Body Snatcher

28 4 0
                                    

"An Author's Choice"

Body snatcher

Genre: Paranormal

#PHS_Player01

-Malakas ang ulan at naka inom pa ako yun lang ang huling naalala ko bago ako magising at makita ang pamilyar na kisame na sa loob ako ng aking kwarto. 

Naaksidente rin ako malinaw pa iyon sa akin pero nakakapag taka na parang wala ako maramdaman na sakit sa katawan, 

mabuti naman iyon tiyak mag aalala sa akin ang aking pamilya.

-Tumayo ako at lumabas para maka inom ng tubig dumiretso ako sa kusina ng mapansin ko na meron kausap si mama di ko naaninag kung sino meron yata kaming bisita. Pag balik ko sa kwarto ko naka bukas na ito nagtaka ako kung sino ang pumasok samatalang ako lang ang nakaka alam kung saan tinatago ang susi ng kwarto ko.

-Napansin ko ang isang lalaki na naka upo sa studychair ko nakatalikod lamang ito at meron ginagawa. Ng nakalapit na ako at tumayo sa kanyang likuran hinawakan ko ang balikat niya meron mga alaala na nag balik sa akin pero hindi malinaw.

-Nanlumo ako ng humarap sa akin ang lalaki pangiti ito para ba nang aasar pa. Nag salita ito sa akin sa nakakatakot na tono ng pananalita na narinig ko

-"Wala ka ng karapatan sa katawan na ito halos patay ka na sana sa aksidente. Kayat ako ang tumulong para maisalba ka, at ang tulong na ginawa ko ay ito ang kapalit."

-END😓

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon