Peripheral Vision

12 2 0
                                    

"Peripheral Vision"

#PHS_Player01

10pm before new year's eve. Pumasyal muna kami sa bahay ng tropa ko para maki kain advance foodtrip dahil nga taga Cavite ako at sya naman some place in Manila, Hiniram ko muna yung kotse ni papa at pumayag naman siya.

Quarter to 11 na makarating ako sa kanila marami na silang mga bisita pero naasikaso naman ako ng maayos. Kaldereta at konting kanin lang kinain ko kase mas gusto kumain sa bahay hindi naman sa ayaw ko ng handa nila talaga di lang ako mahilig kumain ng marami sa bahay ng iba, Tapos na ako kumain at na sa isang side ng bahay inaantay ko yung kaibigan ko at mag papa aalam na muna para maka uwi.

Nag open ako ng isang CP apps para makapag palipas oras habang nag aantay. Hanggang sa meron ako napansin sa peripheral vision meron nakaputi hindi ko alam kung babae ba siya o lalake. Tinignan ko ng harapan pero wala naman

Kinabahan ako baka kase totoo na yung mga sinasabi nila na haunted daw yung bahay ng tropa. Hindi ko na naka usap yung kaibigan ko at dahil malapit na rin mag new year's eve nag decide ako na umuwi na muna habang na sa byahe ako nakita ko naman ulit siya sa peripheral vision ko nakaputi at di gumagalaw maulan nun kaya di ko masyado maaninag sa side mirror at ayaw mag baka sakali na tumingin kase baka nandun na naman siya.-Pag uwi ko sa bahay dumiretso muna ako kwarto para mag bihis.

Pag pasok ko ng kwarto na sa peripheral vision ko na naman siya kinabahan na talaga ako dahil sa takot ko napapikit ako at nag dasal ng taimtim habang nag dadasal ako nakakaramdam ako ng kilabot. At sa pag dilat ng mata ko inaasahan ko na wala na yung puting bagay sa gilid ng kanan bahagi ng mata ko, Pero di siya nawala nandun pa rin siya.

Nag sisimula na ako mag panic at di na makapag isip ng tama nasundan siguro ako ng multo at palagi ko siya makikita kahit ayaw ko. Hanggang sa napa upo ako sa kama at napaharap sa salamin namin unti unti ko nilapit ang sarili ko sa malaking salamin hanggang sa makita ko ang tunay na katotohanan sa malaking takot ko at sa maputing bagay na kanina ko pa nakikita sa peripheral vision ko at sumusunod sa akin.

Meron pa lang butil ng kanin sa gilid ng mata ko at di ko napansin na ang akala ko ay meron multo sa paningin. 😁

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon