Incubator

21 4 0
                                    

"An Author's Choice"

The incubator

Sci-Fi/Gore

#PHS_Player01

-Nagising ako sa isang science facility kung saan sinalubong ako ng mga kapwa ko din scientist. Nag sagawa kase kami ng isang expiremental project para sa sakit na Leprosy 95% ang result ng experiment para sa iba success rate na iyon pero para sa akin kulang pa rin. Dahil nakakaramdam pa rin ako ng mga side effects hindi ko kuntento sa ganun klase ng resulta kung maari lang na ilagpas sa 100% gagawin ko.

-5 months later balik sa ordinaryo ang lahat kahit 95% ang success rate para sa Leprosy vaccine nailabas ito sa publiko at marami ang nakinabang sa bagong tuklas namin na ito. At ang inaakala kung side effect ng gamot ay hindi na mag babalik pero nag kamali pala ko, Sa ilang araw na lumipas lagi ako dehydrated kahit wala ako ginagawa nakaka ubos ako ng ilang bote ng mineral water parang walang kaya makapawi sa uhaw at panunuyo ng lalamunan na nararamdaman ko.

-Sinubukan ko mag pa check up kung ano ang nangyari sa akin pero laging negative ang mga results hindi nila makita ang sanhi nito at kung bakit. Katulad na lamang nitong nakaraang araw pag gising ko ang akala ko na panaginip na nalalagas ang ipin ko ay totoo pala, bumangon ako sa kama takip ang aking bibig para hindi mahulog sa sahig ang mga nag lalagas ko na ipin. Humarap ako sa salamin at pag tingin ko nag lalagas nga ito ngunit wala ako sakit o dugo na nararamdaman meron pa mga naiwan na ilang piraso sa aking bagang at ng binunot ko ito meron maliit na bilog sa ibabaw nito nilapit ko ang aking mukha sa salamin para maaninag kung ano ito.-Hugis bilog ito at mataba maitim ang kulay at parang meron mga tiny spikes sa likuran. Ng hahawakan ko na ito bigla itong lumubog sa mas malalim na parte ng aking bagang, nakaramdam ako ng pagka irita agad ako lumabas ng kubeta sinara ang pintuan ng bahay at hindi sumasagot sa kahit anong tawag sa cp.

-Kailangan ko malaman kung ano ang nakita ko na iyon. Nag mumog ako ng mouthwash ngunit hindi ito nawawala nararamdaman ko siya na gumagapang sa aking loob ng bagang at bumabakat pa ang matabang katawan nito mula king pisngi.

-At sa labis na pagka irita kumuha ako ng matalas nabagay at gusto ko isalampak ito sa aking bibig. At yung ang ginawa ko pinasok ko ang dulong bahagi ng maliit na kitchen knife sa aking bibig at sa butas ng bagang kung saan ko siya nakita ang akala ko ng una ay masasaktan ako sa gagawin ko pero kahit kapirasong sakit ay wala akong naramdaman. 

Tinuloy tuloy ko na iyon hanggang sa nararamdaman ko na ang buto mula sa aking bagang, Binunot ko ang kutsilyo at nag iwan ito ng malaking sugat na naka awang. Kasya ang hinliliit ko na daliri kaya ito naman ang ipinasok ko sa butas at nakapa ko nga aking hinahanap inipit ko muna siya sa gilid para di siya maka alis at agad ako kumuha ang pardible. 

Tinusok ko ito at nagkalat ang malangsang dugo o kung ano man iyon ay hindi ko mapaliwanag -Hindi muna ako pumasok ng mga araw na iyon kinuha ko ang natirang samples nito at dinala sa aking mini lab sa bahay. Tinignan ko kung anong klase ng organism ang nakuha ko sa aking bunganga at nagulat ako ng makita ko itp sa microscope mabilis itong nag mumultiply sa bagong organism at flesh eater ang mga ito. 

Ang 5% na natitira sa Leprosy vaccine ay ito ng resulta pinabayaan namin at di na inintindi pa kung ano ang kahihinatnan ng pagkukulang namin para dito.-Wala na akong mga ipin at nalagas ng lahat naramdam ko na marami na ulit mga organisms sa aking bibig tinakbo kung muli ang kubeta at humarap sa salamin. 

Pag bukas ko ng aking bibig ay nakita ko sa salamin ang napakaraming ubod ng itim na uod sa aking loob ng bibig matataba at kinakain nito ang aking dila mga gilid ng lalamunan lumabas pa nga ang ilan nito sa aking ilong. 

Meron pa ako nakita na may gumapang mula sa gilid ng aking mata bago ito mawalan ng paningin-Kinakain nito ang lahat ng pwede niya makain mula sa aking katawan ng hindi nakakaramdam ng kahit anong sakit mula sa host na pinagkukuhaan nila ng pagkain. Naisuka ko pa ang ilan sa kanila at ng bigla ko naramdam ng pagbigat sa aking dibdib kakaiba ito mula sa mga uuod sa aking bunganga, 

dali dali ko hinubad ang suot na tshirt ko ang pakiramdam ko kase ay meron kung anong bagay ang nakasabit sa aking puso at baga na nag papabigat dito.-Nag lakas loob ako na tignan kung ano iyon kinuha kung muli ang kutsilyo alam ko na mamamatay din naman ako kayat mas pinili ko na buksan ang dibdib ko para makita kung ano pa ang na sa loob nito. Sinumalan ko ito hiwaan hindi ako nakaramdam ng sakit kayat tinuloy tuloy ko na ito. 

At ang sumunod na mga nakita ko ay di na kinaya ng isip ko meron malaking parasite na naka attach sa aking left lung samantalang ang puso ko naman ay nababalutan ng napakaraming mga uod at mga flesh eaters organism.-Ginawa nilang incubator ang katawan ng bawat taong naka tanggap ng vaccine mula sa amin.

-END😴

One Shot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon