Bagong Taon

12 1 0
                                    

December 31, 11:30pm trenta minuto bago sumapit ang bagong taon. Kaliwat kanan na ang putukan, mga nag iingay sa kapaligiran, sama sama at hindi dapat mag hihiwalay.

11:50pm
pansamantalang huminto ang putukan. Lahat ay nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari ang iba naman ay bumagsak na bago pa lang mag alas dose.

11:59pm
isang minuto ay mag babagong taon na, nag handa na ang lahat para mag paputok. Yumayanig na ang lupa mga nagsisigawan sa di kalayuan. Sinasabayan ng malamig na hangin ang malansang kapaligiran dahil sa pinag halo halong dugo at nagkalat na mga patay sa paligid.

12:00am NEW YEAR

Libo libong mga zombies ang papunta sa aming kinalalagyan dulot ito ng evolution ng nakaraan pandemya walang mag aakala na aabot kami sa ganito kahit isa walang naka isip.

Lahat ay nag papaputok ng baril, Lahat ay gustong mabuhay, Lahat ay dapat mag sama-sama at di mag iiwanan kahit anong mangyare.

Ngunit ang bilang namin ay di sapat para dumipensa ang ilan sa akin mga kasama ay nakikita ko kung paano katayin ng buhay. Wala ka ng magagawa kundi sumigaw na lang at tiisin ang sakit hangang sa mawalan ka ng hininga.

Kinuha ko ang dala kong granada. Tumayo ako habang pinag mamasdan ang paligid na wala ng pag asa.

Natawa na lang ako, di ako akalain na sarili ko mismo ang papasabugin ko sa pag sapit ng bagong taon.

-END

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon