Isang taon o higit pa? bigkas ko habang kumakain ng hapunan. Kasabay ang mga tao na sa aking pakiwari'y kilala ko at nakilala ko na ngunit hindi ko alam at matandaan kung saan at kailan.
Maraming mga pag aalinlangan at ibat ibang emosyon ang aking nararamdaman.
"Pansinin mo yung kinakain mo" pagalit na bigkas ng isa sa miyembro ng pamilya, malalim ang mga mata, maiitim ang mga kuko at mga ipin ng taong ito.
Tinignan ko ang putahe na nakalagay sa aking plato. Nakakasuka ang amoy ng hilaw na karne mga piraso ng laman na lumulutang sa sabaw ng dugo.
At nakakasulasok din ang amoy ng buong kabahayan. Amoy nabubulok na karne sa bawat sulok, Sa di rin malamang dahilan ay di ko magawang iwan ang mga kaharap ko sa hapag kainan.
Sinubok ko na tikman ang putahe, Ang kanilang paningin ay nakatutok sa akin lahat sila'y nag aabang ng magiging reaksyon ko kung paano ko tikman at kainin ang karne.
Hindi ito kinaya ng aking sikmura nasuka ako sa aking kinauupuan. Lahat sila ay nagtawanan sa nangyari sa akin. Tumayo at lumapit sa akin ang pinaka matanda sa pamilya.
"Ano!? Nasanay ka kase sa buhay sa siyudad ang tagal mo din nawala dahil sa nag aral ka doon, ngayon ay naninibago ka sa karne ng tao na dati naman ay kinakain natin. Wag ka mag alala babalik din ang iyong panlasa"
-END