sila at may sinasabing pamilya natural na magkaroon sila ng ganun kalaking kubeta sa loob ng bahay. Pag pasok ko pa lang sa pintuan ay nakaramdam na ako ng kakaibang lamig sa paligid "Kahit kubeta pwede mag aircon?" pabiro ko pang sabi sa sarili ko, binuksan ko na ang shower at pagtama ng tubig sa katawan ko ay nakaramdam ako ng ginhawa sa aking sarili hindi ko minadali ang sarili ko gusto ko ma enjoy ang paliligo. Hanggang sa parang meron biglang humawak sa akin balikat nagulat ako at napatingin, Ngunit wala naman tao sa aking likuran.-Winalang bahala ko muna iyon habang tumatagal ay dumadalas ang pagpaparamdam sa loob ng bathroom na iyon. Meron parang bumubulong sa aking tainga na animoy sumasabay sa bawat agos ng tubig mula sa shower. At napansin ko pa na may nakatayo na tao sa repleksyon ng salamin sa loob ng bathroom wala itong mukha doon na ako nakaramdam ng takot. 

Nagmadali na ako sa pagsasabon ng aking katawan at dahil sa kamamadali ko nalagyan ng sabon ang aking mata. -Tumigil ang paglabas ng tubig sa shower pag minamalas ka nga naman buti na lang at meron naka reserbang tubig sa timba. 

Sapat na iyon para makapag banlaw at makalabas sa loob ng bathroom. At dahil nga meron sabon ang aking mga mata nakapikit ako at pilit kinakapa kung na saan ang tabo natataranta na rin ako pakiramdam ko meron mga mata nakatingin sa akin.-Sa wakas nahawakan ko na din ang timba at sa tantya ko na sa loob din nito ang tabo na hinahanap ko. Pagkapa ko sa loob nito ay hindi ito ang inaasahan ko na mahahawakan ko, hugis pabilog ito, at ng kinapa ko ng mabuti ay meron mga buhok may pares ng mga mata at tainga ilong at bibig. May pugot na ulo sa loob ng timba

-Ayaw ko na dumilat pa hanggat di ako nakakalabas sa bathroom nila.

END😥

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon