"Masamang Panaginip"
#PHS_Player01
Ilang araw din ako naging abala at di nakapag sulat ng sariling mga naiisip na kwento. Naging abala din kase ako ng mga nakalipas na araw natatakot na ako sa sarili kung kwarto at dito mismo sa sarili namin tahanan.
Ng minsan sa katanghalian habang nag aagaw antok pa akomeron ako napansin na parang lumulubog yung gilid ng higaan koparang meron tumatabi sa akin habang nakahiga pa ako. Gising ako pero di ko maigalaw ang anumang parte ng katawan ko mga mata ko lang ang nakaka ikot para makapag masid sa paligid nag sisimula ng hindi ako makahing ng maayos sa pangin ko sa itaas ng kisame meron tao na nakabigti at nakatingin mismo ang mga mata niya sa mga mata ko.-Matalim ang pagkakatitig nito sa akin akala ko sa ganun pagpapakita lang matatapos ang lahat pero hindi pala.
Dilat itong nakatitig aa akin hanggang sa mga ilang segundo lang nag simula itong gumalaw at nag pupumiglas mula sa pagkakatali, Pinipilit niyang alisin ang tali sa kanyang leeg at pilit niya din ako inaabot. Parang yelo pa rin ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw dala na rin ng sobrang takot, sumisigaw ako pero bingi ang kapaligiran walang mga luha na pumapatak sa mga mata ko kahit gustuhin ko pa.
Hanggang sa tuluyan bumigay sa pagkakatali ang nakita ko na nakabigti sa taas ng kisame ng hinihigaan ko at bumagsak mismo ang katawan niya kung saan ako nakahiga. Iniangat nito ang ulo at dahan dahan papalapit sa ulo ko habang walang kurap pa rin ito na nakatitig sa akin. Napapikit na rin ako at pag dilat ko wala na siya nh makabawi ako ng lakas agad ako tumayo mula sa pagkaka higa at nag punta sa CR ng bahay.
Mga ilang sandali pa naka rinig ako ng sigaw mula sa kwarto ko nag mamadali ako para malaman kung anong nangyari ngunit pag bukas ko ng pintuan ay walang tao doon. Subalit nakakarinig ako ng mga pag iyak sa bawat sulok ng kwarto boses ni mama kay papa at sa kapatid ko naririnig ko ang bawat pag iyak nila.
Muli ako naupo sa gilid ng kama at biglang pumasok sila mama sa kwarto ko, meron mga dalang paborito kung pagkain binati pa ako ng maligayang kaarawan ng kapatid ko.
Iniwan lang nila ang pagkain at umalis na ika dalawangpung kaarawan ko na sana kung nabubuhay pa ako. Ngayon pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko ang taong nagbigti sa kwarto ay ako at binabalik balikan ako ng mga alaala na ito minumulto ako ng sarili ko na pwede pa lang maging posible.
Sa di maipaliwanag na dahilan sa loob ng mahabang panahon at sa araw araw paulit ulit ang mga nangyayari sa loob ng aking kwarto ngunit sa pakiramdam ko para itong laging bago. Gusto ko na magising mula sa isang...
-Masamang panaginip.